XIV. NATAPOS MAKAPAGBIHIS NI Ice sa loob ng banyo ay agad na siyang lumabas. Pinuntahan naman niya si Kirsten sa balcony na kasama ang ang alaga niyang si Amara. Umupo siya sa tabi ni Kirsten at tiningnan ang mukha nito.. Nag-aalala lang siya para rito. Kanina pa niya napansin na kinakaban ito. Hindi mapakali. “’Wag kang kabahan. Sooner, malalaman na natin kung sino talaga sa kanilang apat. . . pero ang una ko munang iimbistagahan ay si Tito Fred.” “Anong meron sa kaniya? Bakit mo nasabi iyan? Wala akong naramdaman sa kaniya. Iyong tinatawag nating lukso ng dugo?” sabi ni Kirsten. Bumuntonghininga ito. “Galit ka sa ama mo. Maaaring iyon ang naging dahilan.” “Ewan ko na lang. Malay natin wala talaga roon sa apat na iyon.” “Malakas ang kutob ko. Narinig mo iyong pananalita ni Dad? Nau

