Offend
Maingay na ang corridor habang lumalabas lahat ng estudyante para umuwi na. Kasama ko sa paglabas ang aking mga kaibigan. Nagbabalak kaming pumunta sa palengke para kumain sa isang bakeshop.
“Magpaalam ka muna kay Israel, Riss...” paalala sa akin ni Feli habang malapit na kami sa gate.
Nang marinig rin ng dalawa ang pangalan ni Kuya ay awtomatikong napunta sa akin ang kanilang mga mata. Kahit wala silang sabihin, base sa mga ningning ng kanilang mga mata, alam kong may gusto ang mga malalanding ito kay Kuya. Kahit nga si Feli... alam ko namang ginagawa niya lang akong alibi para puntahan sa bahay dahil ang totoo, si Kuya talaga ang kanyang sadya. Gusto siguro nitong matira.
I laughed at my own word inwardly. Pasimple kong hinaplos ang aking buhok at iginala ang tingin. May mga mata pa ng iilang estudyante ang nakasalubong ko kaya nginitian ko ang mga iyon at nahihiya rin namang nag-iwas ng tingin.
“Kuya will find me, Feli. Hayaan mo na,” sabi ko nang sulyapan ko siya sa aking tabi.
“Sino ba ulit ang girlfriend ng Kuya mo ngayon, Riss?” tanong ni Alma sa akin at nagawa pang isabit ang mahabang buhok sa gilid ng tenga.
“He doesn’t have one... Gusto mo ireto kita?” Ngumisi ako sa kanya ng pilya na ikinapula agad ng mukha nito.
Mabilis namang nasira ang ekspresyon ni Feli, hindi sang-ayon sa aking sinabi.
“Di ka non type, Alma. Sasaktan ka lang ni Israel maniwala ka sa akin. Madalas ako sa mansion ng mga Buenaventura at sinasabi ko sa’yo, hindi mo kaya ang ugali noon! ‘Di ba Rici.” Nilingon niya ako na ikinatango ko naman agad.
Ikaw rin naman hindi type. I know him better more than you. Gusto ko iyong sabihin pero isinarili ko nalang.
“Ano bang mga type niya sa babae, Rici?” si Rowena.
Umawang ang aking bibig pero naunahan na agad ako ni Feli sa pagsasalita.
“Iyong maganda, sexy, may malaking hinaharap, mayaman!”
In short, iyong mga wala sa’yo Feli.
“Anong klaseng sexy ba?” Tumawa na si Alma at bahagya pang sinipat ang kanyang payat na pangangatawan. Wala ka ngang pwet eh. At mukhang napunta pa sa mukha. Mukhang pwet.
Ngumiti na ako sa aking pinag-iisip.
“Iyong kagaya noong Senior High na si Farrah?” si Rowena, tinutukoy ang isa sa mga nakafling ni Kuya.
“Iba rin naman kasi ang hubog ng katawan ni Farrah. Ang liit ng beywang, ang liit ng mukha...”
Ang liit rin ng utak, palaging bagsak sa klase at mas nauuna pa ang pagpapaganda. I don’t really like that girl for my Kuya. Kaya noong nakafling niya iyan ay medyo nairita ako sa tuwing namamataan ko sila sa corridor.
May mga babae rin kasi naman talagang kahit wala pang ginagawa sa’yo, kinaiinisan mo na agad. Maybe the way she clings to my Kuya... at narinig ko pa ito minsan na isama raw siya sa ibang bansa tuwing summer pag nagbabakasyon rin kami! Kung isasama iyon ni Kuya, she better have her parachute with her dahil ihuhulog ko talaga siya sa eroplano. But I know Kuya is not serious with her. He’ll never be serious with his flings!
Sumakay kami sa nakapark na sundo kong SUV at nagpahatid muna sa palengke para kumain. Wala si Kuya at mukhang kung saan saan pa iyon pupunta kasama rin ang kanyang mga barkada.
