Nanggigigil na pinisil ko ang phone na hawak ko. I'm getting angry at each passing minute na hindi ko na makontak ang phone number ni Nikolai. I was also pissed na ni-reject na niya ang relationship request ko, blinock pa niya ako sa socmed account niya. Gusto ko nang ibato ang phone ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngunit hindi ko magawa iyon ngayong kaharap ko ang pamilya ko.
My family and I were called by Uncle Ivan. It's my mom's birthday next week at dahil nasa ibang bansa siya ng araw na iyon, nagdesisyon siyang ngayon na kami magkaroon ng private dinner sa isa sa mga hotels na pag-aari niya bilang advance birthday party ni Mommy. Surely, pagbalik ni Uncle ay magse-celebrate ulit kami na siguradong magiging malaking party na para sa kaarawan ng aking ina. Hindi kasi papayag si Uncle na isang simpleng party lang ang magaganap. Parties for him are business opportunities as well kaya sa tuwing magse-celebrate kami ng kaarawan namin ay malalaking selebrasyon ang pinapahanda niya. Money is not a problem for him anyway especially when it will go to his beloved family.
Uncle and my mom are only half-siblings. Anak sa pagkadalaga si Mommy ngunit hindi siya sa ina nila lumaki kundi sa ama nito. Nagpakasal ang Lola ko sa bilyonaryong ama ni Uncle at siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Actually, saka lang sila nagkakilalang magkapatid nang nasa tamang edad na si Uncle. My grandmother kept it that way para raw hindi ito Ang maging dahilan para masira ang tiwala ni Uncle habang lumalaki ito. When he was mature enough, grandma finally let him meet my mom. After two years ay naaksidente si Lola at ang asawa nito at ang natitira na lang kay Uncle ay ang Mommy at ang pamilya nito. Kaya naman lahat ng mga taon na hindi nakasama ni Mommy si Lola at binayaran ni Uncle nang sobra kay Mommy.
Mahirap lang ang pamilyang kinalakhan ni Mommy ngunit dahil sa impluwensiya ni Uncle, nakilala niya si Dad na kaibigan ni Uncle na isa ring galing sa isang maipluwensiyang pamilya dito sa Russia. Tinulungan niya ang mga magulang ko na makapagpatayo ng negosyo at sinuportahan niya iyon hanggang sa mapabilang iyon sa top 100 companies ng bansa. When I was born, mas si Uncle pa ang nang-spoil sa akin kesa sa ma magulang ko. He gave me everything that I've wanted. And even anyone, whether I'll love them or hurt them.
Ako lang ang nag-iisang anak ng mga magulang ko at ang nag-iisang pamangkin niya kaya talagang lumaki ako sa karangyaan. Buwan-buwan akong may allowance mula sa kanya na iniipon ko na para sa kinabukasan ko. Ang iba ay ini-invest ko sa mga negosyo at stocks para balang-araw ay may magagamit ako. Kulang ang sabihin na malaki ang utang na loob namin sa kanya kaya ano man ang sasabihin o iuutos niya sa amin, ay tila kami puppet na susunod sa kanya.
Kung hindi nga makakapag-asawa at magkakaanak si Uncle Ivan, alam kong ako ang magmamana sa mga bilyon-bilyong ari-arian niya ngunit hindi ako masyadong umaasa. Bata pa naman si Uncle kaya may pag-asa pa siya.
"Viktor, what's the matter with you? Kanina ka pa hindi mapakali. Hindi pa ba sumasagot yung tinatawagan mo?" pagpansin sa akin ni Dad.
"I'm sorry. My boyfriend is not answering his phone and it's pissing me off," pagpapaliwanag ko.
"Boyfriend? You're gay now, Viktor?!" Gulat na gulat na saad ni Mommy. Kunsabagay, hindi ko siya masisisi. Kilala kasi nila akong womanizer at ito ang unang pagkakataon na nalaman nilang lalaki ang karelasyon ko sa kasalukuyan.
"What can I do, Mom? I fell in love with Nikolai."
"Nik...Nikolai? Your friend?!" Lalo siyang nagimbal sa kaalamang iyon.
"Yes, mom. The prince." Kinindatan ko si Mommy na gulat na gulat pa rin sa bagong update ng relationship status ko.
My family knows my friends. Ilang family occasions na rin ang nadaluhan nila sa ilang taon naming pagiging magkakaibigan. Kahit sa mga family occasions ni Jethro, na bastardo ng isang US senator ay nakadadalo kami. Si Nikolai lang naman talaga ang hindi nag-iimbita sa amin. I used to think na hindi siya paboritong anak kaya siya ipinatapon dito sa Russia. But discovering his secret gave me a lot of ideas kung bakit ganon ang trato ng pamilya niya sa kanya. They know his secret kaya itinago siya sa bansa namin. His country is very traditional and closed-minded kaya siguradong hindi nila maiintindihan ang sitwasyon niya. Well, para sa akin ay okay na rin na malayo siya sa kanila kung ganito lang din naman ang trato nila sa kanya. Kaya ko siyang buhayin nang walang tulong galing sa kanila. Isa pa, alam kong hindi rin nila basta matatanggap na nakikipagrelasyon ito sa kapwa nito lalaki.
"Tell me, Viktor, wala na bang matinong babae sa eskwelahan mo kaya pati sarili mong kaibigan ay pinatulan mo na? Nag-eeksperimento ka lang ba at si Nikolai pa ang kinuha mo para paglaruan?"
I can't blame my mother for asking me these questions. Karaniwan na kasing nababalitaan nila ang mga kalokohan ko sa mga babae. I even graced some local papers with my women. Ngayon lang talaga niya nalaman na pati sa lalaki ay nakipagrelasyon na ako. Well, Nikolai is not an ordinary man anyway. He's an extraordinary man that it feels like I'm also having a woman lover in him.
