Chapter 5: The great rival

1717 Words
Chapter 5: The Great Rival (Devie Angela's POV) *kachik kachik* *Bang* "Perfect.." I smirked when i hit my target. Habang tumatagal mas lalo akong nabibihasa sa paggamit ng baril. Konting panahon na lang at magagamit ko din ang lahat ng pinag-aralan ko. *Clap clap clap* Napalingon ako sa taong biglang pumalakpak diyan sa tabi. "Amazing my babes. Ang galing mo talaga!" Humarap ako sa kanya at itinutok sa kanya ang handgun na hawak ko. "Wooh wooh! Wag naman babes! Pangarap ko pang maikasal sayo noh!" sabay hands up niya. "Shut up Axelle. Wag kang assuming and stop calling me by that mushy name, nakakadiri." sabay baba at ayos ko ng handgun at isinauli sa lagayan nito. Nandito kami sa Shooting range na pag mamay-ari din niya. Isang General ang ama niya kaya may sarili siyang range na tulad nito. And as what i have said dun sa previous chapter ay kababatang kaibigan ko si Axelle, nothing more nothing less. Siya ang naging kasa-kasama ko sa lahat ng kagaguhan ko. Siya rin ang naging Trainor ko kung bakit ako magaling sa pakikipag-bakbakan. Yun nga lang, malibog siyang trainor kaya madalas bugbog sarado ang natatamo niya sa akin. Nagulat na lamang ako nang mariin niyang hinapit ang beywang ko padikit sa kanya. Isang move na lang talaga, swear, masasapak ko na siya. "Alam mo bang matagal na kitang pinagnanasaan?" malanding bulong niya sa may tenga ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya kaya sinikmuraan ko na siya gamit ang siko ko. "Aaah!! Devie naman!" "Neknek mo. Wag na wag mo akong maitutulad sa mga p********e mo Gago." inis ko sabay hablot ng sling bag ko. "Hindi naman talaga kita itutulad sa kanila ah. Special ka kaya!" "Ulul! Makaalis na nga. Wala kang kwentang kausap." sabay talikod ko sa kanya at aakma na sana akong aalis ng may sinabi siya na ikinahinto ko. "May gaganaping Motor Cross Racing mamayang gabi sa Motor cross stadium/Racing Track. At isa si Senri Jaden sa mga kalahok roon. Naisipan ko lang, baka ito na ang time mo para matyagain ang kahinaan niya. Matagal-tagal na rin nung huli niyong pagkikita. Pero ang problema lang, the event is exclusive only for all Gangsters and Racers. No Identification Card No entry. Paano ka makakapasok?" "Tch. Ano bang silbi ng fake I.D na ginagawa mo para sa akin? Axe, i need to go there." pangungumbinse ko. "Hayss. Fine. But you need to disguise first. Alam mo namang marami ang nakakakilala sayo doon eh at baka mapahamak ka pa." "Don't worry about that. I can handle myself." I smirked when i remembered that guy. Senri Jaden, my great-great rival. We will meet each other again. -------------------------------------- "Wooohhh! Go Triple S!! Go Senri!" Isang napakalakas na hiyawan ang dumadagundong sa buong stadium ng makapasok na ako. Nagsisimula na ang paligsahan and malamang puro mga Motor racers ang nakikita kong nag-uunahan ngayon sa pagpapatakbo ng kani-kanilang Motor patungo sa finishline. Iba't ibang klase ng Stunts ang ginagawa ng mga bawat kalahok. Pero isang tao lang ang nakakuha ng atensyon ko, ang lalakeng sadya ko rito, si Senri Jaden. Naka Red Leather Riding Suit siya na may markang malaking letrang S sa likod. As usual, siya ang nangunguna sa karera. Inaamin kong magaling talaga siya, siya yung tipong hindi umuurong sa mga hamon. Masyado siyang competitive, ayaw na ayaw niyang sinasapawan siya. Kaya nga karibal ang turi ko sa kanya sa kadahilanang hindi ko siya matalo-talo. Pero ngayon, hinding hindi na ako magpapatalo sa kanya. Nandito lang ako sa may sulok nanonood habang nasa bulsa ng hoodie kong suot ang kamay ko. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Kasali rin pala si Axelle, siya ang pumapangalawa ngayon, pumapangalawa sa huli. Tch. Tamad talaga. Kung tutuusin, kayang-kaya naman niyang talunin si Senri, ewan ko ba kung ba't di siya nagseseryoso, tinuturi niya lang laro ang lahat ng bagay. Tsk. *Vrrrooooooooomm! *Zwwiiiiiiiiiiiiiiiiing! "Woooh!! Go Triple S!!" "A for Axelle!!" Most of the audience ay bet ang grupo ni Senri. Triple S ang pangalan ng grupo niya at malamang tatlo lang sila. Ilang saglit lang ay natapos na ang karera. Puno na ng cheers at ingayan ng mga audience ang buong Stadium. "For the 10th time around! The Motor cross racing undefeated defending champion is no other than...Senri Jaden!!!" -Emcee Palakpakan ang lahat ng mga Audience na puro rin naman Gangsters. Habang tinatanggap niya ang award niya ay napatingin siya dito sa kinalalagyan ko. Mukhang nagulat pa siya ng makita ako. Ngiti ko siyang kinawayan pero nginisihan niya lang ako. Tsk Tatalikod na sana ako ng biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko. At dahil sa sobrang pagkagulat ko ay di ko na nagawang manlaban. Piniringan, pinosasan at binuhat nila ako na parang isang sakong bigas. Damn! I'm in trouble! Pinilit kong pumiglas pero di ko magawa. Masyadong mahigpit ang pagkakabuhat nila sa akin. Mayamaya lang ay naramdaman kong may nagbukas ng pinto ng Van at ipinasok ako sa loob. Sh*t! This is k********g! "Mmmmm!!!" pagpupumiglas ko. Pag ako nakalaya dito, mapapatay ko talaga sila. "Wag kang malikot kung ayaw mong matuluyan ng wala sa oras." bulong sa akin ng kidnapper. Who the hell is him?? Naramdaman ko na lang bigla ang mabilis na paghapdi ng braso ko. s**t!! Dinaplisan niya ng killer knife ang braso ko! The hell! "s**t! Harangin niyo sila!" rinig kong sigaw nung lalaking bumulong sa akin. Mayamaya lang ay narinig kong medyo nag-iingayan na at may kumakasa ng baril. Hanggang sa sunod sunod na ng putukan ang naririnig ko.What the hell is happening?? Arrggghh! Ilang saglit lang ay may lumapit sa akin at tinanggal ang panyo sa mata ko. "Axelle??" gulat ko. "Are you ok?? Sinaktan ka ba nila??" halong pag-aalala niya habang tinatanggal din ang posas sa kamay ko. "Yeah i'm ok. Ano bang nangyayari?" tanong ko na. "Tinangka kang kidnapin ng mga di kilalang sindikato na nakapasok sa loob ng Stadium. Layunin nila ang mandukot ng mga babae para ibenta. Mga peste sila! Buti na lang talaga at nakita ni Senri ang nangyari nung dinukot ka at madali namin kayong nasundan." "Si Senri? How come?" pagtataka ko. "Haixt ewan ko ba. Mukhang grabe ang pag-aalala niya sayo kanina to the point na muntikan niya na rin akong mapatay. Halika na, naghihintay siya sa labas." Paglabas namin sa Van ay limang lalakeng duguan ang nakahandusay sa lupa ang agad na napansin ko. Sila ata ang dumukot sa akin at mukhang patay na sila. "You're still clumsy until now." napatingin ako sa harap ko, si Senri, nakaupo sa motor niya na may hawak na shotgun. "You never change. Hindi ka pa rin marunong mag-ingat. Prone to accident ka talaga, ika nga." Napa-close fist ako sa sinabi niya. I really hate him! I wanna kill him right now! Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita. "Why did you save me if you were just going to insult me?" "I didn't save you. My hands were just wants to taste bloods. You should be thankful instead." upon hearing his arrogant voice, make me wants to shoot him! "Ba't di mo na lang tanawin na utang na loob ang pagligtas ko sayo? And pay me anytime you want." "Sorry. Hindi ako tumatanaw ng utang na loob. And beside, you have said a while ago that you didn't save me, therefore, si Axelle lang ang nagligtas sa akin." sabay pat ko ng kamay sa balikat ni Axelle. "Ahaha, mukhang wala nga akong nagawa eh." pangangamot ni Axe. "Whatever." ismid niya sabay ayos ng pagkakaupo sa motor niya na handa ng umalis. "I'm going. Axelle, ihatid mo siya ng ligtas pauwi, baka kasi kung mapaano pa yan." sinimulan niya nang paandarin ang motor niya. "By the way, Good to see you again Dei. I missed you a lot, my EX girlfriend." atsaka siya humarurot sa pag-alis. "Damn you!!!" yun lang ang nasigaw ko. ---------------------------- Wala ako sa mood ng umuwi ako sa Mansyon. Well, lagi naman akong wala sa mood eh. Past 2 am na kaya tahimik na ang buong paligid. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Baka mahuli na naman ako ni Demion at maground pa ako ng isang buwan. Tsk. Sh*t. Humapdi na lang bigla ang sugat sa braso ko. Mukhang dumudugo pa. Kailangan ko na tong magamot agad. I didn't bother to turn on the lights ng makapasok na ako. Diretso lang akong pumasok sa loob ng CR at doon agad kong ginamot ang sugat ko. Pagkatapos kong lagyan ng benda ang braso ko ay minabuti ko nang matulog dahil inaantok na ako. Humiga na ako ng maayos sa kama. One fact about me is di ako mahilig magkumot at may Human size akong Ninja Turtle na Stuff toys na siyang tinatandayan ko. Weird right? Hell you care. Di ko makita ang paligid dahil sa dilim kaya kinapa-kapa ko sa gilid ko ang Ninja turtle ko. Masyadong malaki ang kama kaya umusod ako papuntang gitna hanggang sa nahawakan ko na rin sa wakas si Ninja Turtle na nakabalot ng kumot. Agad kong ipinatong ang kamay ko sa kanya at tinandayan. Wait. Napansin ko lang. Bakit parang tumigas ata si Ninja Turtle? At ang bango pa. "Ninja Turtle, bakit bigla kang tumigas? At ang bango mo pa?"  *singhot*  *singhot* "Siyempre, bagong ligo ako eh." sagot niya "Ah ganun ba? Good." Wait..... Loading...... Napadilat ako ng pumasok sa isipan ko ang pagsagot sa akin ni Ninja Turtle. Kailan pa nagsasalita ang isang Stuff toy??? No. Naghahallucinate lang ako. Antok lang toh. "Hmmmm..." narinig kong umungol siya! Napabalikwas na ako ng bangon ng marinig iyon. "Sh*t!" i'm not taking drugs, bakit parang may maligno dito sa kwarto ko? Dahan-dahan akong tumungo sa pader kung nasa'n ang switch ng ilaw. Mukhang may tao nga dito sa kwarto ko. Nang makapa ko ang switch ng ilaw ay agad ko tong in-on. At di nga ako nagkakamali, may taong natutulog sa kama ko na nakabaluktot at nakakumot pa siya. Hinanda ko na ang sarili ko para mabugbog kung sino man tong taong toh. Kung bisita man siya ni Demion, walanghiya siya para gawing guest room ang kwarto ko. Lumapit ulit ako sa kama at dahan-dahang pumatong. Nang makalapit na ako ay agad kong hinablot ang kumot. At sobrang nanlaki ang mata ko nang makita kung sino Siya. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD