XXII. “HEY, LORRAINE! MAY tumatawag sa iyo!” sabi ni Ice. Nasa labas ito ng banyo kung saan nasa loob si Kirsten. “Really? Sige, puntuhan ko muna,” sagot ni Lorraine sabay alis. Hinampas ni Ice ang banyo nang isang beses. “Pwede na kayong lumabas! Mga bwesit!” Napabuntonghininga si Kirsten. Mabuti na lang ay nakahingi siya ng tulong sa asawa. Iyon nga lang ang kapalit ay ilang beses siyang minura nito. Wala lang iyon sa kaniya. Ang mahalaga para sa kaniya, makakalabas na sila sa loob ng banyo. Binuksan na niya ang pinto at sinilip kung may tao sa labas. Nang nakumpirma niyang wala ng tao, pinalabas na niya si Vico at pinalipat sa ibang banyo. Sumunod na rin siyang lumabas at dumiretso na sa mesa nila kung sila kumakain. “Ikaw na, Lorraine,” sabi ni Kirsten. Nakahinga na siya nang mal

