Dismayado si Leventon pagkarating sa pwesto namin ni Jessa. Hindi kasi ako naglaan kahit na magkano noong siya na ang bini-bidding kanina. Sinabi ko na iyon sa kaniya na hindi ko gagawin ang nais niya. Hindi maaari ang hinihiling niya na ako ang bumili sa kaniya ngayong gabi dahil masisira ang plano ko kapag ginawa ko 'yun. Kaya naman kahit pa labag sa kaniyang kagustuhan ay makikipag dinner date siya mamaya sa babaeng nakabili sa kaniya ngayong gabi. Kumuha si Leventon ng isang wine glass mula sa babaeng naglilibot na may hawak ng tray ng mga wine. See through ang kanilang dress, manipis at maikli lamang tulad ng sa mga waitress sa club, at kung hindi ka sanay sa lamig, malamang naninigas na ang katawan nila. Inisang lagok ni Leventon ng sabay ang dalawang baso ng wine. Pagkatapos ay ku

