Chapter 39: Nikolai

2644 Words
Nanginginig akong nagising. Namulatan ko ang isang di pamilyar na tanawin kaya napakunot ang noo ko. Where am I? I was expecting to wake up inside my room in Russia dahil napanaginipan kong naroroon ako at nakikipagkuwentuhan kina Viktor, Pavel, at Jethro only to wake up in an unfamiliar sight with me above a king size bed. Bumangon ako at kaagad na napayuko sa aking katawan. Sa aking hubad na katawan. Kinakabahang hinila ko ang comforter at itinakip iyon sa kahubaran ko at pagkatapos ay iginala ko ang paningin ko sa paligid. What I am seeing is quite familiar to me until memories of what happened last night came flooding in my mind. Maraming tao na pawang nakasuot ng pangmaharlikang kasuotan; may isang matandang lalaki na may puting mahabang buhok ang nakangiting nakatingin sa akin; at sa tabi ko... sa tabi ko ay ang aking kababata, ang binatang nambu-bully sa akin noon, at ang taong idineklarang siya ang mapapangasawa ko. Si Etienne. Si Prince Etienne. At kagabi ay ang aming kasal sa harap ng kanyang pamilya. Mas kinakabahang pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kung ikinasal kami kagabi, natulog sa iisang kama, at hubad akong nagising, that only means one thing. We consummated our marriage. Ngunit wala akong maramdamang kakaiba sa sarili ko. I am 100 percent sure that nothing penetrated me. I still feel normal. So mali ako ng iniisip ko. Walang nangyari sa amin ni Etienne kagabi. Sinapo ko ang ulo ko nang isang memorya ulit ang pumasok doon. Maraming beses akong uminom ng wine habang kasalo ang pamilya ni Etienne sa munting selebrasyon ng aming kasal. Pero hindi ko maalala kung paano at kailan natapos ang selebrasyong iyon, kung paano ako napunta sa kuwartong ito, at kung ano ang naganap bago ako nakatulog. Napabuntonghininga ako. Siguro ay babalik din sa memorya ko ang lahat mayamaya lamang. Iginala ko ang mga mata ko at sa isang arm chair na naroon, Nakita kong may nakapatong na nakatuping pulang robe. Kinuha ko iyon at isinuot. Maliwanag na sa buong silid at ayon sa liwanag na nagmumula sa labas ng naglalakihang bintana, baka alas nuwebe na ng umaga. Naglakad-lakad Ako habang pinag-aaralan ang buong silid. Oo. Naaalala kong dito ako ipinasok ni Etienne pagdating namin kahapon. Naaalala kong naligo ako at nagbihis bago siya dumating. Naligo at nagbihis din siya bago kami lumabas at nagpunta sa silid na iyon kung saan naghihintay ang kanyang pamilya at ang judge na nagkasal sa amin. Nakadama ako ng inis kay Etienne. Wala man lang siyang sinabi na ikakasal na pala kami agad pagdating namin dito sa palasyo nila. Inaasahan ko na gagawin niya munang pormal ang engagement namin gaya ng ginawa ng kapatid ko sa engagement nila ng kasintahan niya. Etienne rushed things between us and he didn't even get my permission to do those things. Wala siyang naging respeto sa salita ko. Nagtungo ako sa sliding door at binuksan iyon. Lumabas ako sa terrace at tumingin sa baba. Halos malula ako. Ang kuwartong kinaroroonan ko ay nasa ikatlong floor ng palasyo. Huminga ako nang malalim at tumingala sa langit kahit na alam kong masisilaw ako sa liwanag. I am now the husband of a prince who is the future king of this kingdom. Alam kong wala na akong takas. Our sudden marriage is an assurance to Etienne so I won't have an opportunity to reject the marriage or escape from him. Sinigurado niyang maitatali niya ako sa isang kasal upang hindi na kami maghiwalay pa. It didn't matter to him that I wasn't ready yet. It didn't matter whether I agreed or not. Ang nasunod ay ang kagustuhan niya at sinasabi ng nangyaring iyon na hanggang naririto ako sa piling niya, ganon ang magiging sitwasyon. Na siya ang magdidikta habang ako ang susunod. He has a lot on his hands to make me do whatever he wants. He controls my father and my family. He can either help or destroy our little kingdom if I won't or if I will rebel against his commands. Hindi ko tuloy mapigilang maawa sa sarili ko. My good, almost perfect life in Russia together with my friends suddenly changed in just a snap of Etienne's fingers. Ngunit kahit naman magwala ako, wala ring mangyayari. Tapos na ang kasal at nandito na ako. All I needed to do was to survive. And while doing so, I need to find an opportunity to at least finish my studies. Iyon lang ang maipagmamalaki ko at ang tanging akin na hindi makukuha ni Etienne. Sana lang at makumbinsi ko siyang sa Russia ko pa rin tatapusin ang pag-aaral ko. And maybe, just maybe, I can save more memories with my friends bago man lang ako tuluyang makulong sa kanilang palasyo. Bumalik na ako sa loob at hinanap kung nasaan ang banyo. Naligo ako at nagbihis ng semi-pormal na damit. A long sleeved polo and a slack na natagpuan ko sa ilan sa mga closets na naroon at may nakalagay na pangalan ko. Ngayong dito na ako sa palasyo naninirahan, everything will not be ordinary anymore. I cannot wear shorts anymore nor shirts gaya ng palagi kong suot sa bahay naming magkakaibigan sa Russia. I must always look presentable around Etienne's family dahil hindi na ordinaryong mga tao ang araw-araw kong makakalasamuha. It feels quite awkward and I am hoping that a day will come that I will be comfortable wearing these types of clothes na parang laging may pupuntahan at lalabas ng bahay. Nang lumabas ako sa walk-in closet, naghihintay na sa labas ang dalawang palace staff na sila ring umalalay sa akin kagabi. Napansin kong nakaayos na rin ang kama. "Good morning, Prince Elai. Did you have a good sleep?" enthusiastic na tanong ng isa sa kanila. Tahimik akong tumango. "Prince Etienne is waiting for you at one of the palace's mini garden. Sinabi niyang doon ka na raw kumain ng breakfast mo," saad naman ng isa pa. Again, I just nodded without talking. Nagkatinginan sila bago bumaling ulit sa akin. "Please, follow us, your highness." Sa pagkakataong iyon, nagsalita na ako. "Please don't call me your highness. Nikolai or Elai is enough," may halong pakiusap kong sabi sa kanila ngunit ngumiti at nag-bow lang sila sa akin bago tumalikod at nagpatiuna nang lumabas. Napabuntonghininga ako bago sumunod sa kanila. Mukhang wala talaga akong magiging kakampi dito sa palasyo. Habang naglalakad sa kanilang likuran, hindi ko maiwasang isipan ang mga kaibigan ko at mapabuntong-hininga nang ilang beses. Siguradong galit sila sa akin ngayon lalo na si Viktor. Baka nga Hindi na nila ako napatawad sa ginawa kong pag-iiwan sa kanila sa ere. But deep inside me, nagtitiwala akong bilang pinakamatanda sa kanila, Pavel will lead them. Siguro, nagdesisyon na lang silang bumalik sa Russia pagkatapos ng lahat. Maybe they realized it too na Wala rin silang maitutulong sa akin o magagawa pa sa sitwasyon na kinasusuungan ko ngayon. I just hope na kapag pumayag na si Etienne na bumalik ako sa Russia para ipagpatuloy ang pag-aaral ko, they will still talk to me. Na kahit papano ay nakalimutan na nila ang pang-iiwan ko sila and we will be back to being friends. Hindi naman siguro masamang umasa o mangarap, hindi ba? "Nikolai," nakangiting bati sa akin ni Etienne nang malapit na kami sa kanya. Tumayo pa siya para salubungin ako. Tila nga namagnet siya sa akin dahil kaagad na humawak ang kamay niya sa kamay ko. Gusto ko mang bumitaw, ayoko nang mapahiya siya sa harapan ng mga staff ng palasyo. "I wanted you to have enough rest kaya hindi na kita ginising kaninang magising ako," waring pagpapaliwanag niya habang inaalalayan niya akong maupo. Tumango lang ako sa kanya. Pagkatapos niyang naupo sa harapan ko, nagsimula na siyang maglagay ng mga pagkain sa plato ko. Naglagay siya doon ng dalawang hiwa ng tinapay, some pasta, and three types of fruits. Tahimik akong kumain habang kumakain siya ng mga prutas. "After your meal, we will visit some of the damous tourist spots in our country, Elai. I want to impress you with the beauty of Llamas." Tumango lang ulit ako sa kanya. I don't feel like talking to him dahil wala naman akong gusto sabihin sa mga oras na iyon. At gaya ng sinabi niya, pagkatapos naming saglit na magpahinga pagkatapos ng meal ko, tumayo na kami at nagtungo sa lugar kung saan naka-park ang iba't ibang klase ng sasakyan. Dome men wearing black suits came and in just a matter of some minutes, tatlong sasakyan na ang magkakasunod na umalis palabas ng palasyo. "Do your parents know where we're going?" tanong ko sa kanya dahil hindi man lang kami nagpaalam muna sa mga magulang niya bago kami umalis. "I have already told them about my plans so there's no need anymore." Natahimik ako sa sinabi niyang iyon hanggang, "I hope next time, before doing anything or deciding on things, you could at least ask for my permission or opinion first," pormal kong sabi sa kanya dahilan para mapalingon siya sa akin. "Nikolai, are you offended that I was dragging you to visit some of our famous tourists spots?" Napangiti ako nang pagak. "Eversince we've met again, you're already dragging me, Etienne, and I don't want you getting used to it. I have a mind and a voice. Hindi naman siguro pag-aaksaya ng oras ang pagtatanong sa opinyon ko, di ba? Unless my sole role as your husband is becoming your shadow," Kahit marahan ang pagsasalita ko, alam kong napagtatanto niya ang gusto kong maintindihan niya. "Kung ganon, allow me to sincerely apologize, Nikolai. I'm sorry if I've repeatedly offended you with my decisions and actions. Nasanay lang akong ginagawa ang unang maisipan kong gawin. I got so excited that I failed to realize na tayong dalawa na pala ang dapat magdesisyon sa mga bagay-bagay simula ngayon. In minor things such as this, of course you can give me your opinion. And for the record, I don't want you standind behind me but beside me, Nikolai." Kinuha niya ang kamay ko at pinagkrus ang mga daliri namin. "But in major issues, I hope you will let me decide, Nikolai. If one major decision is to be made, though I may get your opinion, as the older one, allow me to decide for us." Napatingin ako habang nakakunot-noo sa kanya. "Major decisions? Like what?" "About your family." Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. "My instinct was telling me that something bad happened between you and your father inside that room, Nikolai. And God forbids, I might kill him if my guess is proven right." Nanuyo ang lalamunan ko kaya ilang beses akong napalunok at nag-iwas ng tingin sa kanya. "My decision is final, Nikolai. I won't allow you to step on that palace again, even if you beg me on bended knees. They are your family yet my instinct was telling me not to trust any of them." "A--and my... friends?" "You trust them more than you trust your family, right?" Tumango ako sa kanya. "Do you trust them with your life?" sunod niyang tanong. "I do," maikli ngunit kumpiyansa kong sagot. "Then, I'll give them the opportunity to earn my trust. They have to prove that I can trust them before I'll let you be with them again." Napatango ako. That will be easy when it comes to Pavel and Jethro. Pero kay Viktor? Alanganin akong mangyayari iyon. "Etienne," tawag ko sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. "Yes, Elai?" "I don't have anyone in the palace aside from you. Can you allow my mom and my sister to visit me sometimes?" Napatingin siya sa akin at sa hindi malamang dahilan, bumilis ang t***k ng puso ko. "I know na kasasabi mo lang na Wala ka nang gustong pagkatiwalaan sa kanila, but among them all, they're the only ones I can trust." Etienne sighed. "I will send a message that they may visit you." "And my friends, too, Etienne." Muli siyang napatingin sa akin. "I want to show you that you can trust them. You can only prove that when we're together." Tumitig siya sa akin at sa mas mahinang boses ay nagtanong. "Tell me, Nikolai. Do they know the secret you have in your body?" Napasinghap ako sa pagkakataong iyon. Mas bumilis pa ang pagtibok ng puso ko. Nalito ako. Kung sasabihin kong alam nila, baka pagmulan pa iyon ng pagseselos niya at hindi magiging maganda ang mga susunod na iisipin niya tungkol sa akin at sa mga kaibigan ko. Kung sasabihin ko namang Hindi, baka kuwetyinin niya ang tiealsng ibinibigay ko sa mga kaibigan ko. Nang tumingin ako sa kanya, nasa mga mata pa rin niya ang pagtatanong at ang paghihintay sa kasagutan ko. Mabilis na gumana ang isipan ko. "No. That's the part I kept for myself, Etienne. It's not that I don't trust them. I believe it's not yet time for them to know. Besides, even if we're best of friends and they took care of me since we've met, we also have boundaries. We don't do things without asking for one's permission. We respect each other's decisions. They don't just barge in inside my room whenever they like because they know that I..." Napalunok ako. Hindi ko alam kung tamang sabihin ko iyon lalo at asawa ko na siya. "You're what, Nikolai?" "That I sleep naked, Etienne. I've told them that and they became more careful not to step on my privacy." "So, you sleep naked," pag-uulit niya sa sinabi ko. Mukhang doon na natuon ang buong pansin niya na kahit papano ay ipinagpapasalamat ko. "Yes. That's why when I enter my room, no one comes inside." "Since when?" interesado niyang tanong. "I think that was two years after we've met. They invited me to have a sleep over which I rejected for my sleeping habit. And ever since then, they haven't invited me anymore and respected my privacy more." "I'm glad to know that even if they're your best friends, you all have boundaries and unwritten rules, Nikolai." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niyang iyon. Ngunit muli kong nahigit ang hininga ko sa idinugtong niya. "I am looking forward to seeing you naked on our bed every night. I think I have to start making it my habit, too." Nang mamula ako ay natawa siya. "There's no need to be shy, my love. We're husbands now. Do you think I won't demand the pleasure of making love to you?" Muli siyang natawa nang mag-iwas ako ng tingin sa kanya. "I just have one last question though, Elai." Sa pagkakataong iyon ay bumalik ang tingin ko sa kanya. "Wala ba ni isa sa mga kaibigan mo ang nagkainterest sa'yo?" Pinatatag ko ang sarili ko para hindi ako mapatingin palayo sa kanya. Alam kong kapag ginawa ko iyon, iba ang magiging kahulugan niyon sa kanya. And inorder to protect my friends, especially Viktor, I have to lie. "Wala. No one among them look at me that way, Etienne. They love me as their younger brother and that's all." Akala ko ay tapos na siya sa pagtatanong dahil tumango na siya. Ngunit may isa pa siyang tanong na ibinato sa akin. "If they knew about your secret, do you think that will change the way they look at you?" Pinuwersa ko ang sarili kong tumawa. "I thought that the first one was your last question, Etienne?" Tumawa rin siya. "C'mon, husband. Satisfy my curiosity," pang-eengganyo niya sa akin. "I don't think so. They might even not allow me to live with them if they knew," kunwari ay pagbibiro ko. "And I told you, they all treat me as their younger brother and that is all." Ngumiti siya. "I thought so too. I feel sorry for them for missing to know what great gifts you have, my love. For no one will truly love you and appreciate you, heart, body, and soul but me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD