Chapter 55:Thirty Minutes Maaga akong nagising dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Umupo ako sa kama at pinagmasdan si Vin na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pa'no ko sasabihin sa kanya na nagugutom ako? Tumayo ako at dumeretso ng bathroom. Naghilamos ako at nag-toothbrush tsaka bumaba sa baba. Medyo madilim na sa baba kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Kinapa ko ang switch at binuksan ito nang makapa ko na ito. Bumungad sa akin 'yong natirang pagkain at pati na rin 'yong cake nang buksan ko ang ref. May pitchers at kung ano-ano pang nakalagay. Napanguso ako dahil 'di ko nakita d'on 'yong gusto ko. Naglakad ako papuntang living room at tinignan ang oras sa wallclock. Two AM pa lang. Nasa office pa kaya si Shaun? Sa pagkakaalam ko kasi nasa office pa s'ya nang gan

