Kabanata 65
Sumandal ako sa pader ng aking kwarto at pumikit. I must admit, this day is so tiring. Pero 'di ko din naman maipagkakaila na sobrang saya ng araw na 'to. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang paghapdi ng palibot ng mga mata ko. Hinayaan ko na lamang na lamunin ako ng kadiliman hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda na sa pagpasok. Sobrang busy namin dahil examination week na ngayon at next week na ang sembreak namin. Days have passed, natapos na ang mga exams namin. Naibalik na din sa amin ang mga test papers namin and thanks God, pasado ako sa lahat ng subjects.
"Sabay na tayo magbihis, Ulan." pagaaya ko kay Reigne. PE na kasi namin kaya't kailangan na naming magpalit ng uniform.
"Wait lang." dinampot niya ang bag niya at kinuha ang uniform doon. Nang makuha niya na lahat ng pamalit niya ay sabay na kaming umakyat patungo sa restrooms.
"Magtatali pa ba ako o hindi na?" I pouted while looking at myself through the mirror.
Sandaling tumingin si Reigne sa akin at ngumisi. Mas napanguso naman ako at umirap na lang sa kawalan.
Niligpit ko muna ang blouse at palda ko. Napagdesisyunan ko na din na hayaan na lamang na nakalugay ang mga buhok ko at bumaba na ulit kami ni Reigne.
"Ito daw 'yong rubrics ng grading natin sa Baskteball." hinawi ko ang buhok ko at inabot ang papel na hawak ni Jayrus. Sandali ko lang pinagmasdan 'yon at bumaba na din ako kasabay sila Angeline.
"Sinong partner mo, Makayla?" nilingon ko si Janella.
"Si Angeline." nginuso ko sila Angeline na nauuna na sa paglalakad.
"Hala, sino kayang partner ko?" nakasimangot niyang tanong.
"Sila Peren yata wala pang kapartner." tugon ko sakaniya. Napansin ko naman na agad siyang nabuhayan ng loob kaya't napailing na lamang ako habang nakangisi.
Nang makarating kami sa gym ay nandoon na lahat ng mga kaklase namin at nagsisimula na din mag-discuss si sir Del Mundo. Tumungo ako at dahan-dahang umupo sa tabi ni Raze.
"Considered na hindi lahat kayo ay marunong sa mga skills na nakalagay sa rubrics kaya't same total lang ang ginawa ko diyan saka sa attitude niyo sa paglalaro." paliwanag ni sir.
Napatingin ako sa aking kanan at napansin ko na nandoon si Luis kasama ang mga kaibigan niya. Bale apat silang nandoon kaya't mediyo nagtaka ako.
"Dribbling, passing at shooting ang gagawin natin ngayon. Nandiyan sila Luis dahil sila ang tatayo sa bawat corner ng field para saluhin ang bola at ipasa." paliwanag ni sir. Napatango na lamang ako at nag-iwas ng tingin kayla Luis.
Ilang minuto pa ang lumipas at tinawag na ni sir 'yong apat na tuko para gawin ang kailangan nilang gawin. Napanganga na lang kaming lahat habang pinapanood ang demonstration nila sir. Ang galing!
'Yong iba ay tumayo pa para lang mas makita ang bawat hakbang at galaw ng mga lalaki na nagtuturo sa amin ng gagawin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pati ako'y napatayo na din. Ang lupet!
"Ok. Tumayo na kayo at kumuha ng kaniya-kaniyang bola. Training lang muna tayo ngayon." sambit ni sir at pinatalbog sa sahig ang bola.
"Yon!"
"Nice one!"
"Naks! Thank you po, sir!"
Halos lahat ng mga kaklase ko ay naghiyawan at nagtatalon. Obvious naman siguro na halos lahat kami ay hindi marunong magbaskteball kaya't tuwang-tuwa silang lahat. Napangisi na lang ako at kumuha na din ng sariling bola.
"Game, Angeline!" pinatalbog ko muna ang bola at humakbang ng dalawa palapit kay Angel.
Noong una'y mediyo kinakabahan pa ako dahil bukod sa maraming nanonood ay hindi din ako marunong magbasketball. Pero noong nagtagal ay mediyo nasanay na din ako at naging maayos na ang pagd-dribble at pagpasa ko ng bola. Nahahabol ko na din 'yon nang maayos, ang kaso nga lang ay hindi ako maka-shoot.
"Ilan na ang nashoot niyo?" nakasimangot kong tanong sa mga kaklase ko.
"Dalawa sa'ken." sagot ni Warren.
"Sakin lima." sunod na sagot ni Jayrus.
Napapadyak na lamang ako at napasapo sa noo. Wala pa akong nash-shoot kahit isa. Biglang pumito si sir kaya lahat kami'y napatingin sa kaniya.
"Ok na lahat ng skills. Free time niyo na, pero ayokong makakita ng nakaupo. Practice shooting." striktong sambit ni sir at tumalikod na sa anin.
Napangiwi na lang ako dahil sa narinig ko. Free time daw pero kailangang mag-practice ng pagsh-shoot? Myghad!
"Kabilang ring tayo." rinig kong sambit nila Janella. Sumunod na lang ako sa kanilang paglalakad at tahimik na tumungo. Nahihilo ako, damn!
"Go, Kobe!" rinig kong sambit ng kaklase ko. Lumingon ako sa gawi nang nagsalita at bahagyang nakitawa.
"Go, Kobe. Go, Kobe. Go, Kobe—Kobe, go!" natatawang nag-wave pa ako ng katawan habang kumakanta. Ginaya ko 'yong kanta ni Kathryn sa She's Dating The Gangster pero iniba ko ang tawag.
"Nahihiya si Kobe." pangangantsaw ni Warren. Tumawa na lang ako nang mapansin kong mediyo namumula na si Yesh.
Noong nagmeeting kasi kami one time ay may 'Kobe' na tatak 'yong damit niya. Doon na nagsimula 'yong pang-aasar nila Warren sa kaniya. Mas natuwa pa sila sa pang-aasar kay Yesh dahil nahalata nila na parati itong namumula tuwing kinakantsawan namin. Kobe is a famous basketball player kaya't ganoon na lamang kung mang-asar sila Warren nang makita ang suot ni Yesh.
"Hoy, Makayla! Turn mo na po kaya." natatawang ibinato ni Janella sa akin ang bola. Mabuti't nasalo ko kaagad iyon kung hindi ay sasapul iyon sa mukha ko.
Tumawa na lang ako at bahagyang napailing. Nag-dribble muna ako at tinitigan 'yong ring. Kasabay nang paghagis ko sa bola ay ang pag-angat ng dalawang paa ko sa ere. I crossed my fingers while waiting for the ball to shoot. Napaupo na lang ako nang tumalbog ang bola sa board at bumagsak ulit sa harapan ko. Ang daya!
"Naman, ih! Ang duga." pagmamaktol ko habang lumilipat ng puwesto.
Nakailang ikot na kaming mga nakapila nang marinig ko ang pagtawag ni Raze sa pangalan ko.
"Dito ka na." sambit niya. Bahagya akong napanganga habang nakatingin sa kaniya.
"Three points 'yan, ah?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya saka tumango. Sa huli ay sumunod na lang ako sa kaniya at pumuwesto sa likuran niya. Kaya ko ba? Kaloka.
"Kaya mo 'yan." hinawi niya ang buhok niya at bahagyang ngumiti sa akin. Well, I hope so.
Maya-maya pa ay turn ko na pala kaya't pumuwesto na ako sa linya at bumuwelo. I need to shoot this.
"Go, Jace! Go, Jace! Go, go, go!" napanganga na lang ako nang marinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko.
Luminga-linga pa ako sa paligid ko para lang makita kung may mga nakarinig sa sigaw ng mga kaklase ko.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nandoon pala ang tao na binabanggit ng mga kaklase ko kasama ang mga kaibigan niya. Oh, shoot! Nandoon sila kuya Jace. Napapikit na lang ako at huminga nang malalim.
Nanginig ng husto ang mga kamay ko na nasa magkabila ng bola. Kinakabahan ako, baka hindi ko mashoot 'yong bola. Ayokong mapahiya sa kaniya, ghad! Seryosong tumitig ako sa ring habang patuloy sa paghiyaw ang mga kaklase ko. I clenched my jaw and focused on dribbling the ball.
Tanging ang pagtalbog lang ng bola sa sahig ang naririnig ko at ang pag-ugong ng paligid. Kinakabahan na ako pero kailangan ko 'tong gawin. Kailangan ko nang ibato ang bola dahil may mga naghihintay pa sa akin sa likuran. Shoot 'man o hindi, bahala na. Akmang ibabato ko na sana ang bola nang may sumigaw mula sa gilid ng gym. Kung kanina'y tanging pagtalbog lamang ng bola ang aking naririnig, ngayon naman ay pati na rin ang pagkabog ng aking dibdib.
"Kaya mo 'yan, i-shoot mo na!" napaawang ang bibig ko at dahan-dahang nilingon ang nagsalita. He didn't mention any names, pero sigurado ako na para sa akin iyon. It was from kuya Jace.
I smiled a little at naramdaman kong nawala na ang kabang nararamdaman ko kanina. Walang pagdadawalang isip na ibinato ko na agad ang bola sa ring at tumalikod na kaagad ako. Naririnig ko na ang yabag ng aking paa habang papalayo doon ngunit agad akong napatigil nang pumapalakpak ang mga kaklase ko.
"Iba talaga kapag inspired!"
"Malupet!"
"Idol namang talaga."
Napatalon na lang ako at pumalakpak. Ang galing ko! Omyghad!
"You did it."
Napalingon ako sa nagsalita at napangiti. Kinakabahan ako pero hindi ko maipagkakaila na masaya ako.
"Well..." I smiled at him. "..thank you, Kuya Jace." kumindat ako sa kaniya at tumalikod na.
I jogged towards my squad and happily jumped on Gab's back. Ang saya ko, sh*t!
I guess basketball isn't that bad.
****