“Pero maliban sa Kuya ni Rici, iyong Bram rin sa Senior High ay sobrang guwapo, ‘no!” Tumili pa si Rowena sa kanyang kinauupuan habang binabanggit ang pangalang may matapang na pabango.
Binalingan ko sila. Si Feli lang ang nakabusangot habang iyong dalawa ay malapad na ang mga ngisi at kulang nalang ay maghugis puso ang mga mata.
“Sayang nga at kapos sa buhay,” si Rowena naman.
May kaya ang pamilya nila Rowena. Ang kanyang mga magulang ay may business dito sa bayan. Sila iyong nagmamay-ari noong malaking bigasan habang si Alma naman ay may ikakabuga rin naman. Ang kanyang ina ay may boutique rito at nagtitinda ng mga damit habang ang kanyang ama naman ay isang Guro sa Elementary.
Kung hindi siguro namin naging driver ang Papa ni Feli, malabong maging close kami. I am quite picky. May mga mahihirap rin kasi na pagsasamantalahan ang estado mo sa buhay. I don’t really mind kung always siyang nagpapalibre basta h’wag niya lang akong nakawan. Doon ako mas naiinis, sa mga taong mang-aagaw.
Huminto rin naman ang sasakyan sa tapat ng isang bakery. Namataan ko ang grupo ng mga estudyante sa loob at napapalingon na sa amin habang bumababa. Bahagya akong ngumiti at iginala ang tingin hanggang sa may pamilyar na mga mata akong nakita roon, ang singkit niyang mga mata ay galit agad at iritado. Nabura ang aking ngiti at nag-iwas ng tingin. I don’t know but I really find those gaze offensive. May nagawa ba akong mali? O di niya lang talaga ako gusto?
“Pa... pahingi akong 500,” narinig ko si Feli sa loob ng sasakyan noong tuluyan nang makababa sina Alma at Rowena. Nasa may pinto palang ako at hindi pa iyon tuluyang sinasarado habang ang dalawa naman ay nagbubungisngisan na sa aking harapan dahil nakita narin nila sa loob ang kanilang topic lamang kanina.
“Ha? 500? Bakit ang laki naman, Feli? Aanhin mo ang ganyan kalaking pera?”
“Pa hindi iyan malaki. Kakain kami...” si Feli at inilalahad na ang palad sa kanyang ama.
Kumunot ang noo ni Mang Ignacio. Mas iwinagayway pa ni Feli ang kanyang palad para lang bigyan agad siya nito.
“Uh, Feli... ililibre naman kita. It’s okay kung wala kang pera,” singit ko na na kapwa ikinalingon ng mag-ama sa akin.
“Nako, Ma’am Rici h’wag na... bibigyan ko nalang si Feli ng 100,” si Mang Ignacio na naglalabas na ngayon ng pitaka.
“500, Papa!” giit ni Feli at nayayamot na.
“Okay lang po, Mang Ignacio. Feli tara...” Hinila ko ang kanyang kamay palabas na ikinagulat ng kanyang ama, nahihiya maliban sa anak niyang walanghiya.
“Ang damot mo talaga, Papa! 500 lang hinihingi ko di pa maibigay!” Umirap si Feli at bumaba narin doon.
Nagkamot ng batok ang kanyang ama na nginitian ko nalang.
“Sunduin niyo nalang po ako ulit dito after 1 hour po,” sabi ko na ikinatango tango rin naman nito.
Hinila ko lalo si Feli paalis doon at sinundan na ang dalawa na kanina pa pumasok sa loob. Nagkakasalubong ang kanyang kilay at iritang irita dahil hindi ito binigyan ng pera ng kanyang ama.
“Nagtatrabaho naman sana siya at malaki pa ang sinasahod ni Tito Facundo sa kanya pero kahit 500 lang ipagdadamot pa! Kuripot!”
“Baka naman may pinag-iipunan lang siya, Feli... at isa pa, tatlo rin kayong magkakapatid. Hindi lang ikaw ang kailangan niyang ipriority.”
“Kahit na! 500 lang naman ‘yon! Sasahod rin naman siya ulit ah?” Itinulak niya ang pinto at tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Nilingon ko saglit ang dalawa na nasa tabi na ng mesa noong mga estudyanteng kinabibilangan ni Bram. Nahapit pa ng aking mga mata ang imahe ni Bram, nakasandal sa kanyang upuan, nakabukaka habang ang isang kamay ay nasa lamesa at tumatapik tapik ang mga daliri roon. Nag-iwas rin ako ng tingin nang hindi ko matagalan iyong malamig niyang tingin.
Binalingan ko muli si Feli na hindi parin humuhupa ang iritasyon.
“Ikaw nga binibigyan ni Tito Facundo ng 5k! Tapos ako 500 lang ang hinihingi ko ipinagdadamot pa!”
Gusto ko siyang supalpalin ng reyalidad na iba naman ang estado ko kaysa sa kanila. Dapat hindi niya ikinukumpara ang sarili niya sa akin dahil malayong malayo ang agwat naming dalawa. Can’t he understand his father? Kung ako kay Mang Ignacio bibigyan ko ito ng 500 tapos palalayasin ko sa bahay. Ipapatipid ko sa kanya iyong 500 para matuto siyang magtipid. Hindi dapat siya nagfefeeling na mayaman...
Dumeritso kami sa counter para makapag-order. Pinasadahan ko ng tingin ang mga cakes na naroon. Masarap rin kasi iyong inihahanda nilang frappe rito. May mga tinapay rin doon pero ang madalas ko talagang binibili rito ay iyong mga cake nila.
“Apat na order po nitong chocolate mousse and apat na frappucino po...” sabi ko sa babaeng nasa loob at itinuro iyong cake.
Tumango naman ito. Si Feli ay medyo nahimasmasan na ang ekspresyon dahil sa mga nabanggit kong pagkain.
“May gusto ka pa?” tanong ko sa kanyang gilid lalo na’t gumagala pa ang tingin niya sa loob.
“Ito rin oh!” Itinuro niya iyong leche flan kaya tumango ako at inilipat ang tingin sa babae.
“Iyang leche flan narin po. Apat...”
“’Tsaka ito, Rici! Itake-out mo nalang... Baka kasi magutom ako mamaya sa bahay eh,” natatawa niyang sabi at itinuro iyong isa pang cake.
Tumango ako at naglabas na ng isang libo sa hawak hawak kong pitaka. Binayaran ko muna iyon saka rin kami nagtungong dalawa sa aming mesa dahil ihahatid lang daw iyong order.
Napansin ko pa sa mesa nila Bram ang isang malaking softdrink at mga tinapay na limang piso lang ata ang presyo. May kasama silang dalawang babae at tatlong lalake silang lahat. I ordered too much... Pero normal lang sa akin ang ganoon since afford ko naman.
Nagtungo rin naman ako sa bakanteng silya. Sa likod pa noon ay ang kinauupuan ni Bram. Hindi palang ako nakakaupo ay naamoy ko na agad iyong matapang niyang pabango. Gusto kong ngumiwi pero pinatili ko nalang ang aking ekspresyon habang umuupo ako.
Nagtawanan iyong dalawa niyang kaibigan na lalake at sumipol pa talaga iyong isa. Si Bram lamang ang seryosong naroon base narin sa side profile niya.
Sumenyas pa si Rowena sa akin at itinuturo ang aking likod saka niya itatapat ang kanyang kamay sa kanyang baba, tinutukoy na guwapo ang nasa aking likuran. Hindi ko naman siya type, tsaka ang suplado at baka perahan lang ako niyan...
May topic sila tungkol doon sa exam na naperfect ni Bram. Natutuwa iyong mga lalake dahil nakapasa raw sila sa exam dahil sa kanya. I can't believe he's intelligent. Akala ko kasi iyong tipikal na suplado lang...
“Ako sa’yo magtutor ka nalang ng mga babaeng estudyante total guwapo ka naman Bram... para may pagkakitaan ka lang,” suhestyon noong kaibigan niya sa kanya.
“Oo nga Bram... pwede mong magamit iyang talino at hitsura mo para magkapera,” isa rin iyon sa mga kaibigan niya.
Hindi nagsalita ang lalake sa aking likuran. So he doesn't have a girlfriend? O baka naman katulad lang rin siya ni Kuya? Ayaw munang magseryoso pero maraming kafling.
Tiningnan ko pa iyong lalakeng may dalang malaking tray kung nasaan nakalagay ang mga order namin.
Inilapag iyon sa aming harapan kaya pinasalamatan ko pa iyong lalake na nahihiya ring ngumiti sa akin pabalik.
"Iba talaga pag ritskid!" Pagpaparinig noong isa sa mga lalakeng kasama ni Bram na nasundan agad ng halakhakan.
“Ang dami naman, Rici... teka magkano ba ito lahat? Mag-aambag ako,” reklamo ni Rowena at naglalabas na ng pera kaya umiling agad ako.
“It’s fine...” sagot ko at tiningnan si Feli na nauuna nang kumuha noong cake.
“Kaninang lunch nanlibre ka tapos ngayon ulit?” si Alma na kumukuha narin ng isa.
Kinuha ko ang aking frappe at sumipsip doon sa straw.
“Hindi pa kayo nasanay kay Rici... 5k araw araw ang binibigay sa kanya ni Tito Facundo,” pagmamayabang ni Feli.
“Hindi ‘no. Allowance ko na iyon sa isang linggo, Feli...” sabi ko pa sa kanya.
“Malaki parin ah! Eh minsan binibigyan ka pa ng extra ni Tito,” sabi niya at sumubo ng malaki noong cake.
Sumipsip ulit ako noong frappe. Si Alma at Rowena ay namamangha na pero nahahati rin ang atensyon sa pagkain.
“Ako nga kailangan kong ipagkasya ang isang libo sa isang linggo,” si Alma.
“Ang laki pala ng baon mo eh isang daan lang baon ko araw araw kaya nangungupit nalang ako minsan.” Humalakhak si Rowena sa kanyang sinabi na ikinatawa ko narin.
“Ako 500 talaga baon ko araw-araw kaso hindi ako masyadong gumagastos at iniiwan nalang sa bahay para maipon ko,” pagmamayabang pa ni Feli at sumipsip sa kanyang frappe pagkatapos.
Di ako naniniwala. Eh hirap ka ngang bigyan ng 500 kanina ni Mang Ignacio. At ang alam ko ay singkwenta lang ang baon niya.
“Dapat magpasalamat nalang kayo. May iba nga diyan naglalakad lang at hirap pang kumain,” sabi ko na ikinatawa agad ni Feli sa aking tabi.
Nagtataka ko siyang tiningnan lalo na’t hawak hawak niya na ang kanyang tiyan.
“Sinong iba, Rici? Iyong mga nasa parteng bundok ba? Nagpaparinig ka ba dahil binangga ka kanina at hindi man lang nagsorry?” Mas humagalpak ng tawa si Feli na kahit sina Alma at Rowena ay nagets agad kung sino ang tinutukoy nito.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkakagulat. Si Feli naman ay hindi ko maawat sa pagtawa at nararamdaman ko na ang pananahimik noong table sa aming likuran.
“Binangga ka, Rici?” si Alma naman.
“He’s not what I’m talking about since I don’t really know him ‘no.” Hinawi ko ang aking buhok at nakakaramdam na ng kaba dahil hindi parin matigil tigil si Feli sa pagtawa. He might get offended...
“Oo nga kaya tinanong mo pa sa akin kung anong pangalan. Noong sinabi kong tagabundok sabi mo agad sayang,” saka niya hinampas ang mesa at mas pumaibabaw ang kanyang tawa.
Namula na ang aking pisngi. That’s below the belt! B-Baka mamisinterpret noong lalakeng tinutukoy niya ang ibig kong sabihin sa sayang. Estado naman talaga ang tinutukoy ko but I just want to keep it to myself hindi iyong ipamukha pa sa tao.
“Ikaw ba ‘yang pinaparinggan, Bram?” tanong noong isa sa mga babae nilang kasama.
Namutla na ako. I am not really into troubles at ayaw ko talagang nakakaoffend. May parte sa akin ang gustong silipin ang kanyang ekspresyon pero may parte rin sa akin ang ipanatili nalang ang tingin sa harap. I don’t want to see his rage...
“Ganoon talaga ang mayayaman, matapobre,” matabang na sabi ng lalakeng nasa aking likuran, halata ang pagkakadismaya sa boses.
Tumahimik ako at nakaramdam ng konsensya. Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang aking frappe. Si Feli naman ay makahulugan pa ang ngisi sa akin na akala niya ay natutuwa ako sa kanyang ginagawa. Did she purposely do that to humiliate him dahil lang nabangga ako nito?
Narinig ko ang paggalaw ng silya sa aking likod at ang anino nito sa aking tabi na tumayo na. Tumingala ako at nakita si Bram, isinasabit na sa kanyang isang balikat ang braso ng kanyang bag.
“Mauuna na ako,” sabi niya sa kanyang mga kaibigan.
“Huh? Sabay na tayo, Bram,” iyong isa sa mga babaeng kasama nila.
“Maglalakad lang ako pauwi,” saka pasimpleng nalaglag ang kanyang mga mata sa akin. “Di ako ganoon kaswerte katulad ng iba diyan na de kotse pa,” saka niya ibinulsa ang mga kamay at nag-iwas ng tingin sa akin, bumabakas sa mukha ang galit.
Ilang sigundong katahimikan ang dumaan dahil sa kanyang sinabi. Nararamdaman ko rin sa aking likod ang matatalim na tingin ng kasama nilang mga babae sa aming mesa. Sinikap ko nalang umaktong hindi ako guilty kahit sa kalooblooban ko ay niyayakap na ako ng konsensya ko.
How can Feli say something like that?
Kaya noong umalis narin ang kanyang mga kaibigan at nagsiilingan pa noong magawi ang tingin sa amin ay pumalakpak agad si Feli.
“Ayan Rici ha, naiganti na kita sa supladong iyon! Alam naman naming mabait ka at pumapayag lang na bastusin ng kung sino sino!”
But that’s offending to me. Paano kung hindi niya rin pala sinasadya iyong pagkabangga niya sa akin lalo na’t maliit lang iyong pinto ng canteen?
“Ikaw talaga, Feli!” Tumatawang nakipag-appear si Alma sa kanya.
Napadpad ang aking mga mata sa labas, nagbabakasakaling makita siya roon kahit alam kong kanina pa iyon nakaalis. At ano raw? Naglalakad lang siya? Ganoon ba talaga sila kakapos na kahit tricycle lang ay di niya afford?
“Kaya siguro di rin iyon naggigirlfriend dahil alam niyang wala siyang panggastos pag nagdate sila!” si Alma.
“Sinabi mo pa. Pag nagkagirlfriend iyon siguradong ginagamit niya lang ang babae para perahan,” si Feli naman.
“Hindi naman siguro. Mukhang mabait naman tingnan si Bram kahit suplado. May pagka singkit kasi siya kaya ganoon tingnan,” pagtatanggol ni Rowena at bakas sa mukha ang lungkot.
I remained silent, guilty and offended. I know it wasn’t my fault pero dahil ginamit rin ni Feli ang aking pangalan kaya ako ngayon ang kinaiinisan ni Bram. Hindi ko nga iyon masyadong kilala dahil alam kong nasa kabilang building ang Senior High. Maybe Kuya knows him...
Kung magsosorry ako, papatunayan ko lang sa kanya na totoo iyong sinasabi ko. And he looks mad at me... Bahala na nga. We’re not that close anyway...