Chapter 47

1929 Words

Sumuray akong tila lasing nang lubos kong maintindihan ang mensahe sa likod ng mga sinabi ni Etienne. Kaagad namang umalalay sa likuran ko ang mga braso niya at halos kaladkarin niya ako papunta sa harapan ng pamilya ko. "I want you all in your knees," mariin niyang utos habang isa-isa niyang tinitignan ang bawat isa sa mga taong nasa harapan namin. Unang lumuhod si Noah at hinila pa nito ang mapapangasawa. Nang makita iyon ng pamilya ng babae, lumuhod din sila. Pagkatapos ay lumuhod din sina Mommy at Neriah at panghuli ay si Dad na hindi makatingin sa amin. Namumutla rin ito sa nerbiyos dahil kung gugustuhin ni Etienne, pwede niyang ipangalandakan sa lahat kung anong klaseng pangmomolestiya ang ginawa sa akin noon ng aking ama. Nang makaluhod na si Dad, muling nagsalita si Etienne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD