CHAPTER 6

1437 Words
[Seraphina Rivero] SUMILAY ang kakaibang ngiti ng lalaking nakita ko noon sa comfort room nang pumihit siya paharap sa akin. He’s wearing a maroon polo shirt, a maong pants, and simple white sneakers. Umiwas ako ng tingin sa kanya lalo na nang maalala ko kung ano ang mga ginawa niya noon sa hotel. Namula ang pisngi ko matapos maalala ang kanyang makisig na pangangatawan pababa sa—  “Where’s your date?” Mabuti na lang at pinutol niya ang nililipad kong isipan. Nakakunot ang noo na inangat ko muli ang paningin sa kanyang mukha. “W-what do you mean?” “I saw you earlier with a man. Hindi ba’t pumasok kayo sa isang Chinese restaurant kanina? Bakit narito ka?”  Nagtaas na ang kilay ko sa sinabi niya. Wala akong plano na pahabain pa ang usapan naming dalawa. Hindi naman kami close para ipaliwanag sa kanya na pinilit ako ng boyfriend ko na pumasok lang doon, na nagbayad ako ng kulang-kulang isang libo para sa meal namin ngunit ha’yun at inuwi ng magaling kong nobyo ang pagkain—pangalawa, hindi ko siya kilala at—pangatlo, nagugutom na ako! Napangiwi ako nang kumirot muli ang tagiliran ko. Napahawak tuloy ako roon.  “Sir, your order is complete!” pukaw ng kahera sa lalaki.  Binalingan niya muli ang kahera. Nagulat na lang ako nang kumuha siya ng jolly hotdog mula sa counter at iniabot niya sa akin. “Ayos lang ‘yan, minsan makatatagpo ka talaga ng hindi masarap. Heto, tingin ko mas masarap ‘to.” Nagawa pa niyang tapikin ang pagkain. “W-what do you mean?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.  I looked at the word ‘Hotdog.’ Iniisip niya ba na may ginagawa kaming milagro ni Luis? Nahintakutan akong isipin ang bagay na iyon lalo na’t nananatili ang aking mga mata sa label ng pagkain. Nag-init ang aking pisngi matapos maisip ang hotdog ng lalaki—este ng hotdog ni Jollibee—basta hotdog! Lord, ano ba itong naiisip ko? “Nothing? I am talking about food. Mas masarap si Jollibee kaysa sa Chinese food. You know? Sabi nila kasi maliit lang daw ‘yon parang ‘kikiam’,” Nagawa niya pang liitan ang boses sa huling salita. Lalong nag-init ang pisngi ko kaya sa tingin ko ay lalong lumapad ang kanyang pagkakangisi. Sumapi na yata a akin ang kung sinong maligno simula nang makilala ko ang lalaking ito.  “Looks like hindi ka naman nag-enjoy sa lalaki kanina, why not date with me instead?” Muli niya akong kinindatan, ‘yung kindat na ginawa niya sa akin habang nakikipagtalik siya noon sa babae.  Nagtaas muli ang kilay ko sa sinabi niya. Ang hangin! Parang mas malakas pa sa bagyong Yolanda!  Never! Hinding-hindi akong papayag na makipag-date sa hudyong ito, sa hilatsa pa lang ng kanyang guwapong mukha na halatang lalaking-lalaki at makisig— Oh, My Lord! Pinuri ko ba siya nang lihim? Itinuwid ko sa pagkakatindig ang aking tayo. “Mister, hindi kita kilala. Mamaya n’yan ay may gayuma pa itong hotdog.” Ibinalik ko sa kanya ang pagkain. “Miss, safe po ang pagkain namin dito,” sa halip ay sabad ng babaeng kahera.  Napangiwi ako dahil sa taklesa kong dila. Nakalimutan ko na naroon pa ako sa fast food. The man grinned like a wild cat, he was so amused by my actions. “Ano ba ‘yan?! Ang tagal naman d’yan sa unahan! Kung magliligawan kayo ay pwede bang huwag dito sa counter?” Nagrerelamo na rin ang napakahabang pila sa likuran namin.  Namula ang pisngi ko sa hiya. Aliw na aliw sa akin ang lalaki na patuloy sa pagngisi. Tinitigan ko siya nang masama saka katakot-takot na inirapan. Wala na akong ganang kumain kaya lumabas na ako sa fastfood.  “Miss! Wait!” habol niya pero hindi ko na siya pinansin pa. Sana ay hindi na magtagpo pa ang landas namin! Pero Lord! Gutom na ako talaga... ----- LUMIPAS ang dalawang linggo at natapos ang taon ng klase. Hindi kami nagkikita ni Luis nitong mga huling araw dahil abala siya sa year-end audit report na ipinapasa sa Bureau of Internal Revenue or BIR. Matutuwa na sana ako dahil kahit papaano ay hindi na naungkat pa ang tungkol sa kasal, hanggang ngayon nga ay wala pa akong singsing sa daliri. Ngunit akala ko lang pala ang lahat...  My parents asked me to go out, it was Saturday in the afternoon. Dahil summer, mas mainit ang katirikan ng araw sa maghapon at sobrang pinagpapawisan ang bawat Pilipinong pakalat-kalat sa lansangan. Hindi masarap sa pakiramdam ang mainit na singaw mula sa kalsada. Kaunti na lang ay hihimatayin na ako sa pagkahilo.  I thought my parents and I are about to celebrate the school year-end. Nabigla na lang ako nang makita si Luis na nag-aabang sa amin sa bungad ng World Trade Centre.  “Why are we here, ‘Ma?” naguguluhan kong tanong. “Kakausap tayo ng wedding planner ngayong araw. Nakapag-booked na si Luis dito sa expo.” Tumingala ako sa malaking ads na nakasabit sa gusali. May Wedding Expo ngayong araw. Tulad nang mga nakaraan, wala na naman akong ideya na tutungo kami rito at maghahanap ng mag-aasikaso sa aming kasal. Luis and my parents know it at tanging ako lang ang hindi nakakaalam? Siguro ay ako lang ang tanging bride na hindi excited sa plano ng kasal niya.  Pinisil ng mama ko ang aking kamay para igiya ako na pumasok sa loob habang nahihiwagaan sa magaganap. I smiled at her. Sabay-sabay kaming apat na pumasok sa loob ng gusali. Inakbayan naman ako ni Luis at hinayaan siya. My mom showed our passes sa security bago kami pinatuloy.  Tila ako robot na de-susi nang naroon na kami sa loob ng malaking bulwagan. There’s a lot on my head at wala ang mga nagaganap sa isipan ko. Maraming booth sa loob ng gusali, marami rin tao, maingay at pagandahan ang lahat sa service nila. Isang partikular na booth ang napili ng magulang ko.  There was a mestiza girl standing at the side of the booth. She looks professional and conservative kaya nakuha niya ang atensyon namin. Sa kanyang uluhan, nakasulat ang salitang “Blushing Brides.” Her booth color and tones were peaches that looks warm in the eyes. Unang impresyon—girly and professional. “Hello!” saad ng Mama ko na naunang lumapit rito. “Hello! I’m Rachel Hermosa and welcome to Blushing Brides!” wika ng babae.  “We are looking for a professional wedding planner.” “Tamang-tama po ang lapit n’yo dahil ako po ang makakatulong sa inyo.” “Good!”  Sinimulan na ng babae na ipakilala ang kanyang serbisyo. Dumoble naman ang kaba ko sa gilid habang pinakikinggan ang usapan nila ng mama ko. Tila ang mga eksplanasyon at iba pa ay nanggagaling sa balon, mula sa ilalim ng malalim na tubig dahil sa sobrang tensiyon na nararamdaman ko. Gumagalaw na lang ang kanilang labi at hindi ko na naiintindihan pa ang mga sinasabi nila. “Kailan po ba ang kasal?” Iyon lang yata ang malinaw sa lahat ng narinig ko.  “After three months. I want my daughter to be a June Bride.”  “No worries, Ma’am. We can set the wedding in three months as longs as all the documents have been submitted po sa simbahan at sa iba pa. Though, may mga simbahan po na hindi tumatanggap ng schedule sa maikling panahon. Pero may mga simbahan din naman po na in two months ay ayos lang. Iyon nga lang ay sigurado na magiging busy po tayo sa loob ng tatlong buwan,” “I want June 15,” sabad ni Luis.  “Is that okay Sera?” my dad asked, he wants me to confirm it. Nilingon ko lang siya. “Of course, Dad! Sera agreed on it! ‘Di ba, love?” Heto na naman si Luis sa kanyang pansariling kagustuhan nang hindi man lang ako kinukunsulta.  Hinawakan ako ni Rachel sa kamay. “Is that what you want, Sera?” She looked at me in the eyes. Ibubuka ko pa lang ang labi ko para tumanggi kaya lang ay naroon ang magulang ko. Nilingon ko ang mama at papa ko na kapwa nakangiti sa akin sa tabi ni Luis.  Bago ko pa masabi ang mga bagay na nasa puso’t isipan ko ay hinimatay na ako. Kinain na ng kung anong dilim ang lahat sa akin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD