VI.
“SAAN AKO MATUTULOG?” nagtatakang tanong ni Kirsten.
Napatanong si Kirsten sa asawa nang inabutan siya nito ng unan at kumot. Habang hinihintay niya ang sagot nito ay iginiya niya ang tingin sa paligid. Nang makita niyang nakatingin si Amara sa kanila habang gumagalaw ang maliit nitong buntot, tinawag niya ito nang may pagmamahal.
“Baby! Come to mommy,” sabi ni Kirsten sa malambing na boses.
Tumalon na si Amara mula sa higaan nito at tumakbo papunta sa kaniya. Hindi pa man ito dumating, umupo na siya sa sahig para salubungin ito.
“Sa sahig. Diyan ka matulog,” sagot ni Ice sa tanong ni Kirsten kanina.
Sinamaan ito ng tingin ni Kirsten. “Talaga, Ice? Baka gusto mong sabihin ko ang lahat sa kanila? Kanina ka pa, ha? ’Wag mo akong niyayabangan diyan.”
“Ikaw naman! ’Di na mabiro. Of course, tabi tayo o kung ’di kaya...”
“Sa sofa ka!” gigil na sabi ni Kirsten.
Dumating na si Amara sa harapan ni Kirsten. Agad naman niyakap ni Kirsten ang alaga. Hinalikan niya rin ito sa noo. Pagkatapos, tumayo siya habang karga ang aso. Kahit mabigat ito, nakayanan pa rin naman niya.
“Akin na ang baby ko,” sabi ni Ice. Kinuha nito si Amara kay Kirsten. “Hey! I can’t sleep sa sofa. May trabaho ako sa company araw-araw. I can’t go to work everyday na may stiffneck. Kahit kadiri ka, kaya kong tabihan ka na lang. Kung nag-aaalala kang gagalawin kita? Nope. Hindi ka masarap. Panget ka.”
“Hindi ka ba pwedeng magsalita na hindi nanlalait? Kailangan ba talagang may sobra?” inis na sabi ni Kirsten.
“Bakit ka nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko.”
“Maganda ako. Period,” giit ni Kirsten.
Tumalikod na si Kirsten at humakbang paalis. Gusto na niya muna magpalit ng damit. Hindi lang siya sanay sa suot niyang dress. Kahit manipis ito, gusto pa rin niya ng pambahay kung saan siya mas kumportable.
“S-Saan ka?” tanong ni Ice.
“Nag-practice lang kung paano lumayas kapag maghihiwalay na tayo.”
“Ah.” Kumuha ng unan si Ice at tinapon iyon kay Kirsten. “Sumagot ka nang maayos. Tinatanong kita nang seryoso.”
Nilingon ito ni Kirsten. “Aw.”
Natapos niyang sabihin iyon ay muli na siyang nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating niya sa kuwarto niya, agad siyang nagpalit ng damit. Loose shirt at isang short lang ang suot niya. Magmukha man siyang manang sa suot niya ay wala siyang pakialam. Para sa kaniya, hindi kailangan paghandaan ang makakatabi niya kaya hindi na kailangan ang tinawatag na ‘effort’.
Natapos niyang magbihis ay humiga na muna siya sa sariling kama. Bumuntonghininga siya habang nakatanaw sa kisame. Gumuhit pa siya sa hangin ng isang puso. Habang nakatanaw sa kisame, hindi niya mapigilang humikab. Inaantok tuloy siya. Ilang minuto ang lumipas, hindi niya namalayan na nakatulog na siya.
Umaga na, nagising si Kirsten nang may mabigat sa katawan niya. Hindi niya na muna iyon pinansin at muling sinubukan pa rin na matulog. Nang maramdaman niyang gumalaw ito sa bandang tiyan niya, agad niyang iminulat ang mga mata niya. Doon, nakita niya si Amara at nakayap sa tiyan niya.
“B-Bakit ako nandi—aray!” napahawak si Kirsten sa likuran niya. Sumakit iyon.
Nang iginiya ni Kirsten ang paligid, nanlaki ang mga mata niya na nasa sahig siya nakatulog. Hinding-hindi siya magkakamali na kuwarto iyon ni Ice. Umusok ang ilong niya sa galit. Ang naalala niya, humihiga siya sa kama niya kagabi. Napaisip siya na malamang kinuha siya nito sa kuwarto niya. Ang ikinagalit niya, kung bakit siya sa sahig pinahiga. Pwede naman sanang sa sofa.
Bumangon na siya habang nakahawak pa rin sa likuran niya. Pagkatapos, lumipat siya ng puwesto. Gusto pa niyang matulog. Napagod siya kahapon sa kasal nila.
Humiga na siya sa kama ni Ice. Para gumaan ang pakiramdam niya, dahan-dahan niyang itinulak ito sa dulo ng kama. Kung gumalaw man ito at mahulog, ito na ang may kasalanan at hindi talaga buong siya. Bale para sa kaniya, hati sila sa kasalanan at hindi niya iyon buo. Lumapad na ang labi ni Kirsten, nakikita na niya ang mangyayari. Sa gigil niya, nilakasan na niya ang pagtulak. Mabuti na lang ay hindi ito tuluyan na nahulog.
Nang kuntento na si Kirsten sa posisyon nito, tumalikod na siya at sinubukang matulog muli. Kinuha pa niya ang sobrang unan ni Ice at niyakap. Hindi nagtagal, nakatulog na nga siya ng tuluyan.
Muling nagising si Kirsten nang may narinig na malakas na sigaw. Hindi naman niya mapigilang mapangiti. Alam niyang si Ice iyon at nahulog sa sahig. Hindi naman maitago ang saya sa mukha niya. Kahit paano ay nakabawi na siya sa ginawa nito sa kaniya.
“A-Aray!” reklamo ni Ice.
Nagkunwaring tulog si Kirsten. Pinakikinggan lang niya ang hinaing ng ginoo. Gusto niyang humalakhak pero hindi niya magawa. Nagpipigil lang siya.
“Ah! Ikaw pala, ha!” inis na sabi ni Ice sabay sipa sana kay Kirsten. Hindi na lang nito itinuloy.
May pagtataka sa isipan ni Kirsten nang tumahimik ang ginoo. Umaasa na sana siyang may gagawin ito kaya ihinanda na niya ang sarili. Nass isipan na rin niya na baka sipain siya nito.
“Ang langet ng binti mo. Mukhang magaspang!” sabi ni Ice sabay hagis ng kumot nito sa binti ni Kirsten.
“A-Ano!?” sigaw ni Kirsten. Bumangon na siya.
“Yuck! Nagtulug-tulugan. Siguro naghihintay ka na galawin ko?” pagmamayabang ni Ice.
“Ang kapal ng mukha mo.”
Nang naalala ni Kirsten ang ginawa nito sa kaniya ay tinapunan niya ito ng unan. Hindi lang isa kung hindi dalawa. Naiinis lang siya sa kabastusan nito na sa sahig siya nito pinatulog.
“Hindi mo na lang sana ako kinuha sa kwarto kung sa sahig mo lang ako papatulugin. Napaka mo talagang hayop ka!” inis na sabi ni Ice.
“Sorry na. Lalaki ako, gwapo. Natatakot din ako na pagsamantalahan mo.”
“’Wag ka nga assumero riyan! As if naman katakam-takam ka! Kahit katulong ninyo lang ako rito, maganda ako and I deserve better.”
“Pinagsasabi mo? Sa tingin mo lang iyon. . . not in my eyes.”
“Malulungkot na sana ako, pero naalala ko pala na kung kanino-nino ka lang nakipagtalik sa club na pinupuntahan mo. Low standard,” irap na sabi ni Kirsten.
Napakakunot ang noo ni Ice. “Anong sabi mo? Just you know, this hottie in front of you is certified virgin.”
“Are you talking about myth?” Tumayo si Kirsten at nagtali ng buhok.
“Woah! So you did not believe in me. Ang stupid mong panget.”
“Aw.”
“’Wag mo nga akong ma-aw aw! Hahampasin kita riyan.”
“Ah, aw?”
Nagsimula ng humakbang si Kirsten para umalis. Nang dumaan siya sa gilid ni Ice ay hinawakan nito ang braso niya.
“Kapag lumabas ka rito sa kuwarto. Umarte kang napiliyan, okay?” maawtoridad na sabi ni Ice.
Napataas ang kilay ni Kirsten. “For what?”
“Nakuha kita kagabi. That’s it.”
“At bakit ko gagawin iyon? Ano ka? Sinuswerte? So gusto mong magpilay-pilayan ako para sabihin nilang malaki talaga sa iyo? I will not give you the privilege you want. Napaka mo.”
“Hey! Baka magtaka sila.”
“Lahat ba ng first time kailangan mapilayan? Kilala ko ang itim ng kaluluwa mo. Ang gusto mo lang ay magmayabang. Baka gusto mong rarampa pa ako para sabihin na ang liit ng sa iyo? Maluwag sa akin kahit virgin pa ako?” Tumawa si Kirsten. Inaasar niya lang ito.
“Gusto mong ipakita ko sa iyo?”
“Not interested. Bye!”
Umalis na si Kirsten at rumampa patungo sa pinto. Napakamot naman sa ulo si Ice sa sobrang inis kaya sinundan nito iyon. Hinawakan nito ang balikat ng misis.
“Please. . . last na ’to,” hiling na sabi ni Ice.
“Hindi ka naman siguro magpapakamatay kung malaman nilang hindi mo napinsala ang hiyas ko? Ouch!” Muling humalakhak si Kirsten.
Tinulak ni Kirsten ang ginoo sa harapan niya. Pagkatapos, binuksan na niya ang pinto. Nang bumungad sa harapan niya si Doña Irwana, nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa bigla ang hiling ng asawa. Nagkunwari siyang na-out of balance sabay hawak sa p********e niya. Para mas mapaniwala si Doña Irwana sa acting niya, nagpatumba siya.
“Urghhh!” pag-inda ni Kirsten.
Agad tumakbo si Ice na ang laki ng ngiti. Masaya lang ito sa ginawa ng asawa. Tinulungan nito si Kirsten na tumayo.
“Good morming, Mamita,” bati ni Kirsten.
“How’s my apo? Mukhang napasobra ang baby Ice ko,” nakangiting sabi ni Doña Irwana.
“Mamita, sakto lang po. Hindi ko masyadong ginalingan. Umiiyak kasi si Kirsten.”
“Kaya nga po, Mamita. Siguro, sa susunod na buwan ay baka meron ng laman itong tiyan ko,” sabi ni Kirsten. Gusto niyang sumuka sa sinabi.
Napangiti si Doña Irwana. “I’m so excited, hijah. Ice, magpadala ka ng wheelchair dito para hindi na mahirapan si Kirsten.”
“Iyon din naiisip ko, Mamita. Mukhang kailangan talaga ng misis ko.”
“Salamat sa concerned, Mamita,” sabi ni Kirsten.
Pilit na ngumiti si Kirsten. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagpapanggap. Pero ang totoo, nanggigigil na siya sa yabang ng asawa. Ngunit hindi niya mabubuhos ang lahat ng galit dito sapagkat para sa kaniya, may kasalanan din siya. Biglang pumayag siya sa gusto nito na maibida na naman nito ang sarili.
~~~