Puno ako ng pawis noong tuluyang makalabas. sa likod ng bahay pala ang labas ng lagusang sinasabi ni Maris. Mabuti na rin 'yon para wala sa aking makapansin sa harap ng bahay. Mabilis kong tinago ang sarili sa hoodie at naglakad ng mabilis papuntang sasakyan. Sumakay ako sa loob para makita kung gaano kataranta ang driver. "Ma'am Zoey! Kanina pa kita tinatawagan, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Akala ko kung napaano na kayo sa loob." "Sinong pumasok sa loob kanina? Si Leventon ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya. "Mga tauhan ni Sir Leventon. Patawarin niyo ho ako kung wala akong nagawa." "It's fine, wala namang nangyaring masama sa akin. Wala kang dapat ipag-alala." patuloy kong pinunasan ang sarili ko. Hinubad ko ang makapal na jacket at saka pinunasan ng wipes ang aking saril

