*** "Ma'am, dito ka sa tabi ko. Avery, layas. Doon ka na lang sa likod," sambit ko at pinagtulakan ko si Avery na nasa tabi ko, "tabi kami ng misis ko," bulong ko pa. "f**k you!" Malutong na mura niya sa akin pero natawa lang ako. "Dito na lang siya, Zarina. Huwag mo nang palayasin pa si Avery sa tabi mo," sabi ni Sir Greg at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. Nawala ang ngiti sa labi ko at napanguso nang maupo si Mrs. Perez sa tabi ng isang professor ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang masamang tingin sa akin ni Avery, rinig na rinig ko rin ang tawanan ng ilan kong mga kaklase lalo na iyong parang demonyong tawa nila Zeke sa likuran. "Tangina mo." Mura ulit ni Avery sa akin at kinurot pa ako sa may dibdib, "yuck, kapit sa foam." "Ulol, mas malaki naman 'to kaysa riyan

