“I’ll be out of the country next week,” anito na sinulyapan pa siya. Bakit kailangan pa nito iyong ipaalam sa kaniya? Hindi naman siya nagtatanong o ano pa man sa mga whereabouts nito. Pero sa kaalaman na aalis ito ng bansa, ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng lungkot. “Ingat,” sabi na lang niya. “Baka sa bansang pupuntahan ko, makakita na ako ng katulad ng headband mo. Pero kung wala, ihahanap na lang kita roon ng mas maganda.” KG, nag-e-emote na ako kanina dahil sa nalalapit mong pag-alis. Bakit ngayon, bigla mo namang pinasaya ang puso ko? Iba ka rin talaga. “Pinag-iisip mo pa rin ‘yon hanggang ngayon?” kunway tanong niya. “Kapag nakikita kita, pinapaalala lagi ng suot mong headband ang naapakan kong headband mo noon. Mukhang hindi ako makaka-move on hanggat hindi ko napapal

