Chapter 6

3084 Words
Abala si Yaya Mita sa kusina na nag-bake ng mga cookies. Napansin iyon ni Ayesha kaya pinuntahan niya ito sa kusina. "Ano po ang ginagawa ninyo Yaya?" Usisa ng dalaga at pinagmasdan ang mga gamit at harina sa mesa. "Pinag-bake kita ng cookies." "Talaga po!? Matikman nga!" Inabot ng yaya ang isang cookie sa dalaga. Agad kinain ni Ayesha ang ibinigay. "Nagustuhan mo ba?" "Sympre naman po! Ang sarap!" "Marami pa akong ginawa. Ang iba ay nasa oven pa." Napatigil si Ayesha at may hiniling sa yaya. "Yaya, turuan ninyo po akong mag-bake, maaari po ba?" "Sige!" Magdamag na nag-aral si Ayesha sa pag-bake ng cookies. Kahit pagod ay nakangiti pa rin ito at nag-eenjoy sa ginagawa. Ilang ulit din siyang gumawa dahil hindi maganda ang kalabasan. . Matiyaga siyang nag-bake ng paulit - ulit hanggang maging perpekto ito. Sa wakas ay nagawa niya. Bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa habang pinagmamasdan ang gawang cookies. "Sana magustuhan niya ito." ------ Abala ang mga mag-aaral sa pagsusulat sa kanilang kwaderno habang ang kanilang gurong si Mr. Salvador ay nasa upuan niya at nagbabasa ng tahimik. Napakaseryoso ng lahat at napakatahimik. Si Dylan naman ay iniwasan na niyang matulog sa klase para di maparusahan. Samantala, di maiwasang di antukin si Yesha. Madaling araw na itong natulog kaya inantok ito. Papikit-pikit ang mga mata niya habang payuko-yuko ang ulo. Unang napansin ito ni Dorothy na katabi niya. Nag-aalala ito na baka mapansin siya ng kanilang guro. "Ayesha... Ayesha..." Mahinang tawag niya sa katabi na pasulyap-sulyap sa gurong abala sa pagbabasa. Napalingon si Pamela na nakaupo sa may harapan sa kinauupuan nina Dorothy at Ayesha sa likod. Napansin niyang natutulog si Ayesha kaya napangiwi itong natutuwa sa nakikita. Itinaas niya bigla ang kanyang kamay para makuha ang atensyon ng guro. Ang lahat ay napaangat ng ulo at tumingin sa harapan. Napansin ni Dylan na natutulog si Ayesha na nakaupo sa harapan niya. "Ano iyon Pamela? May kailangan ka?" Usisa ng guro. "Sir.." Hindi pa naisusumbong ni Pamela sa guro ang nakita ay agad sinipa ni Dylan ang ibabang bahagi ng upuan ni Ayesha na nagpagising sa dalaga. Napadilat si Ayesha at napaupo ng tuwid. Nagulat talaga siya sa ginawa ng binatang nasa likuran niya kaya napasalubong ang kanyang kilay at lumingon sa binata. Agad namang humiga ang ulo ni Dylan sa mesa. "Sir, may natutulog sa likod!" Sumbong ni Pamela. Tumayo ang guro at tiningnan ang bandang likod na mga upuan. Ang lahat ay napalingon na rin sa likuran. Narinig ni Ayesha ang mga sinabi ni Pamela kaya natigilan siyang nakaharap sa mesa ni Dylan. "Dylan!" Tawag ng guro sabay pagbagsak nito sa librong hawak. "Natutulog ka na naman sa klase!" Hindi inaasahan ni Pamela ang mga nangyayari. "Paanong..." Nagulat din si Jack sa pinaggagawa ng kaibigan. "Dylan.." Nagpatuloy sa pagsermon ng guro. "Hindi ka pa rin nadadala! Natutulog ka na naman sa klase!" Galit na sabi nito.. Biglang tumayo si Dylan. "Yes sir! Tatakbo na po sa field!" Natigilan ang guro dahil sa pabiglang pagtayo ng binata at pagsabi ng mga dapat nitong gawin na di pa niya inuutos. Agad tumakbo palabas ng silid si Dylan. "Bye!" "Teka lang! Hindi pa ako tapos sa pagsermon sa iyo. Bumalik ka rito!" Galit na pag-utos ni Mr. Salvador. Nanggigigil naman sa inis si Pamela na hindi mapagalitan si Ayesha. Walang magawa naman si Jack sa mga oras na iyon at pinagmasdan nalang ang kaibigang lumabas. Natahimik din si Ayesha. "Muntik ka na Ayesha.." pabulong na sabi ni Dorothy sa kaibigan. Napalingon si Jack sa dalawang dalaga na nag-uusap. Narinig ni Jack ang mga sinabi ni Dorothy. "Buti nalang natutulog din si Dylan kundi ikaw ang unang mapapansin ni Sir.." Bakas sa mukha ni Ayesha ang kalungkutan at katahimikan. Isinara nalang niya ang kanyang kwarderno nang lumabas na rin ang kanilang guro. ---------- Lumipas ang ilang oras at tumunog ang bell hudyat ng break time. Lumabas ang ilang mag-aaral para pumunta sa canteen at ang iba naman ay nagpahangin sa pasilyo. Niyaya ng grupo ni Froi si Jack na pumunta ng student lounge. Inakbayan ni Froi si Jack at sumama naman ang binata. Sinundan naman ng tingin ni Ayesha si Jack na kasama ang grupo ni Froi. Sa ilalim ng mesa ng dalaga ay hawak niya ang isang box na may lamang mga cookies. "Hindi ka ba bibili sa canteen?" Tanong ni Dorothy. "Hindi na. May baon ako." Sagot ni Ayesha. "Ahh, ganoon ba. Sige, bibili muna ako." Umalis na si Dorothy sa silid. Iilan na lang ang naiwan sa loob ng silid - aralan. Tumayo si Ayesha na hawak ang kahon at agad lumabas ng silid. Paglabas niya ay palinga - linga siya sa paligid na mukhang may hinahanap. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang nakarating siya sa lugar kung saan tanaw niya ang student lounge. Naroon ang grupo ni Froi at kasama nila si Jack pati sina Pamela at Clara. Masaya silang kumakain roon. Ang dalawang lalaki at si Froi ay nakaupo sa mesa habang ang dalawang babae ay katabi ni Jack. Pinanood ni Ayesha ang grupo nila muna hanggang nilakasan niya ang loob na lumapit. Humakbang siya upang puntahan ang binata. Si Pamela naman ay may inabot na isang box ng cookies kay Jack. Nang makita iyon ni Ayesha ay napahinto ito sa paghakbang. "Salamat!" Ani ni Jack sabay bukas sa kahon. "Walang anuman. Sana magustuhan mo! Ako nagbake-nyan." tugon ni Pamela na pangiti-ngiti sa binata. "Ikaw ba talaga nagbake?" Usisa ni Froi. "Syempre naman! Basta kay Jack magagawa ko ang lahat." Umatras si Ayesha at tumalikod. Sa pagtalikod niya ay naroon si Dylan na nakaharap sa kanya. Medyo nagulat ang dalaga sa di inaasahang pagkikita nila roon ng binata. Anong ginagawa mo rito? May ibibigay ka ba kay Jack?" Usisa ni Dylan na napansin ang box na dala ni Ayesha at ang planong puntahan ang binata. "Wala ka nang pakialam don!" Niyakap ng mahigpit ang dalang box at umalis sa kinatatayuan. Sinundan naman siya ni Dylan. "Anong laman ng kahon?" Usisa ulit ni Dylan na nagpatuloy sa pagbuntot sa dalaga. "Anong paki mo!? Huwag mo nga akong sundan!" naiinis na sagot ni Ayesha na mas binilisan ang paglakad. "Di kita sinusundan!" Tumigil si Ayesha at binigyan ng masamang tingin ang binata. Natigilan naman si Dylan at napakamot ng ulo. "Tigilan mo ako! Lumayo ka sa akin!" Umatras si Dylan ng dahan dahan at ipinasok ang sariling kamay sa bulsa. Nag-iba ng direksyon si Ayesha at mas lumayo pa sila sa kanilang silid. Sinundan pa rin ni Dylan ang dalaga. "Huwag mo na nga akong sundan!" "Hindi na kita susundan kung sasabihin mo kanino mo ibibigay ang kahon!" "Ang kulit mo! Wala lang ito!" "Patingin nga!" Giit ni Dylan. "Hindi tayo close. Kaya wala kang pake!" "May pake ako kasi kay Jack mo ibibigay ang kahon hindi ba? Tama ako!?" Pangiti - ngiting sabi ni Dylan na di talaga umalis at patuloy sa pagsunod sa dalaga. Tumigil si Ayesha at humarap sa binata. "Tama ka! Ibibigay ko ito kay Jack! So happy ka na sa nalaman mo?" Mataray na sumbat ni Ayesha. Natahimik si Dylan at tinitigan ang dalagang kaharap. Habang nakatitig si Dylan ay biglang lumalakas ang pagkabog ng kanyang puso. "Ibibigay ko ang ginawa kong cookies kay Jack!" Pasigaw nitong sabi. Nang marinig iyon ni Dylan ay natawa siya. "Kay Jack.. " Umiwas din ng tingin ang binata at tumalikod ito. Tumunog ulit ang bell hudyat na magsisimula na ang sunod na klase. Tumakbo si Ayesha pabalik sa dinaanan nila pero hindi man lang kumilos si Dylan. Nang napansin iyon ni Ayesha ay napahinto siya at lumingon sa likod. "Tara na! Magsisimula na ang klase!" Aya ni Ayesha sa binata. "Mauna ka na! Di ba sabi mo hindi dapat ako sumunod!" Pabirong sagot ni Dylan. "Aba't! Iba ang sitwasyon kanina kesa ngayon! Mahuhuli na tayo, tara na!" Ngumiti lang si Dylan. "Tinatamad ako ngayon!" "Bahala ka!" Nagpatuloy si Ayesha sa pagtakbo at tuluyan na niyang iniwan si Dylan roon. Nakabalik ang dalaga na tamang oras bago isinara ang pinto. "Saan ka ba galing?" Pag-aalalang tanong ni Dorothy. "Uhmm.. sa field lang naman.." Sagot ni Ayesha sabay sulyap kay Jack na nasa likod. Hindi na pumasok si Dylan sa lahat ng subject sa umaga. Napapatingin nalang si Ayesha sa pinto na baka pumasok si Dylan. "Nasaan kaya siya sa mga oras na to?" Tanong ni Ayesha sa sarili. Oras na ng tanghalian at papunta ang mga mag - aaral sa malapit na canteen. Dahil sa lawak ng paaralan ay may sampung canteen rito. Kung saan malapit ang kanilang gusali ay doon sila pumupunta. May iilan din sa mga bench, sa mga tambayan ng estudyante o sa lilim ng mga puno kumakain sila. Habang naglalakad sina Pamela at Clara ay may bumabagabag sa isip ni Clara. "Anong problema mo Clara?" Taas kilay na tanong ni Pamela. "Talaga bang ikaw ang nag-bake non?" Usisa ni Clara na titig kay Pamela. "Ang alin?" "Iyong binigay mo na cookies kay Jack.. ikaw ba talaga?" Palingon - lingon si Pamela at siniguradong walang ibang tao sa pasilyo at sa mga dadaanan nila."Ano ka ba, binili ko iyon!" Nagulat si Clara. "What!? Akala ko..." Napatigil sa paglalakad ang dalaga.Gayundin si Pamela. "Itikom mo ang bibig mo! Huwag kang maingay!" Sermon ni Pamela. "Pero bakit mo siya binigyan? Hindi mo hilig ang mga ganon!" Pagtataka ni Clara. "Syempre, narinig ko si Ayesha na may ibibigay siya kay Jack. Ayoko namang maunahan ako ng babaeng iyon! Sigurado akong magpapa-cute siya at may pabigay effect pa para mapansin ng lalaki! No way!" "Ah, kaya pala!" Napagtanto na niya. Nagpatuloy ang dalawa patungo sa canteen. Sa canteen ay naunang pumunta si Jack na di kasama ang nawawalang kaibigang si Dylan. Hindi niya alam kung saan ito pumunta. "Saan kaya si Dylan?" Tanong ng binata sa sarili habang hawal ang VIP card ni Dylan. Sinalubong siya agad ng tagapangasiwa at isang katiwala sa canteen. May nakapagsabi sa kanila na siya ang anak ng may- ari. "Magandang tanghali young master.. nagagalak po kaming makilala kayo. Ako nga pala ang tagapangasiwa ng canteen!" pagpapakilala ng lalaking medyo may edad na. "Magandang tanghali din!" Bati ni Jack na nakangiti. "Young master, nakahanda na po ang mesa at mga pagkain ninyo." Alok ng tagapangasiwa na sinamahan si Jack patungo sa mesa nito. Hindi siya makapaniwala na talagang may VIP table si Dylan. May anim na upuan ito at maraming pagkain ang nakahain sa mesa. "Kahanga - hanga.." sambit ng binata. Inabot niya agad ang VIP card sa lalaki. Di maalis - alis ang tingin niya sa mesang puno ng masasarap na pagkain habang papalapit sa rito. Dumating naman si Froi kasama ang tatlo nitong kasamahang lalaki na sina Clarence at Bryan. Inakbayan agad ni Froi si Jack at tuwang - tuwa itong makita ang mesa par kay Dylan. "Wow! Ganito talaga kapag may - ari ng paaralan!" ani ni Froi. "Sasabay na kaming kumain sa iyo Jack!" Excited na sabi ni Clarence na agad umupo sa upuan. Namilog ang mga mata nito ng makita ang lahat ng masasarap na pagkain sa harapan. Umupo na rin ang dalawang lalaki kasama si Jack. Sa di kalayuang mesa ay naroon ang mesa nina Ayesha at Dorothy. Pinapanood nila ang grupo ni Froi na kasama si Jack. "Tsk tsk.. tuluyan na siyang naging ka-grupo nila.." mahinang sabi ni Dorothy habang sumusubo sa pagkain. Tahimik lamang si Ayesha na nanonood sa kanila. Dumating naman sina Clara at Pamela. Pumunta agad ang dalawa sa mesa kung saan naroon sina Froi. "Kumain na kayo!" Aya ni Jack sa dalawang dalaga. "Wow!" Reaksyon ni Clara sa mga pagkaing nasa mesa. Napansin ni Pamela na nakatingin si Ayesha sa kanila kaya agad sinubuan niya si Jack. Medyo nagulat ang binata sa di inaasahang pagsubo nito sa kanya. Nanood lamang sina Froi at nagpatuloy sa pagkain pero may payo ito sa dalaga. "Dahan - dahan lang Pamela, baka mabalaokan si Jack niyan!" Hindi pinansin ni Pamela ang sinabi ni Froi kaya nagpatuloy ito sa ginagawa ng tuloy - tuloy. Tinaasan ng kilay ni Pamela si Ayesha kahit nasa malayo ito. Agad namang yumuko ng ulo si Ayesha. "Okay ka lang ba Ayesha?" Pag-aalala ni Dorothy. Napatango lang ang dalaga sabay subo. Pumasok naman si Dylan na napapahawak ng tiyan. Kumakalam na ang sikmura niya sa mga oras na iyon. "Si Dylan.." sambit ni Dorothy na sinundan ng tingin ang binatang