Naramdaman ko may labing humalik sa pisngi ko at maya maya tunog ng pinto
"Hay!sarap matolog"sabi ko na humihikab at nakataas ang dalawang kamay para uminat...
"Hala ka kaninong kwarto ka natolog anne"sita niya sarili at tumingin siya sa gilid nakita niya ang malaking picture frame kasing laki din ng ngiti ng taong kinuhaan ng larawan..
"Ano ba yan!bakit nasa kwarto ka ni ronald'sabi niya ulit at tarantang bumababa sa higaan .
Hindi naman siya kinakabahan kung anong nangyari kagabi dahil ganun parin ang suot niya kahapon.
Hindi na niya inabala ang sarili hanapin si ronald kung saang sulok ng kwarto nito napunta.
Basta basta nalang siya lumabas ng kwarto nito at dumiretso sa katabing kwarto ng ate lyn niya.
Medyo madilim pa sa labas kaya nakita niya si ate lyn niya na tolog pa....
Medyo nakahinga siya ng maluwag kasi di ito mapapansin na hindi siya dito natulog kagabi....
Humiga ulit siya sa nilatag ng ate niya na hinihigaan niya lagi ..
"Sino kaya yon humalik sakin kagabi sa bakanting kwarto?"isipisip niya isa lang naman ang sigarado niya yong humalik kanina bago siya na gising si ronald...
"pano kaya kung siya din yong kagabi?"tanong ulit niya sa sarili
"Hays!naman ehh gulo gulo mo ronald "mahinang bigkas niya
"Oh anne nandyan ka na pala saan ka naman natulog kagabi"sabi ni ate lyn
"Patay"
"Anong patay?"tanong nito at umupo sa lamesa para magtimpla ng kape malapit lang lamesa nito kung saan ako nakahiga kaya siguro narinig nito ang sinabi ko
"Ano ate yong lamok 'napatay ko dumapo kasi sa braso ko"dahilan ko
"Kanino nga?"
"Sa baba ako nakatolog te kay carla
Nahirapan na kasi ako umakyat kagabi nahihilo na kasi ako"dahilan ko ulit sana nga di niya tanungin si carla .
"Wag ka kasi uminom ng marami para hindi ka nalalasing"
"Opo te sa susunod"kung di lang kasi siya nag iisip kagabi kung sino ba nanghalik sa kanya di naman siya mapapalakas ang inom.
pagnalaman ko talaga kung sino ka humanda ka sakin
"Buti hindi masakit ulo mo?"
Tanghali na ako nagising'
Pagkatapos ko kumain at naligo
Lumabas ako ng kwarto para kausapin si carla baka mamaya tanungin ni ate lyn ito mahirap na..
Di niya alam kung saan siya na tatakot kung malaman ni ate lyn na kay ronald siya nakitulog ..baka isipin kasi nito anong klaseng babae siya na don siya natolog
Hindi pa siya nakababa ng tuluyan ng makasalubong niya sa daan si ronald nakita niya sa baba na nag uusap si ate lyn niya at si carla
"Naku naku pano na to"sabi niya sa sarili at tiningnan ulit si ronald sa mata na titig na titig ito sa mga mata niya..
Pagtapat nito sa gilid niya bumulong ito sa kanya..
"Kay carla daw'pero ang sarap ng yakap sakin may pa hilik hilik pa"seryosong sabi nito sakin at nilagpasan ako.
"Hindi nga?"nasabi nalang niya kasi pumasok na ito sa loob ng kwarto nito
"Oi anne,yong phone mo na sakin pala ..naiwan mo kasi kanina pagkalabas mo ng kwarto ko"sigaw ni carla sakin na hanggang ngayon nasa hagdanan parin parin ako
Pagkababa ko binigay mona ni ate anak niya sakin
"Punta lang ako saglit kila ate tess,anne kunin ko lang pera na pinadala ni kuya mo sa asawa nito"paalam ni ate..
Tinutukoy nitong tess ang bestfriend nito ..si bayaw naman nasa cebu nagwowork at katrabaho nito asawa ni ate tess
"Sige po te"
"Oi anne ha'halika muna sa loob dami natin pag uusapan kaloka kang babae ka dami ko toloy gustong tanong sayo"sabi ni carla sakin pagka alis ni ate ..
Kay carla ako mas malapit kaysa kay leslie ...lagi kasi ito wala
pagkapasok namin
Hiniga ko mona pamangkin ko sa kama nito at humiga rin ako sa tabi nito bali nasa gitna namin si (aljhan)pamangkin
"Ano na,dali kwento na"kinikilig na sabi nito
"Mukhang tanga lang eh,bakit ka kinikilig dyan?"tanong ko dito
"Ay,ay,ay,ako pa ba kinikilig oh kaw ...dali na sino ba yong kahalikan mo.kagabi..nagulat ako don ahh"sabi nito eh ako yata mas nagulat sa sinabi niya eh wala naman ako.pinagsabihan non..
"Teka pano mo.nalaman?"tanong ko dito
"Hina u pak na man ohhh.storbo! mhay nhan nanakaw nga ng halik shakin may storbo pa"sabi nito ns sinabi ko daw kagabi sa kanya
Napahawak ako bigla sa bibig ko sa gulat
Mas nakakagulat naman kasi itong mga sinasabi niya daw
"Di nga seryoso sinabi ko yan?"
"Ay ayaw pa maniwala to'"sabi nito sabay turo sakin
"Kaya nga dali na nga 'kwento mo na"pilit pa nito na parang baliw lng lakas ng tawa
Wala ako nilihim sa kanya lahat kweninto ko, kung anong nangyari sakin at yong misteryosong lalaki na mangahas na humalik sakin kagabi at sinabi ko rin sa kanya kung pano ako nakapasok sa kwarto ni ronald at yong halik niya sa pisngi ko..
At yong sinasabi ni ronald kanina sa hagdan
"Ay grabi nayan inday!jusmeee!!!nakakaluka ka",tili nito na may talon pa...