"Hindi na maaari ang gusto mo, Zoey."
Leventon's not agreeing with my plans anymore. He keeps on declining my decisions! Ano sa tingin niya ang kaniyang ginagawa? Pinuntahan niya ba ako dito sa aking bahay ngayong gabi upang sabihin lamang iyan? Akala ko ba ay planado na ang lahat pero bakit nais niyang siguraduhing hindi ko gagawin ang naunang plano? Kalaban ko na ba siya ngayon? The last time I have checked he was my savior, so why is he acting like this anymore? because I can't understand, literally.
Nakinig lamang ako sa kaniya noong magpatuloy siya sa kaniyang pananalita. "I told you before that we will change our plans. Things are not in a good condition, I am not going to tolerate you with this kind of stupidity."
"Ito lang ang paraan upang masimulan kong wasakin si Selena."
"This is not the only way, Zoey."
"Nais ko nang simulan ang lahat lalo pa ngayong sumasang-ayon sa atin ang kalangitan. Lahat ng pabor ay nasa ating dalawa. We can have our revenge now. I am looking forward—"
"Selena has a child, with your ex-husband. You know that."
"I would never forget about that, Leventon."
"Then why are you still doing this?"
"Mukhang nakalimutan mo na ata ang sinabi mo sa akin noon. Di ba ang sabi mo sa akin ikaw ang gawin kong armas laban sa kanila? Bakit parang ikaw ang magiging balakid sa aking mga plano?"
"Hindi naman sa ganoon... Hindi mo mababawi ang kapatid mo. Ano bang meron ka? Sa tingin mo ba ay kaya mong kalabanin si Zachary ng walang armas?"
"Ako na ang bahala roon, Leventon. Maraming salamat sa iyong pagtulong."
"Ako ang gawin mong armas. Mababawi mo ang kapatid mo. Mapapabagsak ko si Zachary. Parehas tayong makikinabang dito, Zoey."
"Naalala mo na ba ang sinabi mo sa akin noon?" tanong ko sa kaniya.
"For seven years there are a lot of changes, Zoey, we must change our plans too. Selena has a child,"
"and so? I can see no problem with that."
"that is our problem now, Zoey, and not just that. Zachary married her. and that's a big f*****g problem. Mahihirapan tayong dalawa mahawakan siya, mahihirapan ka sa kaniyang makapaghiganti. Lalo na't may anak si Zach sa kaniya."
"Look, this is interesting. Can't you imagine how it hurts when she lost her child? Ipararanas ko sa kaniya kung gaano kasakit ang mawalan ng anak! Ipararanas ko sa kaniya ang naramdaman ko noong dinukot niya ang aking anak sampong taon na ang nakalilipas, hindi lang iyon, ipararanas ko rin sa kaniya ang aking naramdaman noong pinatay niya ang anak ko sa aking sinapupunan noong sinunog niya ako ng buhay! Lahat ng pinaramdam at ginawa niya sa akin noon ay ibabalik ko lamang sa kaniya."
"How will you do that? Tell me, how?"
"Just watch me, I can do that with or without your help,"
"He has a power that we don't have."
"I know, teka, huwag mong sabihing hindi mo susubukang lumaban, natatakot ka na ba? Akala ko ba ay hindi ka papatalo sa kaniya pero ano ito at tila sumusuko ka na?"
"I did everything to bring him down for how many years, Zoey. But I'm always failed."
"Hindi pa nga tayo nagsisimula pero mukhang naduduwag at sumusuko ka na."
"I am just concerned... and worried about you. Paano kung mapahamak ka na naman sa gagawin mo?"
"Kaya nga nandyan ka sa tabi ko, 'di ba? Ikaw ang poprotekta sa akin. Sa panahon ngayon hindi ito ang kailangan ko, Leventon, you are bringing me down to hell. I need your support. I need your approval. I need your positivity. Dahil paano tayo magtatagumpay kung sa ngayon palang na hindi pa tayo nagsisimula ay sumusuko ka na? Paano na lamang ako lalaban kung ganiyan ka na? Hindi ko kaya ito ng mag-isa, I need your help. Kailangan ko ng lakas mo at sana'y hindi ka panghinaan ng loob."
"But I don't like your plans for now. I want you to stay here. You don't need to be with him again. Zachary will just destroy you again. he might break you this time and I am scared that maybe I couldn't fix you anymore."
"I want you to trust me, we are going to win this game. For now, we have to trust each other. I only have you to this game and I want you to be on my side for always. Walang iwanan, 'di ba?"
"But the fact that you're going to live with that guy again?" he closed his fist with anger. "Hell no, Zoey. I have protected you for seven years. I don't want you to suffer with him-"
"Leventon, listen. You agreed with all of this s**t six years ago. We planned for this. We both think about this many times."
"There's no way for you to be a f*****g mistress!" he almost shouted at me, he is furious.
"We have planned this for a long time, Leventon. Ayaw kong mapunta sa wala ang lahat ng ito at ikaw na rin mismo ang nagsabi niyon sa akin."
"I know. But.. I am just protecting you, Zoey. We don't have to do this. You. don't have to do this anymore. Makaiisip pa tayo ng mas magandang plano kaysa sa nauna."
"No. We'll stick to what we had planned."
"Ang buong akala ko'y babaguhin natin ang lahat ng plano? Pahihirapan mo lang sila, Zoey. Hindi ka mang-aagaw o maninira ng pamilya. Kalimutan mo na ang una nating napagplanuhan dahil ngayong gabi ay gagawa tayo ng panibago. Babaguhin natin ang lahat."
"No."
"Zoey, please,"
"Ang unang plano ang susundin ko. Ngayon, ang tanong. Tutulungan mo pa ba ako o hindi?" mukhang hindi ko yata nagugustuhan ang kaniyang mga pahayag ngayon. Mukhang siya pa yata ang sisira sa aming mga plano.
Hindi siya nakapagsalita sa aking katanungan at mukhang wala siyang balak sagutin pa iyon.
"Alam ko na ang sagot. Maari ka nang makaalis." sabi ko sa kaniya.
"Hindi ako aalis hangga't hindi natin napag-uusapan ng ayos ang lahat ng ito. Hindi ako aalis hangga't hindi nababago ang mga plano."
"Then stay. Huwag ka nang lumisan pa dito kung iyon ang iyong nais. Ako ang aalis."
"Zoey, please."
"Mukhang hindi mo na ako matutulungan pa, Leventon, binigo mo ako, akala ko ay ikaw ang lubos na makauunawa sa aking nararamdaman."
"Trust me, Zoey. I understand. and I will help you until the end. I am here, but please change the f*****g plans, you are not going to be his goddamn mistress. you are more than that."
"I want my sister back and I want to see my son. I want them to suffer. I want them to go in hell no matter what happens,"
"But things are changed, Zoey, listen to me. If you do that s**t, you're going to-"
"Stop talking." I stopped him from talking. I want him to listen to me for seconds. "We had this plan for over six years after I got my surgery. Hindi mo mababago ang aking isipan, Leventon. Sana ay suportahan mo na lamang ako."
He breathed. "Are you going to be this kind of human?"
"You taught me how to be like this, did you forgot?"
"Give me one good reason to agree with you, to support you with this."
Humugot ako ng malalim na hininga bago magsimulang magsaita. "I am still here alive to have my revenge... and I thank you for that. You are the reason behind my survival."
Nanatili lamang siyang tahimik at nakinig sa aking sinasabi.
"Ngunit sa tuwing makikita ko ang mga sugat at peklat sa aking katawan, hindi mawala sa aking isipan ang lahat ng kademonyohang ginawa nila sa akin. Leventon, alam mong nawalan ako ng bata sa aking sinapupunan noong tinulungan mo ako mula sa pagsunog sa akin ni Selena, dinala mo ako noon sa hospital upang magamot. bukod pa doon ay kinuha nila sa akin ang pinakamamahal kong kapatid. Tinago nila sa akin si Kelly. At si Selena rin ang may pakana kung bakit nawalay sa akin ang anak ko sampong taon na ang nakalilipas. Sila din ang may dahilan kung bakit namatay ang mga magulang namin ng kapatid ko. Ngayon sabihin mo sa akin kung bakit hindi ko ipagpapatuloy ang paghihiganti kong ito? At bakit ko babaguhin ngayong mas alam kong mas higit na masasaktan sila sa gagawin ko?! Sabihin mo! Sabihin mo sa akin!"
"Zoey," naglakad siya palapit sa akin upang yakapin ako pero lumayo ako sa kaniya at tumanggi.
"Huwag mo akong hawakan. Isa ka rin sa kanila."
"Just let me hug you. You need this," malalim ang kaniyang pananalita at kalmado na ang kaniyang hitsura. Mukhang natauhang muli siya at lubos pa akong naintindihan sa aking sitwasyon.
"I'm sorry, please let me hug you I know you need it, I'm sure you are," iyon lamang ang kaniyang sinabi at nilapitan ako saka niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, I'm just scared to lose you." bulong niya. "tama ka, ito ang plano natin at mananatili iyon kahit pa marami na ang nagbago. nandito ako upang tulungan ka. haharapin natin sila kahit gaano pa sila makapangyarihan. gaganti ka, makukuha mo ang kapatid mo at ang anak mo, magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ng iyong anak sa iyong sinapupunan noon at tutulungan kita sa paghihiganti mo sa kanila. katumbas noon ay ang pagbagsak ni Zachary at ako naman ang magwawagi. parehas tayong mananalo dito, Zoey,"
"No one can change my plans, not you, not me, not even their child. No one. They are evil, and I will put them in hell, buong puso akong sasama sa kanila kung iyon lamang ang paraan upang madala ko sila sa impyerno. Tandaan mo iyan."
"I know. I know," hinagod niya ang aking likod upang pakalmahin at pagaanin ang loob. "hush now, please."
And I guess he was right, I need his hug right now. Sa tingin ko rin ay kailangan ko nang may mag-aalis ng aking kalungkutan sa pamamagitan ng ganitong kahigpit na yakap. Mas lalong gumagaan ang aking pakiramdam dahil sa kaniyang ginagawa.
Thank you, Leventon, for always being there with me in my most dark times. You saved me. You are.
"We have to sleep. Tomorrow is gonna be the best day for us. I'm sure you will play a good game tomorrow with Zachary Montefalco,"
Kumawala ako sa kaniyang yakap at pinunasan ang aking mga luha. "Yes, of course, I will." sabi ko sa kaniya sabay ngumiti.
"Are you okay now?" he asks.
"Yes, I'm fine. Thank you for your concern."
"Good to know that. Siguro, kailangan ko na ring umuwi, it's getting late. Just call me when you need something, I'll be back here quickly."
"Yes, sure, thank you again. Mag-iingat ka sa biyahe pauwi."
"Sige pero huwag mo na ako ihatid palabas. Kaya ko na. Magpahinga ka na lang. Tara, hatid na kita sa kwarto mo. Bukas, maaga kitang dadaanan dito upang sunduin para makapaghanda ka pa kahit papaano,"
"Ayos lang sa akin, hihintayin kita bukas ng maaga kung ganoon,"
"Great. Goodnight, Zoey,"
"Goodnight, Leventon." sabi ko at sinarado na ang pintuan pero bago ko pa iyon maisara ay may nasabi pa si Leventon. "Sleepwell,"
Mabilis kong binuksan muli ang pintuan para sabihan din siya non pero sadyang mabilis siya kumilos dahil nakatalikod na siya at palabas na ng bahay nang mabuksan kong muli ang pintuan.
Salamat, Leventon. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagtulong na ginagawa mo sa akin ngayon. Habang buhay ko itong tatanawin na utang na loob. Para kang isang anghel na ibinaba ng langit para sa akin.
Malaki talaga ang utang na loob ko sa kaniya. Siya ang nagbigay sa akin ng pangalawang buhay. Pati na ang kasuotan ko ngayon at ang aking mga bagong kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay, he taught me a lot, he gives me a lot, maski ang aking tinitirhan ay galing sa kaniya, hindi man ganoon kalaki pero nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya. Ako ang nagsabi sa kaniya na ganito lamang kaliit na bahay ang aking nais. Ang ibibigay niya kasi sa akin noon ay mas malaki pa sa bahay na tinirhan ko noon. Ayaw ko namang makaabala pa sa kaniya at pagkagastusan niya pa ako dahil alam ko na kahit barya ay mahalaga sa kaniya bilang isang businessman.
Si Leventon ang dahilan kung bakit narito pa ako at humihinga. Utang ko sa kaniya ang aking buhay at sana'y mapatawad niya ako sa ginawa kong panlaban sa kaniya kanina. Nais ko lamang pahirapan ng lubusan ang mga taong sumira ng aking buhay. Iyon lamang ang aking layunin sa ngayon bukod sa nais kong mabawi ang aking anak at ang aking kapatid mula sa mga kaaway.