Kabanata 23

2777 Words
He met my gaze, I can see the accurate sincerity from his eyes. "Liligawan kita." he whispered. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang labi nya sa ibabaw ng noo ko. A soft kiss... damn! I smirked. "Pano kung ayaw ko?" I raised a brow at bahagyang lumayo. He glared at me. "Liligawan pa rin kita, gusto ko eh." pabiro syang umirap. "Napakaepal talaga." tumawa sya bago ako inabutan ng tubig. "Biro lang naman, ih..." I pouted. Ininom ko 'yong tubig na binigay nya. Sumandal sya sa sink, nakatitig sakin. "May ibibigay akong shirt sayo, suot mo bukas ha?" his fingers are on his lips, playing with it. "Anong meron?" kumunot ang noo ko, nagtataka. "Wala naman..." he shrugged. "Maglalaro kami bukas, gusto ko lang na isuot mo 'yong damit ko." he took the glass from my hands and left it on the sink. Hinatak nya ako palapit sakanya, leaving his hands on my waist again. "You're obsessed with my waist?" I chuckled, more likely to tease him. Nginiwian nya lang ako at saka tumawa. He pinched my waist, my eyes widened. "Am I?" patanong nyang tugon. Napatungo ako, trying to hide my redness. Pakiramdam ko'y nangangamatis na ako sa sobrang pula ko ngayon. "J-Josh!" I stuttered. He chuckled and pulled me closer to him. "I love you." bulong nya, seryosong tingin ang ipinukol nya sakin. "I love you too." humagikhik ako nang isiksik nya ang ulo nya sa leeg ko. Ramdam ko ang pagsinghot nya don, he obviously wants my scent. Such a big baby... The next day, I woke up dahil sa sunod-sunod na pagriring ng phone ko. Malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo. I looked at the caller, it's Josh. "Aaargh, Josh! Ang aga-aga pa, you woke me up..." reklamo ko sa kabilang linya. He chuckled. [Goodmorning, baby... susunduin kita. Suotin mo 'yong damit na binigay ko sayo kahapon.] "Fine! You ruined my sle—" [I love you.] he's laughing. "Hindi ako marupok. Mag-aayos na ako, hintayin mo na lang ako mamaya sa baba. Ingat ka!" I ended the call right away. I took a quick shower after exfoliating, I finished my morning routine and fixed myself. I paired his jersey with a blue denim shorts. I buckled my belt to add some styles on it before slipping my feet on a white sneakers. Hinayaan kong nakabagsak ang buhok ko, basa pa naman. Dali-dali akong bumaba nang marinig ko ang pang-apat na beep ng phone ko, for sure si Josh 'yong nagchachat. Naabutan ko syang nakaupo sa sofa habang kausap si kuya. "Hey, goodmorning!" I greeted. Bumaling ako sa kapatid ko.  "Kuya, ano..." I clicked my tongue, hindi ko alam kung anong paalam ang gagawin ko. "May laro pala 'tong manliligaw mo, huwag nang magpapagabi ha! Ingat kayo..." tinanguan ako ni kuya. Lumipat ang paningin ko kay Josh, my eyes widened at him. He just shrugged at me and winked. "N-No... kuya, hin—" "Sus! Huwag nang itanggi, Makayla." my brother smirked. Lumapit sya sakin para bumulong. "He's a keeper." pasimple syang kumindat sakin nang nakangiti. I bit my lower lip and turned my gaze at Josh. Tinaasan nya ako ng kilay, asking me to go. "Una na kami, kuya! Ikaw na magsabi kina mommy..." I kissed his cheeks before going out with Josh. I took my phone to check the time, 7:36 am pa lang. Maya-maya pa ang laro nila, maybe we should grab a breakfast before going to the court. "Nagbreakfast ka na ba?" I asked him. He shook his head. "Sabay tayong kakain, kaya nga inagahan ko punta sa inyo." he chuckled. I raised my brows. "At para kausapin ang kuya ko?" pangungutya ko. He shrugged. "Di ko naman inexpect na sya ang makakausap ko, I was expecting for your dad." I dropped my jaw with his statement. "Lakas ng loob..." I shook my head in disbelief. He held my hand and intertwined our fingers. "Saan mo gustong kumain?" "Nagc-crave ako sa tapsilog." I smiled at him. Tinaasan nya ako ng kilay, animo'y nang-aasar. "Araw-araw ka namang may cravings." he laughed, napanguso na lang ako. We went to the nearest place na may tapsilog. Parehas na 'yong inorder nya para saming dalawa. Naisipan kong iopen-up 'yong about dun sa babaeng type nya, 'yong sinasabi ni Jed kahapon. Pinagseselos lang daw ako ni Jed, 'di naman daw totoo 'yon. Well, naniniwala ako kay Josh. Naglakad-lakad lang kami saglit after kumain, tinutunaw ang mga nakain namin. Pagkarating namin sa court ay sumalubong samin ang mga teammates nya. Walang specific na event ngayon, ewan ko kung anong trip nila at mga naka-jersey sila. Napangiwi na lang ako nang balingan ko si Josh, ngingisi-ngisi syang nakipag-fist bump sa mga kaibigan nya. "Sinong kasama mo, pre?" napalingon ako dun sa nagtanong, medyo may katangkaran din sya pero mukhang mapang-asar. Umakbay sakin si Josh. "Bebe ko." he smirked at them. Their lips formed into an 'O', animo'y hindi makapaniwala. "Gumaganon na si master." My brows raised. Master? What kind of call name is that? I bubbled my cheeks before glancing at them. Nakatingin din sila sakin, nakangiti. I awkwardly smiled back before holding into Josh's arm. They started the game, nakaupo lang ako habang nanonood. I was amused when I realized na mga dayuhan ang kalaban nila, hindi naman nabanggit sakin ni Josh 'yon. Sa tuwing si Josh ang may hawak ng bola para mag-shoot, pakiramdam ko'y mas kinakabahan pa ako kaysa sakanya. Napaka-kalmado nya habang tumatakbo pabalik-balik sa court, tila ba'y hindi manlang nakakaramdam ng kaba. Well, he's just enjoying the game for fun. Kada-break ay tumatakbo sya patungo sakin, sumasalubong naman ako para punasan sya. "Talikod..." utos ko. He made a sad face. "Hug..." ngumuso pa sya. I raised a brow. "Talikod muna." utos ko ulit, pang-ilang beses ko na syang inutusang tumalikod kaso paulit-ulit syang humihingi ng hug. He rolled his eyes at me. "Hug nga!" animo'y batang sambit nya. I heaved a sigh and quickly kissed his cheeks. "Talikod na, matutuyuan ka ng pawis.... pasaway!" He chuckled. "I love you." tumalikod na sya. Inangat ko 'yong damit nya para mapunasan ko sya ng maayos. Basang-basa ng pawis, maingat kong idinampi ang hawak kong towel sa likuran nya. Humarap na ulit sya sakin, nakalabi na tila ba'y humihingi pa rin ng yakap. I chuckled, hinatak ko sya palapit sakin para yakapin. Bahagya akong lumayo at kinuha 'yong tubig na nasa gilid ng bag ko. I opened it and handed the bottle to him. Ininom nya 'yon, he gave it back to me nong maglalaro na ulit sila. He quickly faced me and leaned. He smacked the corner of my lips, I gasped. "I love you." he whispered. Bumalik na sya sa court, I bit my lower lip because of what he did. Hindi ko inexpect 'yon, sanay akong puro forehead-kisses, nose tip saka sa cheeks ko lang sya humahalik. I sat on my seat and watched him play, he's really good at this. Lumingon sya sakin, I raised my brows before mouthing something. "Go, baby!" I mouthed. Napangiti sya, wari ko'y nakuha ang sinabi ko. After the game ay nagbihis na sya, niyaya nya akong mag-mall. Anyways, they won. Magaling 'yong teammates nya, pero mas magaling sya. "Congrats, baby..." I gave him a soft kiss on his cheeks. He pulled me into a hug. "Thank you sa numero uno kong taga-suporta at taga-alaga." he chuckled, tightening his hug. "I love you." I sincerely uttered. "Kain muna tayo?" I lifted my gaze at him. Bahagya syang bumitaw, glancing on his wristwatch. "Opo, san mo gusto?" he held my hand. "Hindi pa naman ako masyadong gutom. Ikaw, saan mo gusto?" I asked, intertwining our fingers. "Greenwhich or Bon Chon?" he shrugged. My eyes widened. "Greenwhich, please?" I gave him a sweet smile. "Gusto ko ng lasagna..." He chuckled, pinching my nose. "Hindi pala gutom, ha?" sandali nyang binitawan ang kamay ko, napalabi na lang ako. Dumiretso kami sa Greenwhich gaya ng napagusapan, syempre pinagbigyan nya ako. He looks so good habang nakapila, I took my phone to take some shots of him. Tumabi sya sakin nang makaorder na sya, we talked about some stuffs habang hinihintay yong foods. Tumahimik lang kami nong dumating na yong mga inorder nya, walang nagtatangkang magsalita samin. He broke the silence. "Arcades tayo after kumain?" he glanced at me. I raised a brow, nodding at him. "Sige, pero samahan mo muna ako sandali sa Watsons... may bibilhin lang ako." I smiled a bit, tumango lang sya. As we've planned, dumiretso muna kami sa Watsons after kumain. Bumili lang ako ng mga kailangan ko, saka kami pumunta ni Josh sa arcades. "Gawa nga tayong deal..." he held my hand. Kumunot ang noo ko. "Deal? Sige, game... anong deal?" "Kita mo 'yon?" he pointed at the crazy hoops, 'yong sa basketball. "Oo?" patanong kong tugon, nagtataka. "Ano gagawin ko dyan?" Pinitik nya ang noo ko, tumatawa. "Basta... kita mo yon ha. Tapos 'yon pa..." sunod nyang itinuro 'yong sa racing ng kotse saka 'yong sa motor. "Tatlo?" I asked, still don't have any idea of what's going on. "Wait, pataasan tayo ng score?" tumaas ang kilay ko. He shrugged, chuckling at me. "Oo..." he pressed his lips into a straight line. "Kapag nanalo ka, gagawin ko lahat ng gusto mong ipagawa sakin. Kapag ako ang nanalo... tayo na." he laughed. "Yon lang pala, ih." I chuckled. "G na!" He raised a brow, animo'y naghahamon. I shrugged, smirking at him. Inuna namin 'yong motor racing, medyo chill pa nong una. Hanggang sa umingay na kami nong matatapos na ang timer. I gave him a sweet smile, 'yong may halong pang-aasar. Second sya, first ako. "Aw, baby.." I made a sad face, pang-asar lang. "I love you." I chuckled. Sunod naman ay 'yong car racing, panay tawa lang kami habang nagd-drive. Mas maingay na ngayon kaysa kanina, lalo na nong nakita kong second na sya sa screen nya, third ako sa screen ko. Napalabi na lang ako at hinabol 'yong pangalawa. Second na rin ako, kaso medyo malayo na sakin 'yong first. "Yong timer!" may kalakasan kong sambit, nap-pressure. Josh chuckled at me. "Wait... hala!!!" my eyes widened. Nahabol ko 'yong first! "First!" sabay naming sambit ni Josh. The corner of my lips curved upwards, he just shrugged at me habang tumatawa. Last, basketball. I stopped walking. "Sa mini na lang kaya tayo?" kumunot ang noo ko, nagdadalawang isip. Humagalpak sya sa tawa at pinitik ang noo ko. "Sigurado ka?" he's still laughing. "Oo?" I hesitated. "Ay, wag na pala.... 'di challenging." I chuckled, tumatawa pa rin sya. He's good at shooting, malamang sa malamang mas matataasan nito ang score ko. Oh, well.. bahala na mamaya. We inserted the token, sabay naming pinress 'yong button para maunblock 'yong mga bola. Basta ko na lang binabato 'yong mga bola sa ring, kadalasang sablay. I was laughing the whole time. Napatingin ako sa scoreboard ni Josh, sunod-sunod 'yong pasok ng bola sa ring. No wonder, ang taas na ng score nya. Inayos ko na ang pagsh-shoot. Sabay kaming humagalpak sa tawa nong pumasok sa pwesto nya 'yong bola na ibinato ko. Medyo tanga, tumalbog papunta sakanya. Sa huli ay mas nataasan nya 'yong score ko, expected na 'yon. 36 points 'yong lamang nya sakin, natawa na lang kami! "1-1, parehas tayong nanalo don sa kotse kanina." he stated, chuckling. "Tie breaker?" I asked him. Luminga-linga sya, naghahanap ng malalaro. "Ayon! Barilan..." he laughed. "Ay, tara!" tumawa din ako. Hinatak ko sya patungo don, may points din naman 'yon eh. This time, same screen na kami pero magkahiwalay 'yong scoring ng points. Sanay ako rito, madalas naming nilalaro 'to nila Janella dati eh. I laughed when he almost cussed, nabigla ata don sa lumabas na kalaban. Gaya kanina, napakaingay naming dalawa sa kakatawa. Natapos 'yong game after few minutes, lamang ako ng napakaraming points. "2-1." I shrugged. "So... the deal?" I grinned. He pouted, animo'y natatawa ngunit nandon ang pagkadismaya. I raised my brows, hinatak ko sya palapit sakin to give him a hug. I wrapped my arms around his waist, parang alam ko na kung bakit dismayado 'to. Bahagya syang bumitaw sa yakap. "Anong ipapagawa mo? Hirapan mo naman, ha! Baka naman nakakabakla yang ipapagawa mo sakin." he chuckled. I shrugged, thinking of what to ask him do first. "Ice cream tayo..." I pouted. He chuckled. "DQ?" tanong nya habang naglalakad kami. "Opo, gusto ko nong strawberry banana." sandali akong luminga-linga, naghahanap ako ng pwedeng kainin. I held his arm, baka mapag-iwanan nanaman ako. We grabbed an ice cream gaya ng hiningi ko sakanya kanina, may mangilan-ngilan na kaming pictures sa phone ko. Sandali akong napatigil, chineck ko 'yong photos ko. Ah, before we started each games kanina, kinuhanan ko muna sya ng stolen pics. I was smiling the whole time I'm adding his pictures to his album. "Ngiting-ngiti, ha..." puna nya. He took the tissue and leaned forward, he wiped the corner of my lips. "Kalat kumain, bata ka ba?" he chuckled. Napalabi na lang ako. "Hindi... pero baby mo ko." I bit my lower lip, preventing myself from smiling. He nodded. "Nag-iisang baby ko na sobrang love ko." he smiled, a sincere one. "Yong deal nga pala... ano na?" I raised a brow. "Mamaya na lang." I laughed. Nang maubos na namin ang ice cream namin ay naglakad-lakad lang muna kami. Gusto ko pa sanang magpa-henna ng pangalan nya kaso ayaw nyang pumayag. Same with piercing, magpapalagay sana ako kaso ayaw nya rin. Hindi ko na raw kailangang magpaganon, mas gusto nya raw 'yong simpleng ako. Naisipan na naming umuwi nong mga bandang 4pm na, hinatid nya ako sa bahay. "Pasok na..." he chuckled. "I love you." I shook my head. "The deal..." lumabi ako. He raised his brows. "Sge, anong unang ipapagawa ng mahal na prinsesa?" he laughed. I shook my head again. "Ask me..." I bit my lower lips, I don't know what exactly to say. Kumunot ang noo nya, nagtataka. "Tinanong na nga kita, ah? Anong una mong ipapagawa?" he chuckled. Umiling ulit ako. "N-No... hindi 'yon." nanliit ang mga mata ko, napaiwas ako ng tingin. "Ask me... the status... the label?" I wasn't sure with my own statement, 'di ko talaga makapa ang tamang salita. Lalo syang nagtaka. "Sabog ka ba, Kayls?" humagalpak sya sa tawa. "Anong status? Label?" I glared at him. "Just... ask me. Ask me if I can be your...." I stopped, nahihiya ako. Why do I even sound so demanding? "Nevermind. Go home... ingat." He didn't move, nakatitig lang sya sakin. "Can you be my?" he raised his brows. "Ano?" he went close to me. I shrugged. "Wala... uwi ka na." I smiled a bit, he  shook his head. "Sige, papasok na ako sa loob." tumalikod na ako. I was about to open the gate, napatigil lang ako nong tumikhim sya. "Makayla Cy." he mentioned, napatigil ako. "Uh?" I faced him. "Po?" "Talo ako sa deal..." he heaved a sigh, 'di mawari kung itutuloy ang sasabihin o hindi. "Pero deal lang 'yon." pabiro syang umirap. I chuckled, deal lang daw. "So?" I raised a brow, bahagya akong lumapit sakanya. "So... makinig ka." utos nya, napakabossy. "Be my girlfriend.... will you?" he softly asked. Naramdaman ko ang matinding pagkabog ng dibdib ko. I've been waiting for that, pero 'di ko inexpect na ngayon nya itatanong 'yon. All I know is that.... sobra ang saya ko ngayon. He's indeed my happiness. I quickly gave him a smack on his lips, halatang nabigla pa sya. I shrugged, raising my brows at him. "Speed ampots—" he laughed. "Sagutin mo muna kaya ako?" pabiro syang umirap ulit. My lips formed into an 'O', teasing him. "I already did." I crossed my arms, staring at him. "H-Huh?" nagtatakang tanong nya. "Hindi mo pa naman sinasabing ye—" I pulled him closer and gave him a tight hug. "Tayo na..." I uttered. Ramdam kong natigilan sya sandali, animo'y nagp-process pa sakanya 'yong sinabi ko. I chuckled when his eyes slowly widened. "Tayo na?" he raised a brow, ngiting-ngiti. "Seryoso ka ba? Wala ng bawian?" I chuckled. "Wala na, tch!" "Luh!" he laughed. Maingat nya akong hinatak para yakapin, ramdam ko don 'yong labis na saya nya. I'm glad that I can make him happy in the simplest way I could. Tama si kuya, Josh is a keeper. My man is a keeper... "Girlfriend na kita... akin ka na talaga." he whispered, nahimigan ko don 'yong pinaghalong saya at lambing. "I love you..." I whispered back, humigpit ang yakap nya sakin. He planted a few soft kisses on my forehead. "I love you so much, baby..." *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD