Kabanata 76
Gabing-gabi na pero nandito pa din kami nila Lil sa bahay ni Reigne. Inangat ko ang tingin ko, napatingin ako kay Paulo na seryosong nakatingin sa screen ng laptop. Ano kayang ginagawa nun? Nagbikit-balikat na lang ako at tumayo.
"6 pm na pala, uuwi na ako maya-maya." sambit ko habang nag-uunat. Napatingin silang lahat sa akin. Tanging sila Paulo, Lil, Reigne at Gab na lang ang kasama ko dahil kanina pang nakauwi yong iba.
"Sabay-sabay na tayo." tugon ni Gab. Tumango na lang ako sa kaniya at lumapit.
"Uy, kape! Timpla mo din ako... iced coffee ba?" tanong ko. Kinuha ko yong balat ng kape na nabuksan na ni Gab. Sinimot ko ang natitirang powder. "Mapait na matamis." natatawang puna ko.
"Sige, wait lang. Mag-iinit muna ako ng tubig." nakatalikod na tugon ni Gab.
"Yehey! Salamat."
Napatingin ako kay Paulo na tumayo na mula sa kaniyang kinauupuan. Grabe, hanggang ngayon di pa din ako makapaniwalang gusto ko siya. Ghad! Napasimangot na lang ako nang kumanta siya bigla. Parang ewan, eh! Pabigla-bigla. Ngumisi ako at umupo sa tapat ng laptop.
"Ibahin natin yong kanta..." I scrolled the button. Pinili ko yong Dahan ng December Avenue.
Di na muling luluha, 'di na pipilitin pang...
I stood up and took Reigne's guitar. Inaral ko na dati yong chords ng Dahan, eh. Hindi ko nga lang maalala dahil matagal na yon.
Ikaw ay aking ibigin hanggang sa walang hanggan. ~~
Natawa na lang ako habang inaalala yong mga ginawa ko noon para kay Jace. Ayokong magmahal, ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa isang tao na hindi naman ako gusto, at bukod sa lahat.... ayokong mahulog sa taong walang planong saluhin ako.
"Makayla...." I heard Paulo's voice behind me. Napalingon ako, nakaupo pala siya sa kabilang sofa.
"Bakit, Pau-pau?" may halong biro kong tanong. Tinawanan niya naman agad ako.
"Sira!" tumatawang singhal niya. Natawa na lang din ako. "Ikaw, ah.... naging kayo pala ni ano...." pabitin niyang patuloy. Napangiwi naman agad ako.
"Nino?" nagtataka kong tanong.
"Yong third year." napanganga ako sa sagot niya. Parang kilala ko na kung sino yon...
"Si Julian?" paniniguro ko.
"Oo! Yong lead guitarist ng Worship team... yata?" hindi niya siguradong tugon.
"Bassist lang siya!" marahan akong natawa.
"Eh, basta... yon na yon!" asik niya habang ngumingisi. "Julian ka pala, ah...." pang-aasar niya pa. Sinimangutan ko na lang siya. Ikaw yong gusto ko, sira! Gusto ko sanang sabihin sakaniya pero huwag na lang.
"Dati lang yon, baliw." I stood up and locked the guitar on its stand.
"Ay, meron pa pala!" he exclaimed. "Yong ano— friend ni Vhalerie." patuloy niya pa. Animo'y malalim ang iniisip niya dahil humalukipkip pa siya habang seryosong nakatitig sa akin. Tumawa na lang ako para matakpan ang nararamdaman kong pinaghalong hiya at kilig.
"Ex-friend ba kamo?" tanong ko. Tumango lang siya. "Si Toby..." I chuckled.
"Oo, yon! Naging kayo daw non?" patanong niyang tugon. Kumunot ang noo ko.
"Asa pa...." hindi ko na napigilang humalakhak. Jusko!
"Weh, Makayla...." nagdududang sambit niya. Tinitigan ko na lang siya. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay. Natawa na lang ako sa inasta niya.... parang sira, eh!
"Hindi nga naging kami, hay nako." nakangising tugon ko. "Wala pa akong nagiging boyfriend, Paulo." seryoso ko nang sambit ngunit may bahagyang ngiti pa din.
"Oh, edi ano si Julian? Ano si Toby?" magkasunod niyang tanong. Ayaw talaga niyang maniwala, aba!
