SUNNY VILLA's POV
Naglalakad kami pauwi ni Nove galing sa mall nang hawakan nya ang mukha ko. Malapit lang ang mall sa bahay namin.
"Girl! Okay ka lang? Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang hindi mo ako pinapakinggan." Pukaw sa akin ni Nove.
Natulala pala ako. Hindi ako makapaniwala na may ganoon pa pala kagwapo sa Pilipinas. Hindi lang sya gwapo, gentleman din. Binigay nya sa akin ang gustong gusto kong teddy bear.
"Grabe girl! Nakita ko ang favorite boyband ko! Salamat talaga Sunny at sinama mo ako kanina. For sure, hindi ako makakatulog nito mamayang gabi. Grabe! Ang ga-gwapo nila!" Kinikilig na sabi ni Nove.
"Sinong favorite boyband ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko. Malay ko ba sa kanya kung sino ang tinutukoy nyang favorite boyband.
"Hello! The Hallyu Brothers po ang tinutukoy ko! Oh my, Sunny! Don't tell me, hindi mo sila kilala?" Tinignan nya ako na parang di sya makapaniwala sa tanong ko.
"Hindi e."
Napailing sya. "Sila ang pinakasikat na boyband sa buong mundo kaya nakapagtataka na hindi mo sila kilala. Marami din silang commercials at movies, imposibleng kahit isa sa kanila ay hindi mo kilala."
Wala akong idea sa showbiz industry. Ang alam ko lang, mangolekta ng mga cute stuffs. Wala rin akong tv sa bahay dahil wala namang gagamit kapag nasa trabaho ako.
She sighed. "First time na makita ko silang mag-perform, nabihag nila ang puso ko. Naging fan nila ako. Yong mga songs nila at vocals ang gaganda. At ang gugwapo pa nila! Magagaling silang performers and most of all, mahal nila ang mga fans nila. Seriously, hindi mo talaga sila kilala?" Baling nya sa akin.
"Hindi talaga e."
"Halata nga e. Nasa harapan mo na si Vincent kanina pero yong reaction mo waley."
Yumuko ako. Kasalanan ko bang hindi ko sila kilala?
Pagdating namin sa bahay ko, nilapag namin ang mga paper bags na dala namin.
"Sunny, ang swerte mo talaga dyan sa amo mo. Akalain mo, binigyan ka ng gift cheque para makapag-shopping sa pinakasikat na mall na exclusive lang sa mga artista at kilalang businessman sa bansa. Ikaw na talaga! Buti nalang sinama mo ako. Thank you so much talaga." Sabay yakap nya sa akin.
Binigyan ako ni Miss Joana ng gift cheque at access para makapagshopping sa mall. Hindi ko naman akalain na ganoon kasikat ang mall na iyon.
Habang yakap yakap nya ako, umatras ako para maabot ang bag ko sa mesa at kinuha ang pera na uutangin nya.
"Oh. Eto na." Tinapat ko sa mukha nya.
Nanlalaki ang mga matang kinuha nya ang pera at nagtatalon sa tuwa. "Salamat, Sunny! The best ka talaga! May pang-concert na ako! Sige, girl. Uwi na ako. Gumagabi na eh. Thank you ulit! Babayaran ko to. Promise!"
Napailing nalang ako sa sinabi nya. Hindi pa rin sya nagbabago.
Pagkaalis ni Nove, inasikaso ko kaagad ang mga pinamili ko.
Every day-off ko, tradition ko na talagang bumili ng mga cute stuffs kahit isang piraso lang. Nagtatabi ako ng konting pera para sa collection ko. Pero dahil sa mabait kong amo, medyo malaki ang maitatabi kong pera ngayon.
Ang sarap ng feeling kapag bumili ka ng isang bagay na gusto mo dahil sa pagsisikap sa trabaho. Nakakawala ng pagod.
VINCENT LEE's POV
Papunta na kami sa parking lot ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag.
It's Gina. Bakit kaya sya napatawag?
"Yes, Gina?" Sagot ko sa tawag.
"Si Dennis to, Vincent." Sagot ni Kuya Dennis mula sa kabilang linya.
"Oh! Bakit gamit mo ang cellphone ni Gina, Kuya?"
"Ginagamit ni Jerome ang cellphone ko para magpicture. Memory full na daw ang cellphone nya. Mamaya pa ang deliver ng order nyang bagong memory card. Anyway. Where are you guys?" Kuya Dennis answered from the other line.
"Nasa parking lot ng mall. We just bought our stuffs. Pauwi na rin kami."
"Good. May sasabihin daw sa atin si daddy. Importante daw. You guys need to be here."
"Okay, Kuya." Nakita kong pinapasok na rin nila Spencer ang mga paper bags na dala nila.
"Ingat kayo sa byahe."
"We will." Then he ended the call.
"Kuya, sinong tumawag?" Tanong ni Nathan habang nilalagay sa compartment ang pinamili nya.
"Si Kuya Dennis. Sabi nya, kailangan nating umuwi dahil may importanteng sasabihin sa atin si Daddy." Sabi ko habang nilalagay ang mga hawak kong paper bags.
Pagdating namin sa bahay, naabutan naming may dalang juices si Gina. Sya ang girlfriend ni Kuya Dennis.
"Where's Kuya Dennis?" Tanong ko habang tinutulungan syang dalhin ang mga juices.
"Thank you. Nasa study room. Kasama ang daddy at mga kapatid mo." Nakangiti nyang sabi.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend na sya ni Kuya Dennis. Dati, pinagpapantasyahan lang sya ng mga kapatid ko dahil sa sexy, maganda at mabait ito.
Kinuwento din sa amin ni Kuya Dennis ang nangyari noon, kung paano nya naging secretary si Gina at ang hidden agenda nito sa pagpasok sa company.
Hinawakan ko ang doorknob ng study room. Nagulat ako sa nabungaran kong eksena pagbukas ko ng pinto. Seriously. Para kaming nasa school. Batuhan dito, batuhan doon. Ang tatanda na pero mga isip bata pa rin.
Pumasok na kami sa loob. Kinalabit ko si Kuya Jerome na abala sa pagseselfie. "Kuya, nasaan si daddy? Akala ko ba importante yong sasabihin nya? Bakit naghaharutan sila?" Tanong ko sabay turo kay Marcus at Aiden na nagbabato bato pik. Halos di ko na makilala si Aiden sa dami ng drawing sa mukha. Si Marcus naman halos connect the dots ang nasa cheeks.
Inakbayan nya ako at tinapat nya ang camera sa amin. "Picture muna tayo."
Nagpeace sign ako at nagsmile sa camera. Minsan nakakahawa ang pagiging selfie king ni Kuya Jerome.
"Nasa cr si Daddy. Ewan ko din sa mga kapatid natin. Kung saan tumanda na, saka pa naisipan magharutan." Sagot ni Kuya Jerome.
Pagbalik ni Daddy mula sa cr, tumahimik ang lahat. Natatawa ako. Para kaming mga studyante na biglang tatahimik kapag dumating na ang masungit na teacher.
Si Kuya Dennis lang ang totoo nyang anak. Magkakapatid kami sa ina at maganda ang turingan namin sa isat-isa. Kahit na hindi namin tunay na ama si Daddy, nirerespeto namin sya. Dahil sa kanya, maganda ang status ng buhay namin at tinanggap nya ang bawat isa sa amin bilang sarili nyang anak.
"Pinatawag ko kayo dahil sa mahalagang bagay na natuklasan namin ng mama nyo." Panimula ni Daddy.
Natuklasan nila? Sa company kaya? Wala naman akong nakikitang problem sa mga branches ng company kaya nakakapagtaka kung iyon ang tinutukoy ni daddy. O baka may milagro ang isa sa mga kapatid ko?
"Alam kong malapit kayong lahat sa isat-isa at natutuwa ako. Kahit na hindi ko tunay na anak ang iba sa inyo, tinuturing nyo pa rin akong isang tunay na ama. Ganoon din ako sa inyo. Di ko lang ine-expect na ganito kayo karami."
Nakitawa na rin kami. Alam namin ang pinupunto nya. Mahirap nga namang mag-ampon ng ganitong karaming anak.
Kapag seryoso ang sasabihin ni Daddy, hindi nya maiwasang magbiro para hindi namin ma-feel kung gaano ka-tense ang pag-uusapan.
"Matagal na naming alam ng mommy nyo ang tungkol sa bagay na ito pero itinago muna namin dahil sa hindi pa kami sigurado kung makikita pa namin sila." He looked worried.
"What do you mean, Dad? Anong tinatago nyo sa amin?" Biglang tanong ni Kuya Dennis.
"Pagkain po ba?" Sabat ni Matthew. Natawa ako sa sinabi nya. Pagkain pa rin ang nasa isip nya kahit kakakain lang namin kanina sa mall.
"Sinabi sa akin ng mama nyo na may dalawa pa kayong kapatid na nawawala. Kinuha sila ng kani-kanilang ama at nabalitaan ko din na sinasaktan sila. May ilang tauhan na akong inutusan para sunduin sila at manirahan dito sa mansion kasama nyo. Is that okay with you, guys?"
We are shocked on what Daddy told us na may dalawa pa kaming kapatid.
Pero hindi ako natutuwa sa balitang sinasaktan sila ng kani-kanilang ama. Napakawalang hiya naman ng mga taong yon! Bakit sinasaktan nila ang mga kapatid namin? Anong basehan nila para saktan ito?
I raised my hand. "Daddy, I'm curious kung bakit sinasaktan nila ang mga kapatid namin? Hindi naman yata tama na pagmalupitan sila."
"Zaldy's father was a famous reporter pero nang matanggal ito sa trabaho, palagi nitong ibinubunton ang galit sa kanya because he thinks that Zaldy a bad luck to him. Si Henry naman ay anak ng kilalang negosyante sa Visayas. He loves to dance. Everytime na sasayaw ito sa mga dance contest, sinasaktan sya ng kanyang ama at kinukulong sa kwarto. He doesn't want him to dance dahil hindi daw ito makakatulong sa negosyo nito. Ilang taon din namin silang hinanap ng mommy nyo. When we found them, we didn't think twice to get them." Malungkot na sabi ni Daddy.
Sobrang maalalahin ni Daddy sa amin at hindi matatawaran ang kabutihang loob nya. I'm very thankful na nagawa nya kaming pagsama-samahin para lang masiguro nyang safe at nasa magandang estado kami.
"We understand, Dad. Besides, kapatid pa rin namin sila. Masaya kaming malaman na nahanap nyo na sila at madadagdagan na naman ang family natin. Nakakalungkot lang isipin ang buhay na sinapit nila kaya dapat namin kayong tulungan, Dad. We will take care of them. Right, guys?" Kuya Dennis looked at us.
"Yes!" We said in unison.
"Thank you so much, my sons. I'm glad to know that you're willing to help them." Maluha luhang sabi ni Daddy.
Tumayo ako at niyakap si Daddy. "We're just thankful that you welcomed each of us open armed and treated us like you're real sons. You're a wonderful father to us, Daddy." Sabi ko.
"Thank you, Vincent."
Nagsilapitan na rin ang iba ko pang mga kapatid para sa isang group hug.
SUNNY VILLA's POV
"Kamusta na kayo, Ate Rhea?" Kausap ko sa kabilang linya si Ate Rhea. Miss ko na sila.
"Okay lang kami rito. Ikaw? Alagaan mo ang sarili mo dahil ikaw lang mag-isa dyan sa Manila." Nag-aalalang tanong ni ate.
"Opo, ate."
"Nga pala, graduation na ni Christine Dyan next week sa highschool. Wala akong maipahiram sa mga magulang natin dahil malaki ang ginastos namin sa ospital sa panganganak ko. Gustuhin ko man na tumulong, wala akong pera. May naitabi ka bang pera dyan?"
"Oo, ate. Sige. Magpapadala ako bukas ng pera. Hindi ako makakapunta sa graduation ni Christine Dyan dahil kailangan ko ng bumalik sa trabaho sa Monday. Balitaan nyo nalang ako kung may kailangan pa kayo." Nalulungkot kong sabi.
Graduation na ng kapatid ko na si Christine Dyan pero hindi ako makakapunta. Alam kong malulungkot yon dahil sobrang close kami.
Sobrang nagsisikap ako magtrabaho para sa kanila dahil gusto kong makapagtapos sila. Ayokong matulad sila sa akin. Hindi ko itinuloy ang pag-aaral sa kursong Tourism dahil lubog kami sa utang noon. Kaya naghanap nalang ako ng trabaho.
"Salamat, Sunny. Sasabihin ko yan sa kanila. Mag-ingat ka dyan." Huling sabi ni Ate Rhea bago tapusin ang tawag.
I sighed heavily. Gustuhin ko mang makasama sila pero hindi pwede dahil para sa kanila itong ginagawa ko. Sobrang miss ko na sila.
Napatingin ako sa human sized teddy bear na color pink na binili ko. Ay mali! Binili pala nung lalaki sa Blue World.
Napakamot ako sa ulo ko. Hanggang ngayon, di pa rin ako mapakali dahil sa nangyari pero ang gwapo talaga nung lalaki na nagbigay nito sa akin. Sana makita ko ulit sya. Di ko rin maiwasan makaramdam ng alinlangan habang tinitignan ko sya. Parang nakita ko na sya dati. Hindi ko lang alam kung saan.
Mapuntahan na nga lang si Nove. Kumatok ako sa pinto nila.
"Oh, Sunny! Tamang tama nandito ka! Halika. Pasok ka." Nilakihan ni Nove ang pagbukas sa pinto.
"Bakit? Anong meron?" Taka kong tanong.
Sobrang saya nya kasi. Nakakapanibago dahil kapag kakatok ako sa bahay nila, poker face lang ang pagmumukha nya.
Bigla nya akong hinila at dinala sa kusina nila. Nanlaki ang mga mata ko sa nabungaran ko sa kusina.
"Friend! You're here!" Chorus na sabi ng mga tao sa kusina.
Grabe! Hindi ako makapaniwalang nandito sila. Matagal na din nang huli kaming magkita kita.
Pinaupo ako ni Nove sa tabi nya.
"Kamusta na, friend? Tagal nating hindi nagkita ah." Sabi ni Faye Marie.
"Oo nga ee. Sobrang busy lang sa trabaho." Nakangiti kong sabi.
"Halata nga eh. Mas nagiging cute ka ngayong ah." Sabi ni Deasyrey habang kumakain ng pizza. Ngumiti lang ako sa sinabi nya.
"Maiba tayo, Riza. Kamusta ang trabahong binigay ko sayo? Okay ba?" Si Faye Marie ang nagrecommend sa akin na magtrabaho bilang kasambahay ni Miss Joana.
"Oo naman. Okay na okay. Salamat sa tulong mo na makahanap ako ng trabaho." Hingi ko ng pasasalamat.
Kaibigan namin sila ni Nove since high school. Mga professionals na sila ngayon at may magandang trabaho.
"Oy. Kwentuhan nyo naman ako kung ano ng nangyari sa inyo noong huli tayong nagkita kita." Masaya kong sabi.
Ngayon nalang ulit kami makakapag-usap ng matagal.
"Tinutulungan ko si Ate Joana sa business nya. Marami akong natututunan sa kanya dahil kilala sya sa fashion industry." Sabi ni Faye Marie.
"Pero bakit hindi kita nakikita kapag pinapapunta ako ni Miss Joana sa office nya?" Tanong ko.
Pumupunta ako paminsan minsan sa office ni Miss Joana kapag may nakakalimutan syang gamit sa bahay nya. Kaya nakakapagtaka na hindi ko sya nakikita doon. Magpinsan kasi si Miss Joana at Faye Marie sa ina.
"Sa ibang branch ako naka-assign kaya hindi mo talaga ako makikita sa office ni Ate Joana." Natatawang turan nya.
"Ah. Kaya pala. Eh ikaw, Deasyrey?" Baling ko sa kanya.
"Ako?" Sabay turo nya sa sarili.
"Hindi. Sya. Tsk! Kasasabi lang di ba?" Pamimilosopo ni Nove.
"Oo na. Rinig ko na. Sinisigurado ko lang na hindi ka bingi." Nakasimangot na sabi ni Deasyrey.
Ang hilig talaga ng dalawang to na mag-asaran.
"So... Ano ng nangyari sayo noong huli tayong nagkita kita?" Tanong ko muli.
"Secretary ako ngayon sa isang sikat na company sa bansa." Pagmamalaki nyang sagot.
"Anong company?" Curious kong tanong.
"Sa Hallyu Brothers Empire."
"Ano?! Sa Hallyu Brothers Empire ka nagtatrabaho?!" Sigaw ni Nove.
Grabe lang makareact te! Bakit? Ano bang meron sa company na yon? Naririnig ko ang pangalan ng company na iyon dati pero hindi ko lang matandaan.
"Makasigaw ka naman. Oo. Doon ako nagtatrabaho. Secretary ako ni Dennis Park." Sagot ni Deasyrey habang sinusundot ang tenga. Nabingi ata sa sigaw ni Nove.
"Really? Oh my! How lucky you are! God! Patahimik tahimik ka lang dyan, yon pala, nagtatrabaho ka sa Hallyu Brothers Empire." Palatak ni Faye Marie.
Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nila. "Wait! Naguguluhan ako. Ano bang meron sa Hallyu Brothers Empire na yan?"
Nanlalaki ang mga mata nilang tumingin sa akin.
"Wala ka na talagang pag-asa, girl." Napapailing na sabi ni Nove.
Sorry naman. Wala talaga akong idea sa nangyayari sa paligid ko.
Sino ba sila?