EPILOGUE RUMI's POV Three weeks later… Tanaw ko ang buong mamamayan ng city na patungo papasok ng arena. Naibalik na ito sa dati at mas pinalawak pa. Naging payapa ang lahat at wala nang alitan sa bawat isa. “Queen, magsisimula na po ang programa,” bungad sa akin ng isa sa mga tagapag-silbi. “Susunod ako,” tugon ko. Hindi ko kailanman hinangad pamunuan ang buong city. Nagtagumpay ako hindi dahil sa pwesto na mapapasa sa'kin. Lumaban ako para sa kalayaan at pantay na karapatan ng lahat. Lumaban ako para kay Opal hanggang sa huling pagkakataon. Lumaban ako para kay Mama na inakala kong pinatay nila ngunit itinago nila sa kagustuhang maprotektahan siya. Ngunit, napatay nila ang kaibigan ko--- napatay nila si Jom. Patungo na ako sa arena at naririnig ko ang mga bulungan at sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


