CHAPTER 10- THE JUDGEMENT

2939 Words
CHAPTER 10- THE JUDGEMENT Nabulabog ang aking pagtulog ng isang kakaibang ingay mula sa labas ng bahay. Napasilip ako sa bintana at nakita ko ang mga armadong kawal sa labas at may mga nakaparada na malalaking sasakyan. Puno sila ng mga armas na gawa sa pilak. Nakakasilaw ang kinang nito sa tuwing natatamaan ito ng sikat ng araw. Nang makita ko na ang pakay nila sa pagpunta rito ay ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Alam ko na kung bakit sila naparito. “Anak!” Dinig ko ang tawag ni Mama sa akin mula sa labas. Pagkalingon ko ay nakita kong takot na nakatayo si Mama sa pintuan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agarang lumabas ako ng kwarto. Nakasunod lang si Mama sa aking likuran na puno ng pagtataka. Ang alam niya ay hindi pa ito ang araw para sunduin ako para sa nalalapit na laro. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong sinalubong ng magandang ngiti ang mga bisita. Hindi ko pinapakita ang takot at pagkailang sa kanilang presensiya. “Ano pong sadya niyo at naparito kayo?" tanong ko. "Ang akala ko po ba sa susunod na araw pa ako susunduin ninyo?” Alam ko naman na puno't dulo ng pagpunta nila rito ay tungkol sa nangyari kay Heda. Ngunit hindi dapat makatunog si Mama kung ano nga ba ang pakay nila sa aming bahay. Tinignan ko sa mata ang isang kawal at kinakausap ito. Mabuti na lamang at naintindihan naman nito ang ibig kong iparating. “Pinapatawag ka ni Maestro para sa mahalagang anunsiyo, Retoda,” saad nito. “A-anak,” natatarantang tugon ni Mama. "Bakit? Akala ko ba sa susunod na linggo ka pa susunduin?" “Ma, 'wag po kayong mag-alala. May ibabalita lang siguro ang Mestro,” nakangiting saad ko sa kaniya. “Babalik ka naman agad anak, di'ba?” Nakikita ko ang biglang pamumuo ng mga luha niya. Hindi ko naman talaga alam kung makababalik pa ako dahil ang alam ko ay isang malaking kaparusahan ang naghihintay sa akin. Nauna na nga siguro si Giero sa Zone Hall bago nila ako masundo rito. Hindi ko tiyak ang isasagot ko kay Mama ngunit gusto kong huwag siyang mag-alala sa akin. “O-opo, Ma,” nauutal na sagot ko. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil maaaring iyon na ang huling araw na makikita ko siya. Wala na akong kasiguraduhan simula nang nangyari ng gabing iyon. Sumama ako sa mga kawal ng tahimik. Bago pa man ako pumasok sa loob ng sasakyan ay nilingon ko si Mama. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya ngunit pinipilit niyang ngumiti. "Sorry, Ma," saad ko bago masara ang pinto ng sasakyan. Namangha ako sa kabuuan ng loob ng sasakyan. Pambihira ang sasakyan kung saan ako nakasakay. Hindi ito ordinaryo para sa tulad naming salat sa yaman. Tila isang bahay ito na may kumpleto at mamahaling kagamitan. May banyo at silid-pahingahan din ito. Aabot ng tatlumpung minuto ang aming byahe patungong Zone hall. Sa aking pagkabagot, nagpahinga ako sa magarang silid ng sasakyan. Bago pa man ako tuluyang makaidlip ay naagaw ng aking pansin ang nakapaskil na mga larawan sa silid. Doon ko napagtanto na iyon ang mga taong nakaluklok sa Rank ng buong city. Ang mga hinirang na malalakas sa lahat. ********* Nagising ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan. Mabilis akong bumangon at binuksan ang maliit na bintana ng silid. Tumambad sa akin ang tila palasyong Zone Hall. Sa mga retrato ko lang ito noon nakikita ngunit ngayon ay abot-tanaw ko na. Bago pa man kami makapasok sa Zone Hall ay nadaanan namin ang isang hardin na puno ng mga bulaklak. Nagsisiliparan din ang mga paruparo na masayang naghahabulan. Namamgha ako sa kabuuan ng Zone Hall. Ang mga nagkasala o mahahalagang tao lamang ang madalas makapunta rito. Sa kasamaang palad, nasaksihan ng aking mga mata ang Zone Hall dahil sa aking nagawang pagkakamali. Ito ang Zone Hall na magsasabi kung dapat pa akong mabuhay o hindi. Pagpasok namin sa Zone Hall ay namangha ako dahil daig pa nito ang magagarang mansiyon ng mga elites ng aming zone sa laki at lawak nito. Nakalalaglag panga ang sahig na tila ika’y na sa isang palasyo. Kumikinang ito sa sobrang kalinisan na biglang nagpalubog sa aking pagkatao. Nanliit ako sa aking sarili. Ang mga nakaukit na larawan sa pasilyo ay tila ika'y na sa isang paraiso dahil sa pagkakagawa nito. Nagniningning din ang mga alpombra na gawa sa ginto at kristal. May maliit na fountain din 'pag pasok mo sa loob ng Hall. Isang malapad na hagdan naman ang tumambad sa amin pagkabukas muli ng isang mataas na pinto. Umakyat kami sa hagdan na kumukuti-kutitap nang matamaan ito ng liwanag mula sa alpombra. Nabusog na ang aking mga mata kaya't hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aming pupuntuhan. Nasa tapat na rin kami ng isang mataas na pinto. Nakapaskil ang isang karatula sa itaas ng pinto na may nakasulat na ‘The Royal’s Judgment Room’. Binuksan ito ng isa sa mga kawal at agad akong inanyayahan pumasok. Nagulat ako sa mga nakaharap ko pagkapasok ng Judgement Room. Narito ang lahat ng royals na nakaupo at tila bagot na sa paghihintay. Ang kanilang mga titig ay parang nilalamon ang aking buong pagkatao. Base sa aking bilang ay dalawampu sila na narito sa loob ng Judgment room kasama ang mga Maestro sa iba’t-ibang zones. “Ganito ba talaga kung may nilabag ka sa batas ng zone? Makakaharap mo ang 12 royals at ang walong Maestro ng bawat zone?” napatanong ko sa aking isipan. “Yes, Ms. Retoda. Hindi basta-basta ang ginawa ninyo kaya pinatawag rin kami rito ng mga royals,” tugon ng isang lalaking itim ang buhok at may mapupungay na mga mata. Nasa edad kwarenta na ito kung pagmamasdan. Ngunit bakas sa kaniyang tikas ang ma-awtoridad nitong presensiya. “Nabasa niya ba ang aking isip?" tanong ko sa aking sarili. “Oo, Ms. Retoda. Malinaw kong naririnig kung ano ang mga pinagsasabi mo ng palihim," sabat niya. "Maupo ka na at magsisimula na ang paglilitis." Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil nababasa niya ang iniisip ko. Hindi ako pwedeng magkamali ng iisipin at wala akong lusot para magsinunggaling. Samantala naramdaman ko naman ang tingin ng ibang royals at mga Maestro sa akin. Bigla akong nailang sa mga pinupukol nilang tingin. Hindi ko na lang iyon pinansin at agad nagtungo sa pwesto ni Giero. Umupo ako sa isang bakanteng upuan katabi niya habang kaharap ang himpilan. “Kanina ka pa ba rito?” bulong ko sa kaniya. “Oo," tugon niya. "Bakit ka sumama? Napag-usapan na natin ito hindi ba?” tanong nito. “Pinilit nila---“ hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sumingit bigla sa usapan ang Maestro mula sa Zone 1. “Dapat kagabi pa lang pinag-usapan niyo na yan,” saad nito. Base sa basa ko sa name plate sa kaniyang kinauupan, he's Maestro Jan Mach from Zone 1. Hindi na ako nagtaka kung bakit kaya niyang mabasa ang isip namin ni Giero. “Are people on the catbird seats are allowed to use their potential?" I asked. “Yes, Ms. Retoda especially in your case. That's why you can't tell lies because we need facticity coming from both of you," tugon ng isa sa mga royals. "Do you have a problem with me, Ms. Retoda?" tanong ni Maestro Jan. “None, Maestro,” sagot ko. “Great. Shall we start?" tanong no Maestro Jan sa mga kasama. Tumayo ang isa sa mga royals mula sa kaniyang kinauupuan. Mula sa kaniyang presensiya siya siguro ang leader ng mga royals. Kinuha niya ang isang kwaderno sa kaniyang mesa at ibinuklat ito. "Based on our records, Mr. Macz and Ms Retoda killed Ms. Way yesterday. This happened around seven in the evening at the Kalesk Road of Zone 3. Now, you are all gathered here to give your verdict to these two young people who killed Ms. Way. But, before we proceed in giving your verdict, let's hear the side of the accused." "Anong nangyari kagabi?” uradang tanong ni Maestro Jan. “Hindi namin iyon sinasadya,” tugon ko. “See dearest royals and my maestros, nagsinunggaling kaagad ang isang 'Sabay nitong turo sa akin. “Hindi po ako nagsisinunggaling, Maestro Jan. Nagkaroon lang ng maliit ma alitan sa pagitan namin ni Heda. Siya ang unang gumamit ng kaniyang potential dahilan upang gamitin ko rin ang aking potential. Kailangan ko lang protektahan ang aking sarili.” "Why did you kill Ms. Way if you just want to protect yourself, Ms. Retoda?" tanong naman ng Maestro mula sa Zone 6. "It's not our intention to kill her, Maestro Luise." "If it's not your intention, hindi mamamatay ng ganoon lang si Ms. Way." "Lumabag siya sa batas kaya lang namin siya pinigilan. If we won't use our potential baka kaming dalawa ni Giero ang namatay, Maestro." "May batas tayo kaya alam niyo kung ano ang kaparusahan ng ginawa niyong aksyon." "Alam namin," sabat ni Giero. “Ganito ka ba magturo sa zone niyo, Maestro Khien?” Nakita ko naman ang pagbago ng reaksyon ni Meastro Khien nang sa kaniya pinagbuntong ang inasal ni Giero. "Nagtuturo kayo sa mga kagaya nito na maging asal patapon sa ibang isla?" “With all due respect, Jan. We disciplined our students well. We taught them the right conduct. May I ask you, are your accusation has still a connection to what we are talking about, Jan? It seems na mukhang galit ka sa mga batang ito o di kaya sa akin. We're not puting any personal issues here. We're talking about the death of our representative for the festival who accidentally died. So, clearly that we are not the dealing on. the way how I disciplined my students,” sabat ni Maestro Khien. “Kung gayon bakit tila hindi maganda ang tabas ng dila nitong mga estudyante niyo?” saad sa kaniya ni Maestro Jan. “Excuse me,” singit ni Giero. “Kung baka saan pa mapunta ang paglilitis na ito. I admit, it was my fault,” saad niya. “See, it is indeed your students' fault, Maestro Khien," pagdidiin ni Maestro Jan. Hindi na nakasali sa usapan ang ilan sa mga matataas na tao na nasa loob litisan. Mas pinanatili nilang makinig at manood nang nangyayari. "Kung may kailangan po rito parusahan, ako lang," walang pakundangang sambit ni Giero. “No, Giero.” awat ko. "Kaming dalawa ang may kasalanan." “Ipaliwanag ninyo ang nangyari kung bakit pinatay ang dapat na representative ng zone niyo?” tanong ng isa sa mga royals na maputi ang buhok at nasa 50's naman ang edad. “Mahabang salaysayin abang-lingkod pero kung inyo mamarapatin at pakikinggan ang aming parte ng kwento ay maaari na akong magsimula,” tugon ko. "Maaari ka nang magsimula," saad niya. Ikinuwento ko ang lahat nang nangyari ng gabing iyon. Nakita ko sa mga mata ng iilan na naniniwala sila sa pinagsasabi ko maliban kay Maestro Jan. Nararamdaman ko ang galit niya sa amin. Nang matapos ko ang aking pagkukuwento ay biglang nagsalita si Maestro Jan. “Kung gayon, dapat kayong patawan ng parusa,” tugon niya. “Without proper verdict? It's an unfair act to my students!” buwelo ni Maestro Khien. “Besides, self-protection lang ang nangyari base sa salaysay nila. Kaya kagalang-galang na royals at aking mga kasamahan. Maaari ba nating idaan sa botohan ang maaaring kahahantungan nila?” tanong niya sa mga kasamahan. “At ano naman ang iniisip mo, Maestro Khien?” tanong ng Maestro mula sa Zone 8. Hindi mahirap malaman kung saang zones sila nanggaling at sino sa kanila ang mga royals kahit ngayon ko lang sila nakita. May mga pangalan sila sa harapan ng kanilang mesa. Agad mo silang makikilala dahil sa desk name plate na iyon. “Kung ang boto ng karamihan ay kulay itim na bato ibig sabihin dapat silang bitayin bilang parusa, subalit 'pag mas marami ang bilang ng puting bato... silang dalawa ang aming magiging representate sa darating na festival,” paliwanag ni Maestro Khien. Napalunok ako sa aking narinig. Kung suswertehin ay si Giero ang makakasama ko sa laro. Siya ang papalit kay Heda. “No! It’s injustice," saad ni Giero na napatayo na sa kaniyang upuan. "Our dear royals and maestros, please accept that I voluntarily surrender myself and be sentenced to death, basta huwag niyong isama si Rumi,” saad niya. Pinigilan ko siya sa gusto niyang mangyari. “Mabubuhay tayo kapag ang boto ay sa'ting panig kaya hayaan muna natin silang magpasya,” tugon ko. “Paano kung ang pagpataw ay bitay? Hindi ka pa puwedeng mamatay, Rumi. You made your promise. Kaya hindi puwede mangyari 'yon dahil dapat ako lang," pagmamatigas niya. “Ilabas muna ang dalawa mula sa silid litisan na ito,” utos ng isa sa mga royals sa kanilang kawal. Nagpupumilit si Giero na magpaliwanag ngunit wala siyang nagawa. Agad kaming pinalabas sa judgement room. Pinapasok kami sa isang kwarto na puno ng samu’t-saring paintings. Nakaagaw sa aking pansin ang isang retrato ng isang buo at masayang pamilya. Namalayan ko na lang na nanikip ang aking dibdib. Bigla akong nakaramdam ng inggit sa kanila. Mula pagkabata ko ay hindi ko man lang nasilayan ang mukha ng aking ama. Nakangiti ang batang kalong ng ina nito habang nakaakbay ang ama sa kaniyang lalaking anak. Nakamamangha pagmasdan ang retrato na gawa sa iba’t-ibang kulay ng bato. It is rare to see this kind of an artwork. A sign on the bracelet sculpted from the child’s wrist caught my attention for it is kind of familiar. I know it has something on that bracelet. Upon observing the painting, I have found that it's the Headmistress and Headmaster's family picture. But why we haven't saw this type of painting in our zone? Maybe this is only exclusive for this Hall. Napalingon ako kay Giero na nakaupo sa isang sofa. Bakas sa kaniyang mukha ang inip sa paghihintay. Hindi na muna kami nagkibuan ni Giero sa loob ng kwartong ito. Alam kong ayaw niya akong pansinin dahil malamang ay nagtampo ito sa ginawa ko kanina. “S-Sorry," pagbasag ko nang katahimikan. “It’s okay,” he monotonously replied. "Hindi lahat nang galit ay tumatagal, Giero. Alam kong maiintidihan mo kung bakit ako lumaban kanina kahit alam kong magagalit ka. Hihintayin ko pa rin kung kailan mo 'ko kakausapin." Flabbergasted, that was exactly how we felt. Hinayaan ko muna siyang makahinga. Hindi ko na siya inistorbo at tinuon ang aking pansin sa mga paintings. Mayamaya ay pumasok si Maestro Khien sa silid. Agad kaming napalingon sa kaniyang direksyon. Halata pa rin ang ma-awtoridad nitong presensiya ngunit may bakas ng pagkadismaya. “Pinapabalik na kayo ng council. Natapos na ang naganap na botohan. At sana hindi mangyari sa inyo ang nais mangyari ni Jan,” paliwanag nito. “W-what do you mean, Maestro? Hindi na po ba maiiba ang parusa?” tanong ko. “Hindi. Napagkasunduan na ng council na kamatayan ang magiging parusa kung ang boto ay hindi pabor sa inyongy dalawa,” paliwanag niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko naman ang kahahantungan talaga ng lahat. Nilingon ko si Giero na walang emosyon sa nangyayari. Agad na kaming nagtungo pabalik sa judgment hall. Pagkapasok muli namin ay agad silang nagkatinginan. Ang ilan ay tila masaya sa naganap na botohan. At bakas pa rin sa mata ni Maestro Jan ang galit niya. “Tapos na ang botohan para sa inyo kaya simulan na natin alamin kung ano ang inyong magiging kapalaran,” panimula ng isang royal na nakasuot ng sleeves na itim at tila na sa 25 pa lang ang edad. Kinakabahan ako sa maaaring maging resulta ngunit hindi ko gustong ipakita ito sa harap nila. 3-0 in favor for our death. Ganun ba talaga ka sakim ang araw na ito? Ayaw talaga kaming mabuhay? Tatlong itim na bato mula sa bente ang unang bumoto para sa aming kapalaran. Nagpatuloy pa ang nagaganap na botohan at pagpapakita ng kanilang boto. Hawak nila ang bato sa kanilang palad at ipinapakita sa lahat ang kanila g naging boto. 5-5 Nakahinga ako ng maluwag ng magpareho ang boto. May pag-asa pa kami ni Giero mabuhay. They put the stone on the table while one of the royals holding the score board to tally the votesm the Maestro Khien already voted. He chose to save us from death. It’s time for the remaining ten royals to vote for their quest. I slowky felt stiffed. I can’t longer breath properly. This could be the worst day of my--- I mean I and Giero’s lives. 8-9 Finally, nakahinga na rin ako ng malaman na favor ngayon sa amin ang desisyon ng council. Isang maling pagkakamali naman ang nagawa ng isang royal ng ipakita nito ang bato niya na hindi pabor sa amin. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung paano mag-react sa nangyayari. 9-9 The agreement between the council and us are final. If ever the vote will become tie then, we will not be punished. Therefore, we need to win the last two votes. "Woah,” saad ko. 9-10 Mas hindi ako naging komportable nang malaman na not favor sa amin ang second to the last vote. Ang huli’t huling boto na lang ay hinihiling ko na sana ay pumabor sa aming panig. The last vote will be coming from the leader of the royals. Naghahalo na ang emosyon ko nang unti-unti nitong inangat ang kanyang kamay. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang bato na hawak nito. “W… what?!” laking gulat ko. -END OF CHAPTER 10-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD