Chapter 18:Final Decision "What?!" gulat na tanong ko. "E, Cat, wala kaming nagawa ng Daddy mo," si Mommy. "Bakit?! Jusko naman! 'Pag ako 'di nakapagtimpi kakalbuhin ko talaga 'yang matandang 'yan!" "Eliza," suway sa akin ni Daddy. "E, pero kasi, Daddy, si Vin! Paano s'ya? Tsaka ayaw ko ngang pakasalan 'yon!" "Alam namin 'yon, Eliza, pero kasi wala kaming nagawa. Hayaan mo, gagawin namin lahat nang makakaya namin." "Bahala kayo! Basta! Hindi ko pakakasalan 'yong lalaking 'yon! Tapos!" Wala akong planong pakasalan 'yong Jason na 'yon and that is my final decision! Umakyat na ako sa taas at kinuha ang phone ko. "Cat!" Kahit nasa kwarto ko ako alam na alam ko na kung kaninong boses 'yon. Bumukas 'yong pinto at iniluwa n'on ang tuwang-tuwang si Erianne. "Cat!" "Luh! Sino ka?!" Su

