[Seraphina Rivero] TULAD ng inaasahan ay nagalit ang magulang ko sa panloloko ni Luis sa akin, ngunit hindi ko akalain na hindi pa pala huli si Gianina sa mga mababalitaan ko dahil sa mga susunod na buwan ay lilitaw ang kanyang baho sa akin at mga dahilan kung bakit ayoko sa kanya. I FEEL energetic kinabukasan nang pumasok ako sa school. Sinong hindi ngayon na wala nang Luis sa buhay ko? Alas-otso pa lang ng umaga ay nakita ko na agad si Aki. Masaya ako na makita siya roon at hindi siya late. Nakasandal lang siya sa pader at nag-aabang sa kanyang guro para sa oras na iyon. Nakaramdam din ako ng awa sa kanya dahil nilalayuan siya ng mga kaklase niya. Takot sa kanya ang mga ito dahil sa madalas na mapaaway si Aki. Nilapitan ko siya. “Hey!” “Ma’am!” nagbigay siya ng galang sa akin. I sm

