CHAPTER 8- THE LAST DAY

3072 Words
CHAPTER 8- THE LAST DAY Day 4 Masyadong mabilis ang pangyayari dito sa loob ng arena. Takip-silim na nang makalabas kami sa kwartong iyon. Hindi ko alam kung nasaan si Op pagkatapos naming pumasok sa pinto kanina. Nakalabas ba talaga siya? Masyadong mapanganib para sa kaniya ang mag-isa. Pero, magtitiwala ako sa kakayahan niya. “Op, nasaan ka na?!” pagbabakasakali ko na marinig niya. Ngunit, tila bumabalik lamang naririnig kong boses kasabay nang pag-awit ng mga ibon. Napagdesisyunan kong magpalipas ng gabi rito sa ilalim ng isang malaking puno na ito. Hindi ko alam kung ligtas ba rito sa kabila nang marami ang mga hayop na pumapalibot sa lugar. This place is a habitat for snakes. Krrrkkk… Isang tunog ang pumukaw sa aking pagpapahinga dahilan mapabalikwas ako sa aking pwesto. Masyadong mapanganib talaga ang lugar na ito tuwing gabi. Kabilugan din ng buwan at halos tanaw ko naman sa kalayuan ang maaaring mangyari kapag nagkataon. Naging alerto ako habang pinakiramdaman ang paligid. Nakita ko ang isang itim na usok na papalapit sa aking direksyon habang ang nadadaanan nitong mga puno ay nalulusaw. Hindi ko alam kung anong klaseng usok iyon kaya agad akong tumakbo palayo. Masyadong mabilis ang pagabante ng usok kaya ako’y kumakaripas sa pagtakbo. Hindi ako maaaring maabutan ng kakaibang usok na iyon. “Ass! What kind of smoke is that?” I cussed. Nadaplisan ng usok ang aking kaliwang balikat nang maabutan ako nito. Nagtamo ako ng tila mahapdi at nalalapnos na balat. Sobrang hapdi ng aking braso dahil nararamdaman ko ang tila pagkasunog ng aking balat sa bahaging nadaplisan. Ramdam ko na rin ang hingal sa katatakbo kaya minabuti kong magtago sa likod ng isang malaking tipak na bato. Nakita ko ang pagkalat ng usok habang ako’y pinoprotektahan ng nagawa kong shield bago pa ako maabutan. Nandito ako nakaupo sa likod ng isang malaking bato. Hinaharangan nito ako. Nakamamatay na usok ang patuloy na kumakalat sa paligid. Hindi ito pangkaraniwang usok lang. Pinipilit din ng usok na sirain ang ginawa kong panangga kaya dinagdagan ko pa ito lalo ng lakas. Dinoble ko ang nagawa kong shield. “Kababalik lang ng lakas ko ganito na kaagad bubungad sa akin,” singhal ko sa aking isip habang pinipigilan ko ang pagwasak ng usok sa shield. Ilang oras din ang tinagal ng kakaibang usok na iyon bago ito tuluyang naglaho. Masyadong matalino kung sino man ang na sa likod ng ganitong pakulo. Pinagpawisan ako sa pangyayaring iyon. LAB LAGABLAB from SECTION E --- GAME OVER “What?!” hindi makapaniwala kong saad. “Ibig bang sabihin namatay siya sa usok? O maaaring pinatay siya ni Heda? Impossible!” Naging panatag pa rin ang loob ko nang malaman na ligtas pa rin si Op. I believe that Op can surmount this challenge and in the end we will bring the victory. Naawa lang ako kay Lab dahil dito na nagtapos ang kaniyang laban. "May you rest in peace, Lab," nasabi ko na lang. "Papanalunin namin ito para sa'yo. Ahhhhhhhhhhhh!!!” napasigaw ako nang maramdaman na kumakalat ang lason na pumasok sa aking katawan nanggaling sa usok na iyon. “Ass!” Opal's P.O.V. Hindi ko na nakita si Ate Rumi paglabas namin ng pinto. Bigla naman akong kinabahan dahil parang may masamang mangyayari sa araw na ito. Hindi ko alam pero palaging bilin sa akin ni Ate Rumi maging matatag at alerto. Ngunit, hindi ko maikakaila na matatakot. Nagpatuloy ako sa paglalakad dito sa tahimik na kagubatan. Mabuti na lamang maingay ang mga ibon na nagbibigay buhay dito sa lugar. Nagmadali akong maglakad habang hinahanap kung nasaan si Ate Rumi. Krrrkkkk… Isang malakas na tunog ang kaagad na nakakuha sa aking pansin. Nakita ko sa aking unahan ang isang itim na usok na mabilis kumakalat sa paligid. Pinapatay nito ang lahat nang dinaraan nito kaya nagmadali akong tumakbo pabalik. Kailangan kong makatakas sa usok. “Ateeee!!!” sigaw ko. I used my poison spell sa mga puno na dinaraanan ko. Ito ay upang hindi sila mamatay sa usok kaya binigyan ko sila ng panangga. Takbo lang ako nang takbo kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa nakarating ako sa dalampasigan kung saan tanaw ko ang malinis na dagat dala ng ilaw mula sa buwan. Madilim na ng makalabas ako sa gubat. Agad akong lumapit sa tubig ng dagat. Lumusong ako sa tubig para hindi mahabol ng usok. Nakita ko naman ang usok na bigla lang huminyo at umatras. Hindi ito makalapit sa tubig. “Takot ka pa lang duwag ka!” singhal ko sa usok. Mukha namang may buhay ang usok ng bumuga ito ng mas itim na usok. Pagkatapos no'n ay bigla na lang ito nawala na parang bula. Nagulat naman ako sa aking nakita sa madilim na kalangitan nang mabasa kong wala na si Lab. “This is not happening! It’s too much!” sigaw ko sa kawalan habang hindi na nagpatigil umagos ang aking luha. “Napakasama niyo! You killed those innocent individuals! AHHHHH!!!" Tama nga si Ate Rumi na isang kahibangan ang sumali sa larong ito. Dapat nakinig na lang ako sa kaniya. Ngayon, nagsisisi na ako sa nagawa kong pagmamatigas sa kaniya na sumali rito. Umahon ako sa dagat at napatihaya sa buhanginan. Tanaw ko ang mga kumikislap na bituin sa langit habang patuloy sa panaghoy ang hangin. Tila nadurog ako sa nasaksihan dahil marami na ang namatay. Hindi ito ang panahon para magbunyi. Kailangan ko mahanap si Ate Rumi. This island is a curse. This game is sinful. This place is ne'erdoweel. Naiiyak na ako. “Ate Rumi, thanks you are still alive." Alam kong gusto ko nang sumuko. Ngunit, may parte sa sarili ko na nagsasabing dapat ako makatakas dito. Rumi's P.O.V Day 5 “My warmest congratulations, Top 3 players!” Nagising ako sa anunsiyo mula kay Maestro. Pinilit kong imulat ang aking mga mata habang kinakalaban ang sinag ng araw. Nagulat ako ng makitang wala na ang sugat mula sa aking braso na nagawa ng nakalalasong usok. Umaga na. “Augh,” buntong-hininga ko. "Ass!" Nagpatuloy si Maestro sa kaniyang anunsiyo. “You are now one step closer from your survival in this island. But, only two of you are lucky enough to win the selection." “Before this game ends you still have one challenge to surpass. There are 17 chemical compounds scattered from the entire island. All you have to do is just collect and solve the mystery cipher. The answer will be your key to survive from this island after finding the exit area. Well, let the last day begin with excitement. Best of luck our dearest players!" Napangaga ako. “Ha?!” laking gulat kong tanong. Hindi ko na na-digest mabuti ang buong instructions pero nagsimula na ako sa pagtahak ng gubat. Nakailang libot na ako ngunit wala akong ibang napansin. Napatingala ako sa isang puno ng may pumatak na tubig sa aking ulo. “There you go,” saad ko nang makita ang kumikinang na chemical compound. Br (2) "Boron?" Dalawang chemical na Boron ang nakuha ko. So it means, the other chemical compounds are placed in one place if kapag magkapareho lang ang symbols. Nagmadali na ako sa paghahanap hanggang sa nakita ko ang isang chemical compound na naka-ukit sa ugat ng puno. Itinala ko kaagad ito sa nakuha kong dahon na ginamit kong sulatan. BO3 (4) Takbo lang ako nang takbo habang palinga-linga sa paligid. Ilang oras na rin ang lumipas at wala na akong nakita. Napaupo ako sa isang ugat ng puno ngunit agad akong napatayo. Isang pulutong ng ahas ang nakapalibot sa paligid. Not an ordinary one. An island full of venomous snakes is quite interesting. But not for this time since my life is at stake. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam ang tamang ikikilos sa mga pangyayaring ito. The Naja Sumatrana snakes or also known as “Equatorial Spitting Cobra”. This snake is one of the highly venomous snakes around the world. Kailangan kong mag-ingat sa kanila. Ilang minuto akong hindi gumalaw habang patuloy naman sila gumagapang papalapit sa akin. “Ass! Bakit ngayon pa talaga?” I whispered. I used my potential gently and scattered it in the entire area. I saw how the snakes slowly crawling from the ground. My weakening spell is effective. I started to put barrier surrounding my body. The snakes started to attack in to my direction, however they failed to bite me. I touched the ground and scattered my potential again. I weaken their system. Meanwhile, I saw how their physical appearance turns in to a stick-like body. In no time, they were all died. There I saw the third formula in this island. It was sculpted on the ground where the cobras formed their shelter. Sa wakas, kaunti na lang ang kulang kong chemical compound na hahanapin. C2O4 (2) Nakarating din ako sa dagat sa kalalakad habang nararamdaman ko na ang pagka-uhaw. The water of this island is not salty and we can drink it for survival. Napuno ko ng tubig ang lalagyan na napulot ko kanina habang naglalakad. Tila naman may kumikislap sa dagat. Pinulot ko ang tila babasaging gamit na nakalubog sa tubig. Finally, I found the fourth compound. P207 (2) Nagpahinga lang ako saglit bago tinunton ulit ang loob ng gubat. Nahanap ko rin ang iba pang formula sa loob ng gubat. Natagpuan ko ito sa itaas ng mga puno at nakaukit sa mga tipak ng bato. Nakasugapa ko rin ang isang succubus at natalo ko rin ito ng hindi kadalian. Masyado itong malakas upang magapi nang mabilisan. I used my self-cloning ability and used my potential but it’s not worth to kill the enemy. I trapped the succubus from my spell and killed it immediately while weakening its body system. I already collected six chemical compounds before I saw the exit. ASO3 SiO4 SnO2 AS2O7 BrO3 NO2 Nang makalapit na ako sa exit nakita ko si Heda. Nagsisimula na siyang buuhin ang mga chemical compounds na nahanap niya, samantalang may isang pa akong kulang na compound. Hindi nahagilap nang aking paningin si Op dahilan kabahan na rin ako. This is the final stage and the door for our survival is one step away. Lumipas ang ilang minuto at pinagmasdan ko lang si Heda sa kaniyang ginagawa. Alam kong namalayan niya ang pagdating ko pero hindi niya iyon pinansin. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang ginagawang pag-decode ng cipher. “What are you waiting for? Isa lang sa inyo ang makakaligtas kaya unahan mo na siya,” saad nito. Napangiti ako sa sinabi niya. “No, I won’t let it happen." Tumunog ang pintuan na nakalaan sa kaniya kung saan niya nilagay ang code. Natapos na niya itong buuhin. “Okay then, see you outside, my dearest poor Rumi!” tugon nito bago pa man pumasok sa exit door. Nagsimula naman akong magpakawala ng spell upang pigilan siya. Kinuha ko ang atensiyon niya bago pa siya tuluyan makapasok. “No! You don’t deserve to live!” I shouted. Nakita ko ang pagbago ng mukha ni Heda dahilan mapaatras ito. Humarap siya sa akin. “Yeah, I know you will stop me. Pinatagal mo pa talaga, huh." Nagpakawala si Heda ng poison spell sa direksiyon ko kaya kaagad akong umilag dito. Nagsimulang kumalat ang ginawa niyang spell sa paligid kaya mabilis akong bumuo ng panangga. Pinapalibutan na ako ng mga tuyong dahon habang hinahampas ng mga ugat ang panangga ko. I know this trick already. The roots are like having their own life. It is undeniable that Heda has a great potential in the entire Zone 3. She can control everything in her surroundings once she used her spell from it. I tried to escape from her trapped but I can’t. So, I started to cast spell again and I saw how the roots and dried leaves gone like a single blink of an eye. Effective ang nagawa kong potion spell. I saw Heda smiling at me while enjoying the scene. I cloned and trapped her using my doppelganger. I cast spell in the entire place while she continuously killing my fake self--- one by one. I know Heda’s weakness and I can now see in her eyes the anger. She's hungry to kill me. I created an arrow and bow using my own potential. I release the arrow from her direction and luckily she was stricken. I released a weakening spell and point it in to her direction. However, it bounces back when she formed a shield using the dried leaves. Tumama ako sa katawan ng malaking puno dahil sa malakas na impak ngg balik ng sarili kong arrow. Naramdaman ko ang epekto ng potential ko kaya tila nahihilo ako. Parang kinakain nito ang aking sarili kaya agad kong nilapat ang aking palad sa dibdib. “Lesh Mehesh Ti," ritwal ko. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa chant na ginawa ko. Mabuti hindi malakas na spell ang nahalo ko sa arrow. “Sorry, Rumi. I won.” ”No!!!” Dumeretso na siya sa exit door. Hindi ko na siya napigilan makalabas sa exit at tuluyan na ngang nagsara ang pintuan. Napaluha na lang ako. Ibig sabihin isa na lang sa amin ni Opal ang makaliligtas. Nakasandal ako sa puno habang hinihintay ang maaaring maging kapalaran ko. Hihintayin ko si Opal kahit anong mangyari. Hindi ko siya iiwan dito. “Players, you have 10 minutes to finish the game or else you will be trapped and died in the island,” Maestro announced. Binaling ko ang aking tingin sa isang ahas na gumagapang patungo sa aking direksyon. Hindi ulit ako gumalaw at nabigla ako sa nangyari. May kung anong kahoy ang tumama rito upang mawalan siya ng buhay. Naluha ako sa nakita ko sa aking harapan. “Ate!" Nakangiti pa rin siya kahit may mga galos na ito. Ayaw pa rin magpatinag ng lungkot sa kaniyang mga mukha. Hindi ako makapaniwala nang makita ko si Opal na nakatayo sa harapan ko. She’s safe. She's alive. Umagos ang aking luha sa tuwa nang makita ko siya muli. Nasisindak ang aking damdamin dahil sa huling pagkakataon bago ako magpaalam ay nasilayan ko ang kaniyang napakandang mukha. Ang masiyahing si Opal ang huli kong makikita. “Ate, Ano pong nangyari rito?" “She won," I sadly said. Sabay kaming napatingala ni Op sa kalangitan nang may malakas na pagsabog ang nangyari. Congratulations, Heda Way from Section E! “Paano po? Paano po siya nakalabas?” “S-sorry hindi ko siya napigilan kanina," nanghihinang tugon ko. “Ayos lang po 'yon, Ate,” pagpapanatag niya sa akin. “Nakuha mo ba lahat ng chemical compound?” nanghihinang tanong ko sa kaniya. Masyadong malakas ang naibuhos ko kaninang lakas kaya gano'n na lang ang epekto nito sa akin. Nahihilo pa rin ako kahit na nilapatan ko na ito ng lunas. Kailangan na namin makalabas dito. “H-hindi po Ate, Lima pa lang po ang nahanap ko." “I-ito, tutulungan kita na mabuo ang lahat ng ‘yan basta ipangako mo sa akin na ililigtas mo ang sarili mo." “B-bakit po, Ate? H-hindi po kayo sasama?” “Isa na lang ang maaaring pumasok sa pinto na ‘yan Op kaya gusto kong ikaw ang magpatuloy,” sabay turo ko sa isang pinto. “P-pero---“ “Shhhhh… magiging ligtas ako. Pangako." Hindi na siya umimik pa at nagsimula na kaming buuhin ang code. It is a compound code invented by Heartstopper. It is one of the easiest codes if you memorize the substitute letter of each compound. Hindi na natagalan ang pagbuo namin dito. Brggghhhh!!! Isang malakas na pagsabog sa di-kalayuan ang narinig namin. Yumanig din ang lupa dahilan mapakapit kami ni Op pareho. Agad kong natanaw muli ang itim na usok na mabilis na kumakalat sa paligid. Mahigit 20 pulgada ang layo nito mula sa aming direksiyon. Nahanap ko ang last compound ng makita ito kay Heda kanina. The C2H3O2 compound was the last clue I haven’t found. Nakita ko ito habang inilalagay ang mga code sa monitor. Nagmadali na akong buuhin ito habang si Op ang nagbibigay sa akin ng mga compound. Mahina at nahihilo man ako hindi ko pa rin iyon iniinda upang masagot lang ang code. Mabuti na lamang ay naging part ito ng last exam noong nakaraan kaya sariwa pa sa akin ang code. Nabuo ko na rin sa wakas ang lahat ng compound at na-substitute ito sa kaniyang corresponding letters. BrO3 (H) Br (O) NO2 (U) P2O7 (S) BO3 (E) Br (O) C2H3O2 (F) ASO3 (G) SiO4 (R) BO3 (E) BO3 (E) C2O4 (N) P2O7 (S) C2O4 (N) SnO2 (A) AS2O7 (K) BO3 (E) The decipher code stands for our Zone 3 Logo. HOUSE OF GREEN SNAKE. Blag!!! Blag!!! Blag!!! Hindi na magkamayaw ang paligid habang tinutupok ito ng itim na usok. Mabilis akong inalalayan ni Op patungo sa pinto na nakalaan sa kaniya. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya habang pinipindot ang monitor upang ilagay ang tamang sagot. “A-atteee, h-hindi po kita kayang iwan dito.” Brgghhgggg!!! A splash of explosion was heard from the entire island. Masyado ng mapanganib kapag nagtagal pa kami rito pareho. “Dali na masyado ng mapanganib dito!” sigaw ko. Inalalayan ako ni Op tumayo at agad ko siyang niyakap. Hindi ko na mapigilan ang aking emosyon at nababalot na kami ng takot at pag-aalala. Iyon na ang huling yakap ko sa kaniya bago pa man siya makalabas dito. Tatlong metro na lang ang layo sa amin ng itim na usok at ilang segundo ay malulusaw na ang isla. “Babalik ako," I whispered. Kumalas na si Op sa pagkakayakap ko at humakbang na siya paatras. Nasa likod nito ang pinto habang nakaharap naman ako rito. It looks like a dimension full of ROY G BIV colors. “S-sorry, Ate but you deserve to live!" "Op, anong ginagawa mo?" Nagulat ako ng biglang pinalitan ni Op ang pwesto naming dalawa. Ako na ngayon ang nakatalikod sa pinto ng exit. Mabilis niya akong tinulak papasok at agad naman ako nilamon ng dimension. Nakita ko rin kung paano siya naabutan ng itim na usok habang unti-unti nang nagsarado ang pinto. Sa huling sandali, nakita ko siyang nakangiti bago siya nilamon ng usok. “Opppp!!! No!!!” -END OF CHAPTER 8-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD