Chapter 1

1325 Words
Chapter 1:New Life "Ay naku, Ma'am! Sorry po! Nakalimutan ko, hehe." Napakamot si Shaila sa ulo niya. "Kinalimutan mo na naman, tsk," inis na sabi ko. Binigay ko sa kanya 'yong dala kong paper bag. "Bilisan mo na, gawin mo na 'yong utos ko, makakalimutan mo na naman mamaya, e." Pagkatapos n'yang abutin 'yong paper bag ay lumabas na s'ya ng kwarto ko at naghanda naman ako para sa pagpasok ko sa office. It's been three years yet walang nagbago sa pagsasama namin ni Vin. Kahit medyo busy s'ya sa University ay binibigyan n'ya pa rin ako ng time to spend with him.Sa three years na 'yon, naka-graduate ako and my parents were very proud of me, especially Vin. Maraming nangyari sa mga taong nagdaan. Pagkatapos ng nangyaring insidente ay hindi ko na nakita pa sina Samantha, Heather, at Heaven kaya medyo nakapante na akong mabuhay. Silang tatlo 'yong nagtangka sa buhay ko. Nasa kulungan na si Sam. Si Caryn, namatay. Kahit pa galit ako ay nalulungkot pa rin ako dahil sa biglaang pagkamatay niya. Marami ang nagulat dahil d'on, kahit ako'y hindi makapaniwala. She saved my life! Wala si Kuya dito sa bansa dahil inaasikaso n'ya ang gaganapin na wedding nila ni Ylona. Nagtagal din sila gaya namin ni Vin. Malapit na kasi ang magiging kasal nilang dalawa. Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa dining at naabutan ko si Mommy't Daddy na kumakain ng breakfast. "Where's Arvin? Hindi ka ba n'ya susunduin?" tanong ni Daddy. Nilapag n'ya ang binabasa n'yang newspaper at humigop ng coffee n'ya. "Hindi po, Dad. Marami s'yang ginagawa sa University and may event ding gaganapin d'on kaya medyo busy s'ya," sagot ko at umupo sa tapat ni Mommy. "Good morning, hija," bati n'ya nang ibaba ang phone n'ya. May kausap kasi s'ya. "Good morning," I greeted back and smiled widely. "I guess, sabihin ko kay Arvin na mag-leave muna s'ya. Look at the both of you? You don't have time for each other. Puro kayo trabaho," umiiling na sabi ni Daddy. Natural. Kung hindi kami magt-trabaho ngayon, paano ang magiging future namin kung ganoon? "It's life, Dad," sagot ko na lang at mabilis na tinapos ang pagkain ko. Kinuha ko na ang bag ko at humalik sa pisngi nilang dalawa. "Bye, I'll be back before dinner," paalam ko. Lumabas na ako at naabutan ko si Mang Peter sa garahe. Mukhang lalabas pa lang siya sa kotse dahil nakatapak pa ang isa niyang paa sa kotse. "Good morning, Ma'am.Ito po 'yong susi." He gave me the keys kaya pumasok na ako sa kotse. Nag-aral ako ng driving lessons and after that bumili na rin ako ng kotse. Mahirap na kasi. Sobrang weird naman kung magpapahatid pa ako nang magpapahatid sa service, o 'di kaya kay Vin, e, alam ko namang pareho kaming busy sa kaniya-kaniya naming trabaho. Ayaw ko rin namang mag-commute dahil ayaw ko nang maulit pa 'yong nangyari noon. Nakaka-trauma. Pagkabukas ng gate ay umalis na ako at dumeretso sa CGOC. Nang marating ko ang kumpanya ay sinalubong ako ng isang driver namin. Iniabot ko muna sa kaniya ang susi tsaka ako pumasok. "Good morning, Ma'am." Isa 'yan sa mga naririnig kong bati sa akin ng mga empleyado na nadadaanan ko. I just smiled at them while heading at my office. Nang marating, umupo ako sa swivel chair at tinignan ang folders na nakakalat sa harap ng desk ko. "Peice of trash," bulong ko at hinagis ito. Lumanding ito sa harap ng table ko. Saktong pumasok si Lavienne, my secretary. She handed me the folders that she was holding. "Good morning, Ma'am," she energetically greeted me."Ma'am, may meeting po kayo with new clients mamaya and one scheduled private meeting with Mr. Abrasaldo," panimula n'ya habang nakatutok siya sa phone niya. Pinulot n'ya ang mga kinalat kong folders. "Itapon mo na 'yan, walang kwenta 'yan," utos ko. Ginawa n'ya ang inutos ko at binuklat ko naman ang folders. "Anong gagawin ko dito?". "Ay, Ma'am, hawakan n'yo raw po muna sabi ni Sir Shaun." Umirap ako at nilapag ito sa table ko. Nagtataka kayo kung bakit dito sa kumpanya nina Shaun ang bagsak ko? Actually, dito lang muna ako pansamantala habang ginagawa pa ang restaurant na pinapagawa ni Daddy for me and in exchange daw para sa pagpapagawa n'ya ng resto is ang pagtulong ko dito sa kumpanya nila. Hindi lang ako makapaniwalang dito ako babagsak ngayon. Hindi ko naman gamay ang paghawak sa isang kumpanya kaya talagang nagsikap akong pag-aralan iyon nitong nakaraang taon. Bumaba ang tingin ko sa desk ko nang may mapansin akong maliit na bagay dito "Is this yours?" tanong ko. Tinignan n'ya naman ang napulot kong isang pares ng hikaw. "Hindi po, Ma'am," umiiling na sagot n'ya. "Itapon mo 'yan kung walang nagm-may ari." Mabilis na lumipas ang mga oras. Punong-puno na naman ang schedule ko ngayon dahil gaya nga ng sinabi ni Lavienne kanina, nakipag-meeting pa ako sa mga clients. Wala si Shaun at Mica ngayong araw dahil may inaasikaso sila kaya ako ang humawak ng meeting kanina. Para tuloy akong naging acting CEO ngayong araw na ito. Pagkatapos naman n'on ay private meeting naman kay Mr. Abrasaldo. Nakakainis siya. Kung hindi lang talaga siya nakatataas ay talagang tinanggihan ko na siya. "Yes, Mr. Abrasaldo, we will inform you once the papers are done," nakangiting saad ko. "You must be," masungit na tugon n'ya. "Yes, Mr. Thank you." Pinasadahan n'ya lang ako ng tingin at lumabas na s'ya ng office. Napabuntong hininga ako. Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang magring ang phone ko. I tapped the accept button when I saw Vin's name on the caller's ID. "Mmm?" nakapikit kong tanong. Pagod na ako at inaantok. Gusto ko nang umuwi. Buti na lang talaga at tapos na ang meeting kay Mr. Abrasaldo. "How's my baby?" malambing na tanong n'ya. "Pagod lang. What are you doing?" "Doing some paper works." "Mmm? Kumain ka na? I miss you." Last week pa kasi ang huli naming pagkikita kaya miss ko na talaga siya. Sobrang hectic ng schedule naming dalawa kaya wala nang oras para makapagkita kami. "I miss you too, baby. I want to see you now. Are you busy? Punta ka dito sa bahay." "Uhm, wala na naman akong ginagawa and nakausap ko na naman si Mr. Abrasaldo kaya okay na. Well, okay, punta ako dyan. Wait for me." "Mmm, okay. I love you, baby." "Mmm, I love you." I answered. He ended up the call. Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. Umalis na ako sa kumpanya at pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay nila Vin. "Hi po, Tita," nakangiting bati ko. Naabutan ko kasi s'ya sa living room nila. "Aww, hija, you're here! I'm so glad na nagpunta ka dito!" Niyakap ko siya at tinapik-tapik naman niya ang balikat ko. "Sige po, puntahan ko lang si Vin sa taas," nakangiti kong sabi. Tumango s'ya at ngumiti kaya umakyat na 'ko. I knocked three times and opened the door. Hindi n'ya namalayan ang pagpasok ko dahil mukhang nagpapahinga na s'ya. Nakahiga s'ya sa kama habang nakatalikod sa direksyon ko. Dahan-dahan akong lumapit at tumabi sa kanya sa kama. Nikayap ko s'ya at napatingin naman s'ya sa akin. "Baby..." Tumayo s'ya at niyakap ako kaya gan'on din ang ginawa ko. "Namiss kita!" Humiwalay s'ya sa akin at bigla akong hinalikan sa pisngi. "I missed you." Nagulat ako nang isiksik n'ya ang ulo n'ya sa leeg ko. "What the hell are you doing?" gulat na tanong ko. "Namiss kita, e." "Stop acting like a kid, Vin. I missed you, too," nakangiting sabi ko. Nilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin and gave me a quick kiss. "Sleep here, please?" "Hindi kasi ako nagpaalam kay Mommy." Ngumuso s'ya kaya pinisil ko ang mukha n'ya dahil sa ka-cute-an n'ya. "I'll tell your parents that you'll sleep here." Ngumiti s'ya. "Ikaw bahala." "Okay, baby." He smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD