Chapter 22:Off "What the heck?" hindi makapaniwalang bulong ko. Halos lahat sila ay nagulat, syempre lalo na 'ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat lalo na kung makita mo 'yong pinsan mo na niyakap 'yong boyfriend mo at tinawag pang 'baby'. Ano 'to? Ahasan? "Ms. Chen," usal ni Vin. Ah, landian. Landian ba gusto niyo? "Hey, saan ka ba nakatingin? Look at me, baby!" Hinawakan ni Kariel 'yong mukha ni Vin at pilit na hinaharap sa mukha n'ya. Bago pa ako makakita ng hindi maganda ay tumalikod na 'ko at tumakbo. Saktong nakita ko rin si Anne kaya naman hinila ko na s'ya. "Oy, oy, oy! Saan tayo pupunta?" tanong n'ya habang patuloy ko s'yang hinihila. "Wala tayong pupuntahan dito. Tara na," walang emosyong sagot ko. "Huh? Anong wala? Nan-" Binitawan ko ang kamay n'ya. "Wala nga, 'd