papuntang food counter. Napaangat ang ulo ni Ayesha at pinagmasdan ang binata. Nahinto sa pagsubo si Jack at pinagmasdan ang kaibigan. Napalingon si Dylan sa lugar kung saan naroon si Jack. "Narito na ang black sheep ng klase!" Pagbalita ni Froi na nagpatigil sa lahat sa pagkain. Ang lahat ay nakatingin kay Dylan. Hindi lang kaklase nila ang naroon sa canteen, may iba pang mga mag - aaral. "Black sheep?" "Bakit black sheep?" Nagtataka ang ibang hindi kilala si Dylan at ibang nasa ibang section at baitang. Lumapit ang katiwala ky Dylan. "Ano ang bibilhin mo na pagkain?" "Uhm.." Napapaisip at napapatingin sa mga pagkain. Hinablot niya ang kamay sa bulsa at naalala niyang wala pala siyang dalang pera dahil VIP card lamang ang meron siya na ipinahiram niya ky Jack. "Uhm.. pwede bang isulat nalang muna?" Nahihiyang pakiusap nito. " Wala kasi akong baryang dala.." Napakunot noo ang katiwala at dumating din ang tagapangasiwa. "Hijo, kung wala kang bibilihin umalis ka na ryan!" Utos ng tagapangasiwa. "Bibili po ako pero wala po akong barya sa ngayon.." pangiti - ngiti nitong sabi. Nagalit ang tagapangasiwa. "Kung wala kang pera hindi ka bagay dito! Hindi ito pinamimigay!" Napakamot ng ulo si Dylan. "Di ba pwedeng isulat niyo muna, babayaran ko naman." "Haist! Ano ka, scholar? Mga scholar lang ang pwedeng magpalista!" "Edi gawin ninyo akong scholar!" Giit ni Dylan. Natawa ang mga naroon. Mas pinagtawanan nila ang binata ng marinig nila ang kumakalam na sikmura nito. "Umalis ka na! Nakakadistorbo ka!" Napalinga - linga si Dylan at hinanap si Fin na baka pwede siyang makahiram ng pera pero wala si Fin sa canteen sa oras na iyon. Napatingin si Dylan kay Jack na nakatingin lang din sa kanya. Kasama niya ang grupo ni Froi na nagtatawanan. Paglingon naman niya ay nakita niya sina Ayesha at Dorothy. Ngumiti ang binata sa dalawang dalaga at hahakbang na sana siya patungo sa dalawa ng humarang si Froi. "Kawawa ka naman, Dylan!" Taas noong sabi ni Froi. Naging seryoso ang mukha ni Dylan na humarap sa binatang si Froi. Tatayo na sana si Ayesha ng biglang pinigilan siya ni Dorothy. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Gutom ka na ba? Kawawa ka naman!" Hindi umimik si Dylan bagkos ay seryosong tinitigan lang niya ang binatang nasa harapan. Medyo nainis si Froi dahil sa pagiging tahimik ng binata at hindi niya ito gusto. Inabot ni Clarence ang isang bowl na sabaw kay Froi. "Alam mo bang mabait ako?" Dagdag ni Froi. Hindi pa rin sumagot si Dylan. Mas nanggigil pa ang Froi. "Ibibigay ko ito sa iyo ang bowl ng sabaw para naman matikman mo ang mga pagkain ng mayayaman! Masarap ito!" Napakaseryoso pa rin ni Dylan na nakatayo. "Gusto mo ba?" Tanong nito sabay lapit ang bowl sa may mukha ni Dylan. "Bakit hindi ka sumasagot!?" Galit na tanong ng binata. "Sumagot ka!" Sa pagkakataong ito ay itinapon na lang ni Froi ang bowl sa sahig. Nag - ingay ang bowl pagbagsak nito sa sahig. Ang lahat ay nagulat at natahimik. "Nakakainis ka na!" Hinila niya ang kwelyo ni Dylan pero walang reaksyon ang binata. Mas gustong makita ni Dylan kung paano mainis ang kalaban. Hindi nakapagpigil si Froi at sinuntok niya ang kanang pisngi ni Dylan. Nagulat sina Dorothy at Ayesha sa ginawa ni Froi. Natumba si Dylan at sa pagtumba niya ay tumama ang kanang noo niya sa dulo ng mesa. "Asar naman.." sambit ni Dylan na nakaupo sa sahig. Sa pagkakataong ito tatayo na sana si Dylan para gumanti at natutuwa na si Froi sa gagawin ni Dylan pero pinigilan sila ni Jack. "Tama na iyan!" Natigilan ang dalawa. Napatingin na rin sina Ayesha at Dorothy kay Jack. "Itigil mo na iyan Froi.." ani ni Jack at tinapik niya ang balikat ni Froi. "Tara na!" Sumunod naman ang grupo kay Jack at umalis sa canteen. Tumayo na ng tuwid si Dylan. Ang mga mag - aaral na naroon ay pinag - uusapan siya.. "Scholar ba siya?" "May mahirap na naman na narito sa paaralan.." "Naku naman.. may patay gutom!" Balewala lahat kay Dylan at nagtungo sa may food counter pero agad sinara ng tagapangasiwa at ang katulong nito ang counter. "Sarado na!" "Edi buksan ninyo!" Giit ni Dylan. "Umalis ka na!" Tumayo si Ayesha at dali - daling lumabas sa canteen. Sinundan naman ni Dorothy ang kaibigan. "Teka lang Ayesha.. hintayin mo naman ako.." tawag ni Dorothy na napilitang umalis rin. Napalingon si Dylan sa kanilang dalawa. --------- Mas kumakalam pa lalo ang tiyan ni Dylan. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya nakakain sa tamang oras. Mahinang naglalakad ito sa pasilyo na ang kanang palad ay nasa tiyan niya. "Naku naman.. gutom na ang mga butete sa tiyan ko.." Ang hindi alam ni Dylan ay sinundan siya ni Ayesha. Dumaan muna ang dalaga sa infirmary bago niya sinundan ang binata na kagagaling sa canteen. "Saan ba siya pupunta? Malapit ng magsimula ang klase." Pagtataka ni Ayesha na patuloy sa pagsunod sa binata. Hindi pa rin namamalayan ni Dylan na nakasunod ang dalaga. Nagtataka rin si Ayesha sa sarili kung bakit siya patagong sumusunod. Napaunat ng braso si Dylan ng makarating siya sa rooftop ng gusali. Napakamaaliwalas ang panahon at hindi gaanong mainit. Nagmumukhang cotton candy ang mga ulap sa langit. Mas nagiging sariwa ang hangin sa lugar. "Ang sarap talaga rito." Pumunta sa may kaliwang bahagi si Dylan at doon ay umupo. Inunat din niya ang kanyang mga paa at napasandal sa dingding. "Makatulog na nga!" Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nag-relax. Hindi nagtagal kumalam ulit ang kanyang tiyan. "Naku naman.."pagrereklamo ni Dylan sa tiyan habang pilit na makatulog. Hanggang may nag - abot ng isang kahon at nasa harapan na ng binata ito. "Kumain ka na!" Aya ng isang taong may boses ng babae. Isang babaeng nakatayo sa kanan ni Dylan. Idinilat ng binata ang mga mata at nakita ang isang kahon na pamilyar. Napaangat ang ulo niya para tingnan kung sino ang dumating. Hindi niya inaasahan na makikita si Ayesha na nakatayo sa tabi niya. to be continued... hope you drop some reactions in d comment section. thanks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD