Chapter 37: Pavel

1905 Words
"Viktor, c'mon, man." Nagpapasaklolong tumingin sa akin si Jethro. Malakas akong nagbuga ng hininga, pinipigilan ang emosyong gustong umalpas mula sa akin bago ako lumapit sa kanila at tinulungan si Jethro na maitayo si Viktor mula sa pagkakasalampak nito sa sahig. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto nang nakaalis sina Nikolai at ang lalaking sinamahan nito. Hindi ko na rin alam kung gaano na katagal si Viktor sa pag-iyak nito nang malakas habang. paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Nikolai na tila sa ginagawa nito ay babalik ito para patahanin siya. Naninikip ang dibdib ko sa emosyong kanina pa gustong sumabog ngunit nagpipigil lang ako. Ayokong sumabog sa harapan ng mga kaibigan ko. Ayokong magpakita ng kahinaan dahil ako ang pinakamatanda sa aming tatlo. Kapag nakita nila akong mahina at emosyonal, mas lalo silang panghihinaan ng loob at mawawalan ng direksiyon. Buong puwersa naming pinatayo si Viktor at pinaupo sa pinakamalapit na couch. Tahimik na lang itong lumuluha ngayon na waring prinoproseso pa rin ng isipan nito ang naganap. Pagbagsak akong naupo sa tabi niya at ganon din ang ginawa ni Jethro sa kabilang panig niya. Matagal na katahimikan ang bumalot sa among tatlo hanggang sa magsalita si Jethro. "Hindi ko matanggap na basta-basta na lang nating hinayaan na sumama si Nikolai sa lalaking iyon," mapait niyang saad. Napakuyom ako sa aking kamao. "We didn't have a choice, Jethro. Kagaya rin ni Nikolai, wala tayong choice. Marami sila. Aapat lang tayo. Kung pipigilan nating sumama sa kanya si Niko, tiyak kong gagawa ng paraan ang prinsipeng iyon na gamitin tayo para mapasunod si Nikolai sa gusto niya. Nik knew it kaya ilang beses siyang nakiusap sa lalaking iyon, hindi ba? He had no choice but to go with the man." "Do you think it's true? Is Niko really marrying him?" "You heard what he said and Niko confirmed it, Jethro." Pakiramdam ko ay may humihiwa sa puso ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. All of us are hurting. Kung ang makitang si Viktor ang nagmamay-ari rito ay masakit na, mas lalong masakit sa akin na hindi ko kakilala ang magmamay-ari na sa kanya. "We have to do something, Pavel. Sinabi na ni Niko na mapipilitan lang siyang pakasalan ang lalaking iyon!" galit na sagot sa akin ni Jethro. I understand his anger. We became totally useless in front of that man when Niko needed us a while ago. "Hindi natin teritoryo ang kinaroroonan nating lugar, Jethro," matigas kong pagpapaalala sa kanya. "Would you risk going home inside a casket? Do you think being a senator's son would have saved you from their guns kung ipag-uutos ng lalaking iyon na barilin tayo ng mga tauhan niya? They're almost ten in number and they have high caliber guns! Ano ang magiging laban natin sa kanila kung sakali? None!" "But... But... God damn it!" malakas na pagmumura niya nang mapagtanto niya ang ipinupunto ko. "And what now, huh?! Maghihintay na lang ba tayo rito? Are we going to use that asshole's money and enjoy our time here?" sarkastikong tanong niya. "We will go home," pinal kong sabi. "Go home?" paos na tanong ni Viktor na nagsalita na rin. "Go home and just let Nikolai marry him?! No! I won't go home! Apat tayong nagpunta rito kaya apat din tayong babalik sa Russia!" galit na bulyaw niya sa akin. "And what will you do? Fight the prince? Face their guns? Ni isang baril nga ay wala tayo kaya ano ang magiging laban natin sa kanila? We may succeed with the four of us going back to Russia but at what expense? There's a possibility na hindi lang tayong tatlo ang masasaktan kundi maging si Nikolai! Will you risk his life, Vik?" paghahamon ko sa kanya. "Pavel! Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! I love Nikolai!" "And we don't?! And you know what I truly feel about him too, Viktor! Alam ninyo na hindi lang pagiging kaibigan ang pagmamahal na meron ako sa kanya! Tingin mo ba hindi ako apektado sa nangyayari sa kanya ngayon? Na hindi ako natatakot para sa magiging sitwasyon niya?! Tingin mo ba hindi ko gustong kunin siya kanina at itago mula sa lalaking iyon? But I am going to use my mind and not my emotions, Viktor! And accept it! We can't do anything while we are here!" sigaw ko na rin sa kanya, hoping against hope na pumasok na sa utak niya ang kanina ko pa gustong ipaintindi sa kanya. "Pavel has a point, Viktor. Hindi ito Russia o America. We are powerless here. Our hands are completely tied. We will be like fish being eaten by a whale kung ang gusto natin ang gagawin natin," bigong sabi ni Jethro. "We can ask for help from your uncle, my family, and even from Jethro's father. They have a strong country, Viktor. A powerful one. And we're gonna deal with the future leader of that powerful country. We have to prepare well. It's not giving Nikolai up, but a means to prepare ourselves for a war we are facing." Napasabunot sa sarili niya si Viktor nang marinig ang sinabi ko. "Pavel, I don't know how to survive without him. Mababaliw ako!" "You have to be brave, Viktor, for yourself and for him," matatag kong sabi sa kanya. Napatingin kaming lahat sa pinto nang marinig namin ang pagparada ng isang sasakyan sa harapan ng bahay. Dumadagundong na tila drum ang dibdib ko. Napatayo kaming tatlo at walang salita na nagmamadaling nagtungo sa pinto. Bumalik ba si Nikolai? Ibinalik ba siya ng prinsipe rito? Ngunit bago pa namin marating ang pinto, kusa na iyong bumukas. Humahangos na pumasok ang ina ni Nikolai kasunod ang kapatid nito. "Nikolai? Nikolai?!" prantikong tawag nito sa anak. Natigilan ito nang makita kaming nakatulala sa kanya. "Where is he?!" kinakabahang tanong nito. Napatitig pa ito kay Viktor na namamaga na ang mukha dahil sa ginawa nitong pag-iyak kanina. "Kanina pa sila nakaalis, Ma'am," Si Jethro ang sumagot sa tanong nito. Kitang-kita namin kung paano ito manghina na kung hindi lang ito nasalo ng anak nitong nasa likuran nito, tiyak na mapapasalampak ito sa sahig gaya ng itsura ni Viktor kanina. "He had taken him. He had really taken him!" paulit-ulit na sambit ng ina ni Nikolai. Bigong-bigo rin ang boses nito. Lumapit naman ako sa mag-ina at tumulong na alalayan ang ginang para maayos itong makaupo sa sofa. "Thank you," pasasalamat sa akin ni Princess Neriah at pagkatapos ay bumaling ito sa ina na nagsisimula nang lumuha. "We came here because our staff told us that Nikolai came here." Pinadaan ko muna ang ilang minuto bago ako nagsalita. "He did come here at kasama niya ang lalaking pinakilala niyang si Prince Etienne who introduced himself as his fiance. He said that Niko just came to say goodbye to us. And to be honest, kahit nagsabi na si Nikolai kanina ng sitwasyon, we haven't full grasped everything. Will you explain it to us? Was that guy really his fiance?" Napabuntonghininga si Neriah sa tanong kong iyon. "Kagabi lang din namin nalaman na matagal na pala silang ipinagkasundo ng hari ng Llamas at ng ama namin. Bukod kay Dad, lahat kami ay gulat na gulat lalo na nang ideklara nitong sa kanya na titira si Nikolai." "So it's true that you've known them since you were young," saad ni Jethro. "Yes, we've been friends for years at sa aming tatlo, si Nikolai ang pinakamalapit sa kanila. Matagal nang hindi nagpupunta sa amin si Etienne. Huli noong ika-13 na kaarawan ni Nikolai at nasa Russia na siya kaya isang sorpresa na nagpunta siya sa amin sa araw na bumalik doon si Nikolai. There's no doubt that it was my father that told him about Nikolai's home coming," sagot nito sa tanong ni Jethro. "That bastard really wanted to get rid of your brother!" galit na dagdag ng ina nito. "All along, akala ko ay nagbago na siya. Akala ko, sabik na siyang makita ang bunso niya ngayong malaki na ito. Ang rason pala kung bakit palagi niyang tinatanong kung matutuloy ba ang pag-uwi ni Nikolai ay upang ipakuha ito nang tuluyan kay Etienne! I can't believe that until now, your father doesn't have any compassion towards his own son!" galit at lumuluhang saad ng ina nito. " Can't you go there? Hindi ba kayo pwedeng magpunta sa Llamas para makita ang kalagayan ni Nik?" pagtatanong na may halong pakiusap ni Viktor. Umiling si Neriah sa kanya. "Sadly, we can't go there on our own. Kailangan pa naming humingi ng permiso o maghintay ng imbitasyon nila bago kami makaapak sa bansa nila." Bumagsak ang mga balikat ni Viktor sa sagot nito. "Can't Nikolai voice out his choice? Hindi ba niya pwedeng pakiusapan ang prinsipe na iyon na manatili muna siya sa inyo bago sila magpakasal?" Ako naman ang nagtanong. "The prince said before they left that he won't let Nikolai step on the palace again," mahinang sagot ni Neriah na tila maging siya ay ipinagtataka rin ang deklerasyong iyon. "What?! But why?! Was he that obsessed and possessive with Niko na kahit sa pamilya niya ay ipagdadamot siyang ipakita?" magkadikit ang mga kilay na tanong ni Jethro. "I don't know, really. My father didn't even complain. Sunud-sunuran siya kay Etienne," she complained. "Are you saying na takot ang ama mo sa prinsipeng iyon?" Tumango ito sa tanong ko. "It seems na may alam si Etienne na kinatatakutan ng ama ko. May pinanghahawakan siyang masamang sikreto nito kaya sunud-sunuran siya dito." "Or maybe, the prince was blackmailing your father. Hindi ba at maraming ibibigay na kapalit ang prinsipe sa inyo kapag natuloy ang kasal nila ni Nikolai. Nik said so." Natahimik kaming lahat sa sinabing iyon ni Jethro. My heart is swelling with hate towards Niko's father. Prinsipe na ito ngunit nagawa pa rin nitong ipagpalit ang sariling anak sa kayamanan. Prince Niccolo is a really greedy and selfish man. "And what now? Hahayaan na lang ba natin na ganon na lang? Wala na ba talagang pag-asa na makikita natin si Nikolai?" may galit sa boses at paghahamon na rin ni Viktor sa mag-ina. "Our oldest brother will have an engagement party next week. Kaya rin kayo naririto ngayon, hindi ba? Nikolai invited you to attend it. He won't miss that. Let's trust my brother. Baka makagawa siya ng paraan para makiusap kay Etienne at payagan siyang dumalo." Bumangon ang pag-asa sa puso ko dahil sa narinig kong iyon. "Then we will attend that party," saad ko. Binigyan ko ng makahulugang tingin ang mga kaibigan ko. "Will you be staying here?" tanong ni Neriah. Mabilis akong sumagot. "No. We will go back to Russia and just come back here the day before the party," pinal kong desisyon. That will give me and my friends ample time to plan, study our enemy, and prepare our resources. Kung kinakailangang kidnapin namin si Nikolai mula sa prinsipeng iyon ay gagawin namin. Agad naming kinuha ang mga maleta namin sa kuwarto at ang mag-ina mismo ang naghatid sa amin sa airport kung saan naghihintay na ang piloto ng private plane ni Jethro sa amin. Habang nagmamaneho si Jethro, kinuha ko ang phone ko at hinanap ang isang pangalan. Nang makita ako ito, agad kong pinindot ang call button. Pagkatapos ng tatlong ring, may sumagot na sa kabilang linyo. I have a sigh of relief. "Come home as soon as possible. We need you.... Azyra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD