[Ricardo Zamora] NAIKUYOM ko ang kamao habang nakatingin sa papalayong bulto ni Sera. My heart was shattered into a thousand pieces looking at how sad she was. Para akong bata na iniwan ng kanyang nanay na umiiyak sa gitna ng pintuan. Kita ko pa kung paano umalog ang kanyang balikat na halatang nasaktan talaga siya sa ginawa ko. Kanina lang ay sobrang taas ng pangarap ko na makakasama ko siya habang buhay matapos kong makausap ang kaibigan kong si Dmitri. Nagpahanap ako sa kanya ng singsing na nais kong ibigay kay Sera. I never felt this way before, ‘yun bang pakiramdam na nakita mo na ang babae na nakalaan para sa’yo. I remember things way back before I came here. “Have you booked my ticket to Puerto Prinsesa for my vacation next week?” I asked Ayessa. “Yes, Boss! It’s planned. Nas

