Sa aking palagay ay nagsisimula nang magsaya ang mga tao sa Party. Mula dito sa labas ay naririnig ang malakas na tunog galing sa loob ng Hotel na pagmamay-ari ni Zachary. Marami talagang pagmamay-ari ang lalaking iyon, kaya naman hirap si Leventon pabagsakin ang kaniyang kababata. Kung hindi lang nabaling sa ibang bagay ang atensyon ni Zachary ay hindi namin magagawa ng mabilis ang plano, ngunit ang lahat ay tila magbabago lalo pa't nalaman na ni Zachary ang binabalak niyang pang angkin sa lahat ng ari-arian nito. Kailangan ba talagang hanggang dito sa labas ay naririnig ang malakas na tugtog galing sa loob? Kahit ang MC ng party ay naririnig kapag nagsasalita sa Mic. Mabuti hindi nabibingi ang empleyadong nakabantay dito sa labas. "Ma'am, sumunod ho kayo sa akin, kanina pa kayo hinihin

