Chapter 30:Ayaw Ko "Gusto kitang makausap, please. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako. Please, Cat? Baby?" "Ewan ko..." "Cat, makisama ka naman, please..." Bumuntong hininga ako. "Bahala na." "Halika na." Kinuha n'ya ang kamay ko at pinagsiklop sa kamay n'ya. Hinayaan ko lang s'ya sa ginagawa n'ya. To be honest, namiss ko ang lahat nang 'to. 'Yong pagtawag niya ng 'baby', 'yong mga hawak niya sa akin. Nakakamiss lahat. Binuksan n'ya 'yong front seat at umupo naman ako. Umikot s'ya at pumasok sa kabila. Nanahimik ako habang nagbiya-biyahe. Ewan ko, wala akong balak magsalita. "Cat..." Tinignan ko lang s'ya. "Sorry." Tumango lang ako at mulung tinuon ang pansin sa harap. "Cat, naman. P'ano tayo mag-uusap kung ayaw mong sumagot at makisama?" Napatingin ulit ako sa kanya. "Ayaw ko,