"Ganito po kasi yan, ano...." I paused. Huminga ako nang malalim at umupo sa tabi niya. "Si Julian, ex-mu ko. Si Toby naman, naging ka-voice call ko lang yon nong mga panahong gusto ko pa siya. Ok ka na?" I raised my right brow at him.
"Oo na po, ma'am. Pero... seryoso? Wala pang nanligaw sayo mula sa kanila?" tanong niya ulit. Natawa na lang ako.
"Julian courted me pero mas pinili kong itigil na kung ano 'man ang meron kaming dalawa noon. After all.... ayoko pang magkajowa nong mga oras na yon." pagpapaliwanag ko sakaniya. Sana naman naintindihan niya na.
"Kasi hindi ka pa ready sa commitment?" tanong niya ulit. Ngumuso na lang ako at tumango.
"Let's just say na.... I can't see myself being in a relationship during those times yet." I shrugged. Napa-"ohhh" na lang ang bibig niya at dumiretso siya ng upo.
"Pero ngayon?"
Napaisip ako sa tanong niya. Ready na ba ako ngayon? Tingin ko kasi kaya ko nang mag-handle ng relationship and priorities at the same time. Pero yong pain? Parang hindi ko pa ulit kaya... Well, kakayanin.
"Para sa taong gusto ko?" I lifted my head. Diretso akong tumingin sa mga mata niya. "Kakayanin ko, siyempre." I chuckled a bit.
"Psh! Si kuya Jace ba?" pang-aasar niya. Tinawanan ko na lang siya. Tumayo ako at dinampot ang isang unan mula sa kabilang sofa. Ibinato ko yon sakaniya na agad niya namang iniwasan.
"Makayla!" pareklamo niyang sigaw. Tumawa na lang ako at dumila.
"Dami mo kasing tanong." I rolled my eyes. Nagulat na lang ako nang may lumipad na unan sa akin. Aba, binato ako pabalik!
"At talaga nga namang....." I paused. Kumuha ulit ako ng unan at binato ulit sakaniya yon. "Geh, gumanti ka!" pagbabanta ko. Tumawa siya nang malakas at tumayo.
"Ok, sabi mo yan ah?" mabilis siyang lumapit sa akin. Nanlaki agad ang mga mata ko kaya kumaripas agad ako ng takbo palayo.
"Paulo, tigil na!" utos ko.
"Sabi mo gumanti ako, diba?" pang-aasar niya. Tumawa na lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Argh! Nakakainis ka...." sumimangot ako at mas binilisan ang pagtakbo. Sa kasamaang palad ay natisod ako ng sapatos ni Reigne. "Ahhhh!" akala ko'y tuluyan akong tutumba kaya't napatili ako.
Naramdaman ko na lang ang malambot na bagay sa aking tagiliran. Hawak na pala ako ni Paulo. Takte!
"Gotcha!" he laughed. Napasimangot na lang ako at umayos ng tayo. Hinawi ko ang buhok ko at tumungo. Sinipa ko yong sapatos ni Reigne pabalik sa dati nitong pwesto. Binitawan na ako ni Paulo pero patuloy pa din siyang tumatawa.
Nakakainis, muntikan pa akong matumba dahil dun. Napairap na lang ako sa hangin at nagmartsa pabalik sa sofa.
"Hmp, bwiset! Ang sakit sa paa non, tumapilok pa ang paa ko." reklamo ko habang tumatawa nang bahagya. I bowed my head. Inabot ko ang kanan kong paa na mediyo tumapilok kanina noong natisod ako sa sapatos ni Reigne na nakakalat.
"Ayan, takbo pa. Para kasing bata, eh." pailing-iling na puna ni Paulo habang tumatawa.
"Eh, sira! Sino ba kasing nagsabi na habulin mo ako? Tumakbo lang naman ako dahil doon." paninisi ko sakaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinawanan.
"Ako pa ang may kasalanan...." mahinang sambit niya pero nakangiti pa din. Napasimangot na lang ako. Wala talagang pakialam sa akin ang isang 'to!
"Malamang!" I hissed. Tinalikuran ako ni Paulo at naglakad siya papunta kay Gab. Sinubukan kong igalaw ang kanan kong paa pero masakit talaga siya. Napadaing na lang ako.
"Tsk...." bahagya akong napasinghap nang lumuhod si Paulo sa harapan ko. Akala ko kanina iniwan niya na ako dahil siya ang sinisisi ko. Yon naman pala ay kumuha lang siya ng yelo sa ref.
"Gagalet ka diyan!" ginalaw ko ang paa ko. Pinalo agad ni Paulo yong paa ko nang marahan.
"Ang likot! Bata ka ba? Hay nako... umayos ka na para magamot na natin yan." seryoso niyang utos.
"Kaya ko nang gamutin yan..." sinubukan kong hatakin ang paa ko mula sa kamay niya dahil nahihiya ako. Pero agad niyang napigilan iyon.
"Sinabi nang huwag malikot, eh. Isa..." he started to count. Lihim na lang akong napangiti dahil sa inasta niya. Ang cute...
"Dalawa.... tatlo...." mapang-asar kong patuloy. Sinamaan niya agad ako ng tingin. I just grinned at him. Sa huli ay tumawa na ulit siya.
"Oh, ayan...." diniinan niya ang yelo sa may bandang buto ng paa ko. "Huwag ka nang tumakbo sa sunod. Kaya ka nasasaktan, eh. Tsk." he chuckled while hissing. Ngumiti na lang ako.
"Oo na po, sir! Salamat..."
"May bayad yan, hoy! Wala ng libre sa panahon ngayon." tugon niya. Tinawanan ko na lang siya.
"Magkano?" I tried to step my foot on the ground. Mediyo naging ok na siya compare sa kanina.
"Magkano ka diyan.... ano kamo!" naglakad siya patungo sa lababo.
"Ok... anong bayad?" I tried to hide my smile.
"Hmmm...." sandali siyang nag-isip. Napatingin ako sa hawak niyang plastic, doon nakalagay yong yelong ginamit niya kanina sa paa ko.
Bumalik na ulit siya at tumabi sa akin. Dinampot niya ang phone na nasa tabi ko at pinaikot yon sa kaniyang kamay habang animo'y nag-iisip nang malalim. Natawa na lang ako nang mapansin ko ang paglitaw ng dimples niya dahil sa pag-ngiti.
"Ang bagal mo mag-isip, naiinip na ako!" reklamo ko habang tumatawa.
"Ano ba kasi? Hintay ka lang..." tumawa din siya. I just shrugged and stared at him. Tumawa agad ako nang mapansin kong wala pa din siyang naiisip.
"Ako na nga lang...." I insisted. "Sabay tayo kumain sa Lunes, my treat... game?"
"Ay, oo nga 'no? Sige, yon na lang." he stood up. "Sa Lunes, ah?" he smiled. Tumawa na lang ako.
"Oo nga!"
"Yun, sige.... uuwi na ako." kinuha niya yong cap niya pati susi ng motor.
"Wait, pasabay na. Puwede bang hatid mo ko doon sa labasan?" Lil also stood up.
"Sige, tara na..." tugon ni Paulo habang inaayos yong cap.
"Yon! Tara... Bye, guys! See yah ulit sa Lunes." una nang lumabas si Lil. Si Paulo naman ay nandito pa din at nakatingin sa screen ng phone niya.
"Oi, uuwi na kami, bye...." he bid. Bahagya na lang akong ngumisi at lumapit sakaniya.
"Thank you, Paulo." seryosong ngiti ang binigay ko sakaniya. He just chuckled and raised his brows at me.
"Wala yon, sus! Basta sa sunod, wag ka nang tumakbo palayo para di ka na ulit masaktan gaya kanina. Tanga-tanga kasi..." tumatawang tugon niya. Tinawanan ko na lang din siya.
"Oo na! Ingat kayo, ba-yi.~~" I waved my hands and pushed him out of the house.
"Oo, nanulak pa! Ingat din kayo pauwi!"
Sumakay na siya sa motor niya. Tumingin muna siya sa akin at tumawa ulit habang umiiling. He mouthed something pero hindi ko naintindihan kung ano yon kaya't tumawa na lang din ako. Napangiti na lang ako hanggang sa makaalis na sila ni Lil. Ang sarap magkaroon ng isang Paulo sa buhay mo... He's worth everything in one's life. As for me? I'm thankful to have him.... as my friend.
******