Hinila ko si Neriah papunta sa mahabang couch na nasa kuwarto niya at doon ay magkatabi kaming naupo. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Indikasyon na gusto ko nang marinig ang sasabihin niya. I tenderly smiled at her. Tumango naman siya sa akin bago nagsimula. "By now, you already know Nikolai's condition, right?" Tumango ako. "My father hated him for it." Nang marinig ko iyon, pinigilan ko ang sarili kong pisilin nang malakas ang kamay ni Neriah na hawak ko. Kahit papano mula sa kumpirmasyon niya, nagkaroon ng linaw kung bakit halos ayaw makita ng ama niya si Nikolai. Kung bakit sa tuwing nagpupunta kami roon noon, palagi naming naaabutang malungkot siya. Kung bakit palaging ang mga tagapag-alaga niya ang kasa-kasama niya. Kung bakit Hindi siya sumasabay sa pagkain sa pam

