“Siguro nagtataka ka kung bakit ngayon mo lang kami nakita sa loob ng maraming taon,” ani Tita Iva and she’s right. Iyon naman talaga ang iniisip ko ngayon. Why now? At ano ang dahilan ng pagdalaw nila rito sa bahay? Nakakita pa ako ng ilang maleta sa labas kaya mas lalong nadagdagan ang katanungan sa isip ko. Ilang araw ba silang mananatili rito sa bahay at tila ganoon na lamang karami ang kanilang dalang gamit? O baka naman may condo sila rito sa Maynila, sadyang dumaan lang sila rito tapos mamaya ay aalis din agad kasama ng mga maleta na nakita ko sa salas. “He never told me about you and Zuri,” mahina kong salita sa kaniya. “Ngayon ko lang nalaman na mayroon pa pala siya ditong pamilya. I thought he’s all alone.” Gulat ang rumehistro sa hitsura ng ginang. “Talaga ba? Akala ko p

