“bakit mo ginawa yon?!” galit nyang tanong sakin.
sya pa ang may ganang magalit? ang kapal naman talaga nang balat nya.
mag sasalita na sana ako nang padabog na bumukas ang pinto at iniluwa non si lia na umiiyak.
“NILOKO MOKO! MAHAL KITA AT PINILI KONG SAKTAN ANG KAIBIGAN KO PERO HETO! NILOKO MO AKO KAI!” nabigla ako sa sinabi nito.
what does she mean?
“let me explai-” lia slapped him.
“isa kang malaking taràntadø kai! nàmàtày/yan tayo nang anak dahil sa pagiging babaero mo! hindi kaba talaga marunong makuntento sa isa?! mabilis lang ba sayong itapon ang pinagsawaan mo na? ang sakit kai eh, mahal na mahal kita pero ginawa mo sakin to. narinig ko lahat kai! narinig ko lahat! ang sakit sakit!” umiiyak na sigaw nya kay kaile na malungkot lang na nakatingin sakanya.
“choosing you is like a snàke, masasaktan ka pag hinawakan mo. hindi ko akalain na magagawa mo sakin to matapos kong isakripisyo ang pag kakaibigan namin.” umiiling nyang sumbat kay kai.
mabilis na akong lumabas dahil pakiramdam ko maiiyak ako, ayoko nang ma-alala.
they also need a privacy
bumalik na ako sa table namin at nadatnan ko si suzy na natatarantang nakatingin sa paligid.
nang makita ako nito ay mabilis nya akong niyakap “saan kaba galing?! bat antagal mo, nag aalala ako!”
ngumiti ako at niyakap sya pabalik “hey what happened?” nag aalala nyang tanong.
umiling ako “nothing, masaya lang ako dahil ganito mo pala ako kamahal” pabiro kong bulong sakanya.
mahina nya akong hinampas “oo naman no”
————
umakyat sa stage si quin at ibinigay nang mc ang mikropono.
“ good evening everyone, thankyou for all the gifts and greets, i appreciate it a lot. bago matapos ang gabing ito ay nais ko sanang hingin ang pirmiso nang aking pinakamamahal na babae” nag hiyawan ang lahat.
napasulyap ako kay suzy at kitang kita ang pamumula nito.
i smiled.
“Suzy Caine Clavenia, can i court you?” kasabay nang pag tanong ni quin ang malakas na hiyawan nang mga bisita, naki sali ako at sinundot sundot ang tagiliran ni suzy na lalong pinamulahan.
“whoooo say yess!”
“say yesss to papa quin!!!”
“yess yess yesss” kanya kanyang hiyawan nang mga bisita.
napangiti ako nang tumango si suzy, kitang kita ito nang karamihan dahil sa spot light na naka tutok sakanya.
muling nag ingay ang mga tao dahil sa pag payag nang kaibigan ko.
i'm so happy for her, she deserves it
nag paalam ako kay suzy na mauuna nang uuwi, nag aalala nya akong tinanong at sinabi ko nalang na gusto ko ma mag pahinga.
pumayag naman ito at inihatid ako sa bahay, pakiramdam ko ay napagod ako kahit wala naman akong ginagawa.
after kong mag palit ay dumeretso agad ako sa kama upang mahiga na.
nag flashback sakin ang nangyare kanina, parang ibinalik lang nang tadhana ang ipinaramdam saakin nila lia at kaile.
hindi ko alam kung bakit nag kaganon si kai, hindi naman ito ganoon dati.
nakakapanibago lang ang ginawa nyang pag babago sa sarili, malayong malayo na sya sa kai na nakilala ko.
he changed a lot, hindi ko alam kung anong rason nya..