"Mom, you're hurting me. Ganyan ba kababaw ang pagkakakilala mo sa akin?" nagdaramdam kong tanong na walang pag-aatubili niyang sinagot ng,
"Yes!"
"Mom!" reklamo ko sa kanya. Amused namang pinapanuod kami ni Daddy.
"Sinira mo ang pakikipagkaibigan mo sa batang iyon, Viktor!"
"Mom, walang masisira, okay? I love Nikolai. And he loves me, too," pagsisinungaling ko kay Mommy. Of course, I won't admit the truth to her na pinilit ko lang si Nikolai. Baka masampal ako ni Mommy.
"Kahit ano pa ang sabihin mo, I am very disappointed with you right now, Viktor."
"And may I ask why you're disappointed with your son?"
Sabay-sabay kaming napalingon kay Uncle Ivan na umupo na sa puwesto niya. We've been waiting for him para masimulan na ang birthday dinner ni Mommy.
"Your nephew has a boyfriend, Ivan! And what's worse, Ang kaibigan pa niyang si Nikolai ang karelasyon niya ngayon!" pagsusumbong ni Mommy.
Napatingin sa akin si Uncle at nagtatanong ang kanyang mga mata kaya tahimik akong tumango sa kanya. I idolized my uncle. Kahit na maaga siyang naulila sa mga magulang at maagang napasabak sa pagha-handle ng family business nila, nakaya niya ang lahat. Bruce Wayne nga ang tawag ko sa kanya dahil sa kabila ng murang edad niya ay nadala niya sa pinakatuktok ang emperyo ng pamilya ng kanyang ama. He owns almost half of the businesses here in Russia. He also has other business ventures and stocks abroad. At the age of 30, he's already one of the wealthiest men in the world. Halos hindi na nga mabilang ang zeros sa bank accounts niya. Iyon nga lang, hanggang ngayon ay binata pa rin siya. He didn't have any serious relationship at all. Hindi ko alam kung may hinihintay ba siya o talagang ang mga kumpanya na niya ang itinuturing niyang mga asawa niya.
"You worry to much, Monique. Malaki na si Viktor. Alam na niya kung ano at sino ang gusto niya."
Napangisi ako. Sa lahat talaga ng oras ay kakampi ko si Uncle.
"Kaya lahat na lang ay ginagawa ng pamangkin mo dahil alam niyang kakampi ka niya, Ivan," pagdiriin ni Mommy.
"Monique, let him enjoy his life. After his graduation, malaking responsibilidad na ang ipapatong natin sa mga balikat niya. Hindi na niya magagawa ang mga kalokohan niya pagdating ng oras na iyon kaya hayaan mo na siya ngayon." Kumindat sa akin si Uncle nang makitang hindi na nakatingin sa kanya si Mommy.
"Fine! Bahala kayong magkapampihang dalawa. At since hindi ko naman na mapagbabawalan si Viktor dahil sa sobrang tigas ng ulo niya, I demand that you bring Nikolai to me tomorrow. I want to talk to him."
"Monique, please. Hayaan mo na muna ang anak mo. Don't force him to do anything that he doesn't want to do," pagsingit ni Dad. Alam ko naman na kakampi ko rin siya. Hindi lang siya makasingit kanina dahil galit si Mommy sa akin. Alam kong ayaw niyang siya ang mapagbuntunan ng galit nito.
"Fine!" Nakabusangot na pagsuko ni Mommy.
"Don't worry, Mom. Kapag hindi na kami abala sa university ay pormal ko pa rin naman siyang dadalhin at ipapakilala bilang boyfriend ko sa'yo."
"Do it once I come back, Viktor. I also want to formally welcome him as your partner."
Natutuwang napatingin ako kay Uncle.
"Sure, Uncle. I'll inform him about your invitation," sagot ko at pagkatapos niyon ay nagsimula na kami sa aming salu-salo. Kahit naiinis pa rin ako kay Nikolai dahil sa pambabalewala niya sa mga tawag ko kanina ay pilit ko na lang kinalimutan iyon at in-enjoy ang dinner naming pamilya lalo na at nasabi ko na sa kanila ang relasyon namin at tanggap nila ito.
Pagkatapos naming kumain ay nagkuwentuhan pa kami.Nang mas lumalim pa ang gabi ay nagpalabas na si Uncle ng alak. Sa sobrang wili namin ay naparami na ang aming nainom kaya hindi na pumayag si Mommy na umuwi pa ako.asyadong matatatakutin si Mommy para sa kaligtasan and I didn't have the heart to be naughty kahit na gustong-gusto ko nang makita at makausap si Nikolai. Para hindi na matakot si Mommy para sa kaligtasan ko ay pumayag na rin ako. At bago pa ako tuluyang malasing ay nagpadala pa ako mg mensahe sa group chat naming limang magkakaibigan at sinabing hindi ako makakauwi sa gabing iyon. Jethro sent a thumbs up samantalang seen lang si Pavel. I waited for Nikolai to read my message ngunit nakatulog na ako at lahat, hindi ko nahintay iyon.
Kinaumagahan ay late akong nagising dahil sa kalasingan ko noong nakaraang gabi. Sumalo muna ako sa brunch naming pamilya bago ako nagpaalam sa lahat na uuwi na. Dumiretso na ako sa apartment namin, naligo, at nagbihis bago ako muling sumakay sa kotse ko at nagpunta sa eskwelahan hindi para mag-aral kundi para hanapin si Nikolai. Marami kaming dapat pag-usapan tungkol sa relasyon naming dalawa.