Mother's love

612 Words
"Hindi naman talaga kasi ganyan si mama e". Pagsisimula ko sa kwento. "Si mama kasi noon, malambing…" Throwback— "Oh anak? May pasok ka pa ah". "Aba! Ba't ka mainit!". Sigaw ni mama kaya nagising ako. "Ma? Bakit po?". Tanong ko. "Bakit ka nilalagnat?". Sabi nito at tila'y kukuha ng gamot. "'Di ba, sabi ko sayo na mag-iingat ka palagi". Sabi nito at inabutan ako ng gamot. "Oh ito, inumin mo". Sabay bigay niya sakin ng tubig. "Teka lang. Magbibihis muna ako at pupunta sa paaralan mo ha. Sandali lang si mama, anak". Sabi nito at hinalikan ang noo ko. — "Oh, anak? 'Di ba sabi ko naman sayo na 'wag kang magpapagabi nang uwi?". Tanong ni mama habang papasok ako sa bahay namin. "Mama naman, may project kami e". Pagdahilan ko. "Oh eto anak, kain ka na muna". Sabi sa akin at kinuha niya ang mabigat kong bag. "Salamat nay". Sabi ko at ngumiti. "Para sayo anak, syempre". At ngumiti din siya. — "Anak? Graduation mo na, gising na". Paggising sa akin ni mama. "Ay hala, oo nga po". Sabi ko at nagstretching muna bago maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagulat ako nang madaming bakla sa bahay namin. "Ay angganda naman pala ng anak niyo mami". Saad ng isa. "S-sino po kayo?". Tanong ko. "Kami ang makeup and hairstylist mo". Sabi pa ng isa. Pagkatapos nila akong pagandahin nang sobra pa sa sobra ay lumapit sa akin si mama. "Sige po mami, uwi na kami ah". Sabi pa nila. "Osige. Mag-iingat kayo". "Sige po". "Alam mo anak, proud na proud sayo si mama. Hindi ko man sayo masabi 'to sayo palagi pero mahal na mahal na mahal ka ni mama. Sana hindi ka sumuko sa mga pangarap mo at ayoko na pinapabayaan mo ang sarili mo dahil baka isang araw mawala na ak—". "Ma". Pagputol ko sa sasabihin nito, tumingin naman siya. Kinuha ko ang kamay niya at nagsimulang magsalita, "hindi kayo dapat maging proud sa akin, sa sarili niyo po kayo dapat maging proud. Alam niyo ma, hindi ako makakapagtapos kung hindi po sa sipag at tiyaga ninyo. Pagsisisihan ko talaga na hindi ikaw ang ina ko buti nalang at ikaw nga". Ngumiti ako at nagsalita muli, "maraming salamat sa pagpapalaki mo sa 'kin nang tama. Salamat sa lahat ng sinakripisyo mo para sa akin. Salamat dahil inalagaan mo 'ko nang maayos. Salamat dahil minahal mo ako". Saad ko at napaluha kaming dalawa. "Ano ba naman 'yan, graduation na graduation e". Saad ni mama at tumawa. "Kung nandito lang yung papa mo ay baka mapahiyaw pa yun sa tuwa". Tumawang muli si mama. — Anisa's POV (Kleah's mother) Kasalukuyan akong nagpapacheck up ngayon dahil hindi ko na kinakaya ang sakit ng katawan ko. "Misis, pasensya na ho kayo pero misis may taning na ho yung buhay ninyo". Nagulat ako sa nasabi nito. "Dok? Ilang araw na lang ba o buwan?". Tanong ko. "I-isang buwan nalang po". Utal na sagot ng doktor. Umuwi akong luhaan at buti pa ngang 'di pa umuwi ang anak ko. Kung 15 ngayon, at October na—isip isip ko pa. — "Hi ma, andito na po ako". Sabi ng anak ko pagkauwi galing paaralan. "Oh bat ngayon ka lang?!". Pagsigaw ko dito, pasensya na anak. "Ma? May problema po ba?". Tanong nito at akmang hahaplusin na ako ngunit lumayo ako. "Wala! Nag-ahin na ako ng makakain mo riyan". "Aysooooos, si mama oh. Gagalit pa e alam ko mahal mo 'ko m—". "Kumain ka na diyan! Dami mo pang sinasabi!". Sigaw ko. Pagkatapos nitong kumain ay nakita ko siyang umiiyak, dahil siguro sa akin. Pagpasensyahan mo na, anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD