"Leventon, ikaw pala," sabi ko nang buksan ang pintuan. Rest day ko ngayon pero kahit nasa bahay ako ay nagtatrabaho pa rin. Ang dami lang na kailangang ayusin sa negosyo lalo na't pinaplano naming kunin ang lahat ng kay Zachary. "Nabalitaan ko ang ginawa sa iyo ni Selena kahapon. Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay bago ako sumagot sa kaniyang tanong. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala sa akin, kaso mukhang kulang ang nabalitaan mo. She failed and It gives me happiness. Kung makikita mo lang ang hitsura niya noong mahuli siya ni Zachary ay sigurado akong matutuwa ka rin." binigyan ko siya ng ngisi at saka inalok siya ng maiinom. "Coffee or tea?" "Coffee, please," sagot niya. "Coffee sa mainit na hapon? You're unbelievable." I

