Chapter 2

1539 Words
*** Nakangisi akong lumapit sa mga naka-motor race ko samantalang sila ay hindi maipinta ang natalong mukha. Nilahad ko ang mga kamay ko sa kanilang harapan para kunin ang isang milyong pusta nila. "Ibigay mo na," sabi ng leader nilang si Darren na ngayon ay tila iritableng-iritable na. Masama ang mga tingin nila sa akin at halos ayaw na nilang ibigay ang napanalunan kong pusta nila dahil sa higpit ng pagkakahawak sa itim na bag kung saan naroon ang isang milyong pera. Tinapik ko ang braso ng leader nila nang maibigay nila sa akin iyon at muli nang sumakay sa motor ko, "sa uulitin mga talunan!" Sigaw ko nang mapaandar ko na ang sasakyan ko. Tawang-tawa ako habang nagd-drive dahil malaki-laki rin itong napanalunan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito sa perang ito, siguro ay idodonate ko na lang ulit sa bahay-ampunan o sa isang simbahan. Iyon naman lagi ang ginagawa ko sa tuwing may pera akong nakukuha o napapanalunan. Maging iyong mga auto nila at condo nilang hindi ko kailangan o gusto ay binebenta ko para iyong pera ay maibigay ko o maidonate ko sa nangangailangan. "Saya natin, ha? Nakareview ka na?" Tanong sa akin ni Zeke nang makapasok ako sa room. Nakangising naupo ako sa bakanteng upuan sa may likuran at nilabas ang cellphone ko para maglaro at hindi pinansin ang sinabi ni Zeke. "Siya pa tinanong mo. Sigurado namang nakareview na 'yan. 'Di ba, pres?" Tugon naman ni Jonas na kaklase ko habang hawak ang notebook at ilan pang mga reviewer. Busy ang lahat sa pagrereview, ang ilang ay nakaupo na sa sahig para lang makapagfocus at may nakalagay na earphone sa mga tenga. May ilan ding nakatakip ang mukha gamit ang mga reviewer nila kaya natatawa na lang ako sa itsura nila. Ang hilig nila sa rush. Walang sinabi si Mrs. Perez na may test o quiz ngayon pero dahil natuto na sila ay todo na ngayon ang pagrereview na ginagawa nila. Takot na lang nila dahil may ilang walang naisagot kahapon sa biglaang pagbigay ni ma'am ng pagsusulit. Matapos ang motor race at ang pagkapanalo ko kagabi sa grupo ni Darren ay nagreview ako at nag-advance reading na rin nang makauwi. Mahirap na, nakakatakot bumagsak at walang maisagot. Isa ako sa mga Dean's Lister dito kaya ganoon, todo aral lalo na't malapit nang matapos ang last semester at ayaw kong madisapoint sa akin si Daddy. Sa totoo lang ay hindi naman ako prinepressure ni Daddy, gusto ko lang talagang gawin ito para mas maging proud siya at para hindi niya maisip na sayang lang ang mga paghihirap niya sa akin gayong hindi naman talaga niya ako tunay na anak. Ampon lang ako at galing ako sa isang bahay-ampunan. "Balita ko natalo mo ang grupo ni Darren kagabi," sambit ni Vincent sa akin, "anong pinusta nila? Siguradong malaking halaga 'yon. Huling pusta nila sa ibang grupo ay kalahating milyon tapos damay pati auto nila." I bit my lower lip para pigilan ang pagngiti ko, "isang milyon," bulong ko sa mga barkada ko na ikinalaki ng mga mata nila. "Isang milyon?" Sabay sabay nilang sigaw dahil sa gulat kaya napatingin na rin sa amin ang mga kaklase namin. "Ingay niyo," sabi ko at inirapan sila. "Seryoso? Pabalato naman." "Baka naman," mas lalo silang lumapit sa akin at iniwan na ang mga hawak nilang reviewer. "Wala na, mga mukha kayong pera. Binigay ko na sa isang bahay-ampunan," sabi ko na lang at nagkibit-balikat. Bago pumasok kanina ay iyon ang una kong ginawa. Pumunta ako sa pinanggalingan kong bahay-ampunan at binigay sa kanila iyong isang milyong pera, walang labis, walang kulang. Saktong sakto. Ni hindi ko iyon ginalaw. Ang daming tanong ng mga sister doon pero sinabi ko naman ang totoong napanalunan ko iyon sa isang motor race. Alam ng mga barkada ko kung saan ako nanggaling at wala namang kaso iyon sa kanila. Ilang taon na rin naman nang maampon ako ni daddy, higit sampung taon na ang nakalilipas. "Anong sabi ni Darren nang matalo mo sila? Buti binigay iyong pera? Balita ko kasi, noong last na pagkatalo nila nakipaglaban muna sila, suntukan sa nakatalo sa kanila bago nila binigay iyong pera," sambit ni Zeke at tila interesadong interesado sa pagkapanalo ko. "Oo nga, Zari. Lalo na't mag-isa ka lang," tugon pa ni Caleb. Umiling ako, "noong una ayaw nilang ibigay. Ang higpit ng pagkakahawak sa bag kung saan naroon iyong pera," natatawang sambit ko, "pero binigay naman nila. Siguro dahil babae ako." Muli ay nagkibit-balikat ako. "Mag-ingat ka ro'n. Nako, kahit babae pinapatulan no'n, eh. Siguradong nagsisisi na 'yon ngayon dahil hinayaan ka nila." "Hayaan mo. Magreview na kayo. Darating na si Ma'am Perez mamaya. Ilang minuto na lang," sambit ko na lang at muling nagcellphone. Isa isa nila akong tinusok sa tagiliran kaya tumingin ako sa kanila nang masama. Para silang tangang aso na nakangisi sa akin, nang-aasar na naman. "Galingan mo kay Mrs. Perez. May 30 days ka pa," mahinang sabi ni Zeke at tumawa. "Nasaan na iyong Zarina Villaflor na kilala namin? Ang hina mo naman na yata ngayon?" Gatong pa ni Caleb. "Gawin mo iyong ginawa mo sa ate ko," malakas akong tinapik ni Avery sa balikat kaya napadaing ako sa sakit. Tawang-tawa sila Caleb dahil sa itsura ko. Tangina, iba si Mrs. Perez, eh. Oo nga at malamig din iyong ate ni Avery pero triple iyong kalamigan ni Mrs. Perez kumpara sa kanya. "Maghintay lang kayo, wala pang isang buwan magagawa ko na 'yon," pagmamayabang ko kaya mas lalo silang natawa, "teka, baka gusto niyong pera na lang ang ibibigay ko kapalit no'n?" Tanong ko tutal ay mga mukha naman silang pera. Masyado kasing mahalaga sa akin ang condo ko at ang mga sasakyan ko dahil bigay ang lahat ng 'yon ni daddy. Kaya hindi ko basta basta maibibigay sa kanila 'yon. Lasing ako nang makipagpustahan ako sa kanila at isa pa ay mataas talaga ang kompyansa ko sa sarili ko na mananalo ako. Ayon nga lang at naflat ang gulong ng motorbike ko. Malas! Sabay-sabay silang umiling, "hindi pwede. May pera pa naman kami. Hintayin na lang namin ang isang buwan, kung hindi mo iyong magawa edi sa amin ang pinakamamahal mong motor, auto at condo mo. Basic!" Muli silang tumawa. I rolled my eyes at them at hindi na sila pinansin pa ulit. Nag-ayos na ang lahat nang bumukas na ang pintuan at pumasok ang walang kaemo-emosyong si Mrs. Perez, rinig na rinig namin ang tunog ng kaniyang heels habang naglalakad siya. Gaya nang inaasahan namin ay nagbigay agad siya ng test paper para sagutan namin. Mabilis na natapos iyon at ang klase namin sa kaniya kaya kinabahan na naman ako dahil balak ko na naman siyang kausapin para sa pinapagawa sa akin ng mga barkada ko. "Go, girl," bulong ni Avery sa akin at hinawakan pa ang puwet ko bago umalis. Huminga muna ako nang malalim bago lumapit kay Mrs. Perez, "ma'am, saan next class mo?" Lakas loob na tanong ko. Hindi siya tumingin sa akin dahil busy siya sa pag-aayos ng mga gamit niya, "lunch, Ms. Villaflor. Are you making fun of me?" This time ay tumingin na siya sa akin, seryoso at walang kaemo-emosyon. Agad akong umiling at nagkunwaring nagulat pa sa sinabi niya, "hindi, ah. Bakit ko naman iyon gagawin sa 'yo, ma'am?" "Just go, Ms. Villaflor, kung wala ka namang tatanungin about the lesson o kung wala ka namang sasabihing importante," diretsong sabi nito sa akin. I pursed my lips, "malapit nang matapos ang semester, ma'am. Gusto ko lang makaclose iyong paborito at magaling kong propesor," sambit ko at pinigilan ko talagang huwag matawa sa sinasabi ko. Pero totoo naman kasing magaling siyang prof pero iyong paborito siya ay hindi iyon totoo. Walang may paborito sa kanya dahil sa kasungitan niya at sa pagiging terror niya. Masyado niya pa kaming prinepressure at pinapahirapan. Tinignan niya ako nang walang kabuhay-buhay at pagkaraan ay umiling ito. Aalis na sana nang muli ko siyang pinigilan. "Ma'am, wait lang. Let's make a deal." Tumigil ito at muling lumingon sa akin. Seryoso at as usual wala na namang kaemo-emosyon ang mukha niya kaya napalunok ako. "K-kapag naperfect ko iyong test bukas magl-lunch tayo," ngumiti ako nang malapad dahil kaya ko naman iyong gawin. Siguro ay hindi na lang muna ako matutulog para magreview at magbasa-basa para mapaghandaan ko iyon bukas. This time ay kumunot na ang noo niya pero agad ding nawala at tumango kaya mas lalo akong napangiti, "okay. Pero kapag hindi mo naperfect? Ibabagsak kita," sabi nito at tuluyan nang umalis. Napanganga ako sa sinabi niya, "s**t, patay ako! Ma'am, sandali!" Sigaw ko at lumabas na rin saka siya hinabol pero nang makita ko siya ay may kausap na siyang mga professor din namin. "Hulaan namin." Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko at nang malingon ang mga barkada ko ay binigyan ko sila isa-isa ng palo sa ulo. "Aray! Ano? Binagsak ka na niya?" Sambit ni Caleb kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi, mauuna ka raw mabagsak. Kayo," turo ko sa kanila gamit ang middle finger ko, "kayo ang babagsak at hindi ako. Ipagdarasal ko 'yan!" Matigas na sabi ko sa kanila at umalis na. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD