Ano kayang nangyayari? Bakit siya nakakakita? Bakit may ganitong garden? Ito ba ang tinatawag nilang Magic Garden?
Iyon ang mga naiisip ni Sofia habang minamasdan niya ang kabuuan ng paligid. So many questions left unanswered.
Nag-isip-isip si Sofia ng mga rason kung bakit nga ba siya naroon pero hindi niya alam kung bakit. Para bang may komokontrol sa kanya. Naglakad-lakad siya sa paligid hanggang sa may nakita siyang bagay sa kanang bahagi ng paligid.
Habang naglalakad siya, hindi niya maiwasang mabighani sa ganda ng garden. Maraming makukulay at iba’t ibang bulaklak, the garden smells nicely at nang tuluyan nang maging totoo sa kanya ang lahat, for the first time on her life, kahit nakaranas siya ng mga problema ay napangiti si Sofia. The real one.
Naisip ni Sofia na ang sarap pa lang ngumiti afterall the incidents happened. She was so much taken by the beauty of the garden that she didn't notice when she stopped moving. Nang gumalaw siya ay napanganga siya sa gulat sa kanyang nakikita ngayon.
Sa harap niya ngayon ay nakikita niya ang napakaraming diwata, iba’t ibang uri ng diwata, maliit at mataas, pero bakit tila may kakaiba sa kanila? Nakapaligid sila sa isang napakalaking puno na walang buhay, walang mga dahon. Patay na patay. Tuyo’t patay na puno ang pinamumugaran ngayon ng napakaraming diwata.
Lumapit nang lumapit si Sofia sa mga diwata na nasa puno para tingnan kung bakit nakalutang silang mga diwata sa paligid ng puno. Nang malapit na siya roon, doon niya pa lang nalaman na hindi naman pala gumagalaw ang mga diwata. Nakapikit ang kanilang mga mata na para bang sila ay...
“Patay?”
Isang boses ang bumulong sa tainga niya. Napaigtad si Sofia sa gulat at mahuhulog na sana sa sahig kung hindi lang siya nakapaghinto kaagad. Napalingon siya sa lugar kung saan may bumulong sa kanya subalit wala siyang nakita.
Sofia looked frantically everywhere but couldn’t see the one who spoke. “Sino iyan?” sigaw ni Sofia. Umalingawngaw ang boses niya sa paligid, hindi naman siya natatakot, binabalot lamang siya ng kyuryosidad kung sino ang may-ari ng boses na iyon.
“Ssh. `Wag kang sumigaw, nakatayo ako ngayon sa itaas ng ulo mo, at please, huwag mong gamitin ang kamay mo para i-check ako kung nasa itaas nga ako ng ulo mo.” Ang boses na iyon ay tunog sa paraang convivial.
“Nasaan ba ako at sino ka bang kinakausap ko?” tanong ni Sofia. “Para naman makita ko kung sino ang kausap ko ngayon,” dagdag niya.
Sofia suddenly find herself staring at a tiny person in front of her, lumilipad ito sa isang bilog na liwanag. Isa itong babaeng diwata, kulay kayumanggi ang mga pakpak, kayumanggi ang buhok gayundin ang mga mata niya. In fact, everything about her even the clothes she wore was brown.
“S-sino ka? Nananaginip ba ako?” tanong ni Sofia.
“Isa pa bang panaginip na nakakausap mo ako ngayon? No, hindi ka nananaginip,” sagot ng diwata.
“Alam ko naman na isa kang diwata pero ano ang pangalan mo? Bakit nakalutang ang mga diwatang iyon sa paligid ng puno. Hindi sila gumagalaw katulad mo. At bakit ba ako nandito?”
“Ang pangalan ko ay si Mercedes, and yes, patay na nga ang mga diwatang iyon. At para masagot ang huling tanong mo, narito ka dahil dapat lang na maparito ka.” Ang maliit na diwata na si Mercedes ay sumagot sa kanya.
“Isa ba itong Magic Garden? Namimisteryuhan lang kasi ako nang bumaba ako sa sekretong hagdan kanina na nagdala sa akin dito sa hardin,” wika ni Sofia.
“Magic Garden?” tanong ni Mercedes habang tumatawa. “Maaaring para sa ‘yo ay isa itong garden dahil sa mga bulaklak, pero hindi ito Magic Garden. Ito ay ang palasyo ng Milagrosa, kung saan lahat ng mga uri ng diwata ay narito,” esplika ni Mercedes.
“Pero para sa akin ay isa itong Magic Garden dahil iyong mundong tinitirahan ko ay nakakatakot. Isa akong bulag doon, hindi nakakapagsalita at bingi,” sagot ni Sofia.
“Ganoon ba iyon?” tanong ni Mercedes.
“Oo. Kaya ganoon na lang kung tawagin ko siyang Magic Garden. Dito kasi sa palasyo ninyo, nakakakita, nakakarinig at nakakapagsalita ako kagaya nang dati.”
“Naaksidente ka ba?”
“Oo. Pero ayoko nang pag-usapan iyon. Ayoko nang alalahanin pa ang mga nagdaan.”
“Ah ganoon pala. Ano pala ang pangalan mo?” tanong ni Mercedes.
“Ako pala si Sofia Menesse. Ahm... Sorry to ask pero bakit isa ka na lang ang naririto? Ikaw ba ang pumatay sa mga diwata?”
“No. Ang kapatid ko ang pumatay sa kanila,” malungkot na saad ni Mercedes.
“Ano? Pinatay ng kapatid mo lahat ng mga diwatang iyon? Bakit?” tanong ni Sofia.
“Maraming taon na ang nakalipas dito sa palasyo ng Milagrosa, may naninirahang dalawang magkapatid na babae na pinamumunuan itong palasyo. Sila lamang ang mga diwatang nakakasayaw sa buong palasyo. Inimbita nila lahat ng mga uri ng diwata: Brownies, Pixies, Leprechauns, Elves, Kobolds and every kinds of fairies na naninirahan dito sa palasyo.”
“And dalawang magkapatid na ito ay buong pagmamahal na pinamunuan itong Milagrosa hanggang sa isang demonyong diwata, isang matanda, ang bumisita dito. Marami ang nagbago sa nakakatandang kapatid nang maging kaibigan niya ang demonyong diwata. Binago nito ang kakayahan niyang sumayaw at sinamahan iyon ng demonyong diwata ng pagkanta ng malamyos at isang itim na mahika. Isang araw, sinabihan siya ng demonyong diwata na kunin niya raw ang may pinakamagandang boses at kailangan niya raw patayin ang lahat ng diwata dito sa Milagrosa,” kuwento ni Mercedes.
“At ito na ba ang naging resulta?” tanong ni Sofia habang napaluha sa kuwento ng mga patay na mga diwata.
“Oo,” sagot ni Mercedes.
“Kung nangyari man ang lahat ng ito, nasaan na iyong kapatid ng nakakatandang kapatid?” naguguluhang tanong ni Sofia.
“Wala siya no’ng dumating ang demonyong diwata. Nang dumating siya, nahuli siya sapagkat hindi na niya nailigtas ang mga diwata. Pinatay kasi ng nakakatandang kapatid ang mga diwata at kinuha lahat ng mga kapangyarihan ng mga diwata. Sa panibago niyang lakas at puwersa, iniwan niya itong Milagrosa papunta sa mundo ng mga tao,” esplika ni Mercedes.
“Kung nabuhay man ang nakababatang kapatid, ibig bang sabihin n’on na ikaw ang diwatang iyon?”
“Sa taong kagaya mo, napakatalino mo. Oo, ako nga ang nakababatang kapatid ng pumatay sa mga diwatang iyan.” Turo ni Mercedes sa puno.
“Kung ganoon, ano nang nangyari sa demonyong diwata pagkatapos mangyari ito?”
“Pinatay ko siya dahil sa galit. Alam ko na nasa paligid lang ang ate ko nang ginawa ko iyon doon sa mundo ng mga tao. Hindi ko lang alam. Pero naniniwala ako na magkikita rin kami ng ate ko.”
“So you are a dancing fairy?”
“Tama ka. Ako ang huling dancing fairy.”
Ngumiti si Sofia. “Kung ganoon, puwede mo ba akong turuan sumayaw, at least kapag tinuruan mo ako hindi na ikaw ang huling mananayaw. Dalawa na tayo kapag nagkataon. So, ano ang masasabi mo sa suhestiyon ko?” tanong ni Sofia.
“Well, kung makakapunta ka ulit dito bukas ng gabi, bibigyan ko nang kasagutan iyan. Magbubukang-liwayway na kasi sa mundo ng mga tao,” sabi ni Mercedes.
Nagulat naman si Sofia roon. “Pero hindi pa nga ako nakakadalawang oras dito, ah?”
“Magkaiba ang mundo mo at ang mundo ng Milagrosa. Try to come tomorrow when it calls on you like it did today, at ibibigay ko sa ‘yo ang sagot ko. Good night,” ani Mercedes.
Tiningnan ulit ni Sofia ang patay na puno at labis ang pagkagulat niya ng nabuhay ang puno. Ang mga patay na diwata naman ay nawala.
Bumalik siya sa may hagdanan na natagpuan niya. Nang lumapat ang paa niya sa baitang, muli na naman niyang naranasan ang dilim ng mundo, ang ngiting nakuha niya mula sa bagong mundo na nasaksihan niya at kay Mercedes ay nawala bigla.
“MAGALING na ang mga tainga ni Sofia. Makakarinig na ulit siya ng mga bagay mula ngayon,” ani ng duktor na tinawagan ni Star para sa check-up ni Sofia.
Napangiti si Star sa magandang balita. “Does that mean she would one day regain her sight and voice doctor?” Star asked, her eyes filled with hopes.
“Siguro, isang araw malay natin ay gumaling din siya at makapagsalita’t makakita ulit. Iyan ang dasal ko para sa ating aktres na si Sofia,” sagot ng duktor.
“Salamat. Sana maasahan ko kayo na hindi malaman ng mga tao ang existence ni Sofia.”
“I know, I won’t breath a word.” The doctor said and left her house.
Pumunta si Star sa kuwarto ni Sofia. Nakangiti siyang pumasok sa at nilapitan ang apo. “Sofia, naririnig mo ba ako?”
Gamit ang Braille words, sinagot ni Sofia ang lola niya.
“Naririnig kita, Lola Star...”
Itutuloy...
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───