Chapter 9:SKL Nang makaakyat kami sa kwarto na sinasabi n'ya ay namangha na naman ako dahil sa laki at ganda nito. Ang ganda n'ong pagkakagawa. I wonder kung sino kaya ang Engineer at Architect nito? "Sino 'yong Architect at Engineer nito?" Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. "Carlos Corpuz." Sa pagkakataong ito, noo ko naman ang kumunot. Familiar kasi 'yong pangalan. Parang nakilala ko na somewhere? Ewan. Basta. "It-tour na lang kita tomorrow, baby. Matulog na lang muna tayo. This will be our room." Hinila n'ya ako sa kama. "You know what? Nagtataka talaga ako, e, kanina ko pa to iniisip. Bakit nagmamadali ka?" natatawang tanong ko. "Do you really want to know?" Tumango ako. Lumapit sya sakin. "'Cause gusto na kitang makasama sa iisang bahay. Gusto kong dito sa bahay na 't

