Kabanata 21

1757 Words
Days have passed at mas naging busy kami dahil sa sunod-sunod na school activities, pero lagi pa rin kaming nag-uusap ni Josh. Nandito na naman kami sa madalas naming tambayan sa gym, Josh already told them about 'us'. I was expecting na magugulat ang tropa, but it happens na expected na raw nila 'yon. "Pero anong label nyo?" kunot-noong tanong ni Angel at umupo sa tapat namin. Umiling ako kasabay ng pagbibikit-balikat ni Josh. "Wala." tugon ko. Napaawang ang labi ng tropa. "Bakit?" nagtatakang tanong nila. I can't answer that, tanong ko rin kasi sa sarili ko 'yon. I turned my gaze at Josh, lumabi siya sakin na animo'y ako ang pinapasagot. "We're still..." napakunot ang noo ko, thinking of an excuse. "On the progress." I shrugged. "Oo," Josh agreed. "Hinay-hinay lang, chill lang kami.... para tumagal kami." dugtong niya pa. Busyng-busy sa paguusap-usap ang tropa. Mabuti na lang at hindi na sila ulit nagtanong pa tungkol samin ni Josh. We're both aware na gusto namin ang isa't isa, pero ayaw nya pa rin lagyan ng label 'yong meron samin. Maybe I should talk to him about this kapag nakahanap na ako ng tsempo. "Makayla!" napalingon ako don sa tumawag, mga katropa pala ni Jace. Bahagya akong napaayos ng upo. "Uh... bakit po?" naiilang kong tanong. "May papakilala kami sayo..." sambit ni ate Berli, crush ni Jace. "Huh?" nagtatakang tanong ko. They laughed. "Bakla..." tugon sakin ni ate Gela, bestfriend ni Jace. Bumusangot ako. "Di ko need..." I chuckled. "Josh!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses, naagaw non ang atensyon ko. It was Fia. Josh didn't utter any word, tumingin lang sya don na animo'y hinihintay ang sasabihin niya. I clicked my tongue nang mapansin ko ang bahagyang pagkagat ni Fia sa pang-ibabang labi niya na animo'y nagdadalawang-isip pa kung itutuloy ang sasabihin o hindi na. She heaved a sigh. "Pwede ka bang lu—" she stopped when Josh stood up. Tinitigan ako ni Josh na animo'y sinusuri ang reaksyon ko. Ngumuso na lang ako ng bahagya kaya natawa siya. Lumapit sya sakin na tila ba'y gustong yumakap, tinaasan ko siya ng kilay kaya sumimangot sya. "Hug..." he whispered to me. "Not here." I chuckled. Pasimple kong hinawakan 'yong gilid nya, half-hug para hindi sya magtampo. Bumaling ulit sya kay Fia na ngayon ay titig na titig sa kamay kong nakakapit kay Josh. I gulped and pulled my hand away, kaso hinuli 'yon ni Josh at mahigpit ngunit may ingat na hinawakan ang pulsuhan ko. "Ano nga ulit ang sinasabi mo?" malamig nyang tanong kay Fia na nakatitig na ngayon sa pulso ko. "Ah!" she lifted her gaze to him. "Gusto ka raw makita nila mama. Bisita ka naman daw next week, birthday ni papa." she gave Josh a smile. Napaiwas ako ng tingin, pakiramdam ko'y may bumara sa lalamunan ko. Sa harap ko talaga sya nag-aaya? Tch. Hinatak ko ang pulso ko mula sa pagkakahawak ni Josh at bahagyang umatras. Tatalikod na sana ako to give them some privacy, kaso hinuli ni Josh ang kamay ko. This time, he intertwined our fingers. I felt my heartbeat racing. Kaso nakaramdam ako ng pagkailang nang maabutan ko si Fia na nakatitig doon, napailing sya ng bahagya at ngumisi na animo'y di makapaniwala sa nakikita. Oh, babe... kahit ako ay di makapaniwala. Masyadong mataas si Fia, she's part of Josh's past. Though, hindi naging malalim 'yong relasyon nila.... but still, they had something from the past. Tumikhim si Josh. "Babatiin ko na lang sya, hindi ako makakapunta." malamig na tugon nya. Fia raised her brows at him. "Aw, under?" she sarcastically asked. "Sige, sabihin ko na lang. Pero sana magbago pa isip mo. Miss ka ka nila." seryosong tingin ang muli nyang ibinaling sa kamay namin ni Josh bago sya tuluyang umalis. "Miss ka na nila o miss ka na nya?" pabulong kong asik. Pinisil ni Josh ang ilong ko. "Selosa amp..." he chuckled. "Selosa my ass." I rolled my eyes. "Ay, wait... kausap nga pala ako nong mga kaklase ni ano." pag-alala ko. Bumaling ako sakanila at akmang magpapaalam na ako kaso naunahan ako ni Josh. "Di na sya available, sensya na." he nodded at them. "Luh? Bakod na pala si Kayls..." komento ni kuya Gion. "Kayo na?" tanong ni Jace na kararating lang. Seryoso ang tingin nya sakin, 'di ko mawari kung bakit. "No." agad kong tugon. Naramdaman kong napalingon sakin si Josh, he was about to unlock our fingers pero mas hinigpitan ko ang hawak don. Bumulong sakin si Josh. "Bit—" I didn't let him finish his words. "Pero taken ako." I smiled at them. Ramdam kong natigilan si Josh mula sa tabi ko. "Oh? Congrats." Jace smirked. "Stay strong." "Thanks." I gave him a sweet smile, letting him know na naappreciate ko 'yong sinabi nya. Well, I really do. Bago pa 'man sila magtanong ulit ay inunahan ko na sila. "Una na kami..." bahagya akong ngumiti. We didn't wait for their answer anymore, hinatak ko na agad si Josh paalis don. Dumiretso kami sa room, naabutan namin si Entheos na nag-iisa doon. Agad din naman syang lumabas nang makapasok na kami sa loob, naiwan kaming dalawa ni Josh dito. "Possessive?" I raised my right brow at him, nang-aasar. Umupo ako sa desk imbis na sa mismong upuan. Nakatayo kasi si Josh, magmumukha akong maliit pag sa mismong seat ako umupo kesa rito sa desk na medyo mataas naman. "Selosa?" balik-tanong nya sakin, nang-aasar din. "Hindi kaya!" pabiro akong umirap. "Ah talaga?" mapang-asar nyang tanong. "Talaga!" "Talagang-talaga?" pinanliitan nya ako ng mga mata. "Talagang-talaga, poste..." ngumisi ako. He shrugged and went closer to me. "Okay..." he raised his brows. "Sabi mo eh." dugtong nya pa na animo'y di naniniwala sakin. "Aba—" kunot-noong tinitigan ko sya. "Hindi naman talaga! Kahit pumunta ka pa don sa sinasabi nya, ayos lang. Attend ka sa birthday celebration nong papa nya, hatid pa kita eh." dugtong ko. He formed his lips into an 'O', amused with me. "Should I?" "Kung gusto mo, why not?" I shrugged. "Sure... pupunta ako." he grinned. Sumama ang tingin ko sakanya. "Ano bang magandang regalo sa papa ng—" he looked up, nag-iisip ng mabuti. "Papa ng ex mo?" I smirked at him. "Try mo 'yong comeback. Halata namang pasado ka sa pamilya, balikan mo na." labag sa kaloobang sambit ko. Fck! Can I take back my words? Sht! No way... He clenched his jaw. "Ano 'yon, Kayls?" dumilim ang awra nya. "I s-said... try nyo yong comeb—" "Ano 'yon?" mariin nyang pag-uulit sa tanong. Kumunot ang noo ko. Unli ba 'to? "Sabi ko i-try nyong magcome—" "MAKAYLA!" may diin nyang sigaw. I glared at him. "Sinisigawan mo ba ako?!" my voice almost cracked. "Bat ka ba affected, ha? Babalikan mo ba talaga? That was just.... supposed to be a joke!" mabigat na dibdib ang bitbit ko ngayon. Bakit ba parang bigdeal sakanya yon? Akala ko ba wala na syang pake don? Tangina. Mapakla syang natawa. "Kung sayo ko ba sinabi yon, matutuwa ka? Sige, balik ka kay Jace." dugtong nya na para bang wala lang sakanya yon. Umawang ang labi ko. "Take it back." I glared at him. He didn't respond. Uminit ang sulok ng mga mata ko, pakiramdam ko pa'y barado ang lalamunan ko't dibdib. Anytime ay tutulo na ang luha ko. "T-take it back.." mariin kong sambit, bahagya pang nabasag. Hindi pa rin sya sumagot. "Fck.. you." anito ko, nanghihina. Agad kong pinunasan 'yong luhang tumulo. I was about to go down when he suddenly uttered a cuss and tightly trapped me in his arms. "Don't you dare..." he whispered. Akala ko'y tinutukoy nya ang pagbaba ko, hindi pala. "Huwag mong susubukang bumalik don... panget kaya non." dugtong nya, bahagya akong natawa. "Uh, really?" I chuckled. "Fia's pretty, you can go back to h—" "Sakin ka lang." he huskily whispered. "Sayo lang ako..." Bahagya akong lumayo. "Ikaw ang nagsabi nyan. That means... comeback sa mga past ay f*******n na, zer." I pouted. Bahagya nya namang pinitik ang noo ko bago 'yon dinampian ng halik. "Aba, talaga! Bawal na silang sumingit satin, noh!" he playfully rolled his eyes before hugging me again. "Napakaiyakin ng prinsesa ko..." he heaved a sigh. "Yeah, sorry..." I made a sad face. "I look so stupid." "Aw, baby... hindi kaya. Patingin nga ako..." he held my face. "Ganda-ganda kaya ng baby ko...pero ayokong umiiyak yan." right corner of his lips curved upwards, pinanliitan nya pa ako ng mga mata. "Ang babaw ko..." I stated. "Mahihirapan ka sakin." He carefully gathered my hair behind my ears, humaharang na kasi sa mga mata ko. "Iyakin ang prinsesa ko, obligasyon kong ingatan yon. Kung kinakailangang i-baby ko yon parati, gagawin ko." "Why would you do that?" I bit my lower lip and played with my fingers. He chuckled. "Baby talaga kita..." he heaved a sigh. "Kasi po kailangan kitang ingatan... aalagaan kita. Prinsesa nga kita diba? Kaya kailangan kong gawin yon." "Josh..." nag-angat ako ng tingin sakanya. "Una mo ba talaga ako kung sakali?" I chuckled. "Oo..." he laughed. "Bat mo natanong?" "Parang sanay na sanay ka na eh..." I shrugged. Humagalpak ako sa tawa habang umaayos ng upo. "Sira! Uhm..." lumiit ang mga mata nya na animo'y nag-iisip. "Naging ganto ka rin ba dati kay Fia?" I asked, curious ako eh. "No." he kissed the tip of my nose. "MU lang kami, hindi malalim 'yong pinagsamahan namin... di rin ganon kaseryoso. Saka wala pa kami masyadong alam about sa ganito noon." he chuckled. "So, ako pala talaga ang una mo kung sakaling magiging tayo?" I raised my brows. "Ikaw po ang kauna-unahan." he went even closer and pulled my hands to wrap it on his waist. Napayakap ako sakanya, he wrapped his hands on my shoulders. "At sana ikaw na rin ang huli..." "Why last?" I lifted my head. "Ayaw mo bang subukang magparami muna ng mga so-called exes bago ka magdecide kung sinong magiging last mo?" He shook his head right away. "Gusto mo bang ganon ang gawin ko?" "No!" agad kong tugon. He chuckled. "But... that's better. Lesson na rin..." I shrugged. "I can learn without losing you. Kaya kong matuto ng hindi kailangang magpabago-bago ng girlfriend." he raised his brows at me. "Uh, really?" pinaningkitan ko sya ng mga mata. "Really." he smirked. "You'll be my first and last, Makayla. Don't doubt that...we'll make it work." he kissed my forehead again, mas matagal na ngayon. "We'll make it happen, baby..." I hugged him tighter. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD