Chapter 57:Welcome, Summer! "Oo na, teka lang naman kasi!" "Bilisan mo na dyan, maiiwan ka bahala ka!" "Bwiset naman, o!" Dali dali kong ini-zipper 'yong maleta ko at tumayo na. Pinagpagan ko ang suot kong short jeans at inayos ang suot ko. "Ito na, palabas na, 'di ba!?" mataray na tanong ko kay Anne. Kinuha n'ya mula sakin ang maleta na hawak ko at s'ya ang kumaladkad n'on pababa. "Sure ka bang hindi ka sasama?" tanong ko kay Mira. E, kasi inaya ko s'yang sumama samin sa Pangasinan. "Hindi na po, Ma'am, may thesis pa po kasi akong ipapasa. Thank you na lang po." Ngumiti s'ya at gan'on din ako. "Ang bait mo talaga. Sige, kayo na bahala dito, ha? Ingat." Niyakap ko s'ya at lumabas na. "Nasaan si Vin?" tanong ko. "Nand'on na sa kotse. Dederetso tayo sa inyo kasi sabi

