Lumaki ako bilang isang ordinaryong tao. Simple lang ang buhay pero masaya at magkakasama naman kami ni ina.
Pero minsan ay napapaisip ako na sobrang unfair ng mundo kasi sa lahat ng tao, bakit isa pa kami sa mga taong naghihirap ngayon? Na kahit masaya kami ni ina, Iba pa rin talaga kapag masaya ka at may pera ka din.
We only worship the Moon goddess of the Earth, Luna. Pero kahit palagi kaming nagdadasal, bakit parang hindi naman kami umaangat galing sa kahirapan?
Napapikit ako habang dinadama ang sariwang hangin dito sa bukid. Pagmulat ko ng mata, nakita ko ang isang napakalaking kastilyo na nasa malayo.
"Paano kaya kung anak tayo ng isang Goddess at mapupunta tayo diyan sa paaralang 'yan?" Napatingin ako kay Freja na kakarating lang at umupo sa tabi ko. Napatingin ulit ako sa kastilyo.
"Parang napaka imposible naman niyang iniisip mo, Fre. Imposible ngang maging descendants tayo ng godesses, maging anak pa kaya." Sabi ko.
"Alam mo, Sao, Libre mangarap. Kaya ang pangarap ko, ang kahit maging descendants lang ng goddess at makapasok sa paaralang iyan." Itinuro niya ang paaralan na parang palasyo sa sobrang laki.
"Ang pangarap ko lang, ang makapagtapos ng pag-aaral para makakuha ng diploma at pwedeng makatrabaho sa katabing realm natin. Mas maganda daw ang mga trabaho doon at malaki ang kita." Sabi ko at tinignan siya. "Mangarap ka nalang na alam mong posibleng mangyari. Hindi tulad ng maging descendants ng isang goddess at makapasok sa paaralan na iyan. Pangmayayaman lang iyan."
Napabuntong-hininga siya at tumayo na.
"Tara na nga lang. Tutulungan ko pang magbenta si inay ng tinapay." Sabi niya kaya tumango ako at tumayo na rin at pinagpagan ang sarili.
Tutulungan ko pa din kasing magluto si Ina dahil may maliit kaming karenderya.
Habang bumababa kami sa bukid ay may bigla akong naramdamang ibang presensya bukod sa amin ni Freja kaya napatigil ako at napalinga-linga sa paligid.
"May problema ba, Sao?" Napatigil din sa pagbaba si Freja kaya tinignan ko siya at inilingan lang.
"Wala. Baka guni-guni ko lang iyon. Tara na!"
Pero naramdaman ko ang presensya na mabilis na lumalapit sa amin kaya bigla akong kinabahan at agad humarap sa likod ko at kinuha ang sandata ko na nakasabit sa likod ko at sinangga sa sandata ng lalaking nakangisi ngayon.
Nagulat naman si Freja sa nakita. Hindi niya akalaing may iba pa palang tao bukod sa amin.
"Nice." Nakangising sabi niya at nagsimulang makipaglaban. Kaya kahit na kinakabahan ay nilabanan ko siya.
"Anong kailangan mo?" Ayaw kong makita na natatakot at kinakabahan ako dahil baka puruhan niya ako ng todo. Base kase sa presensya niya, mukhang descendants ito o anak ng isang goddess dahil sa lakas ng enerhiyang lumalabas sa katawan nito.
Napatigil ako nang napatigil yung lalaki at nilagay ang espada sa lalagyan nito sa kaniyang gilid.
"Sumama ka sa akin." Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na ako makikipaglaban sakaniya pero hindi ako papayag na sasama ako sakaniya.
Tinaasan ko siya ng kilay, "At bakit?"
"Gusto kang makausap ni Nereid." Napakunot naman ang noo ko sa sagot niya.
"At sino naman si Nereid?"
"Basta. Huwag ka nang maraming satsat at bilang lang ang oras na binigay sa'kin para kunin ka." Napalaki ang mata ko nang hawakan niya ang kamay ko kaya pilit ko itong kinukuha mula sakaniya.
"Hindi pa ako nakapagpaalam kay ina." Naiiyak ako sa sakit dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Alam niya na iyon."
"Freja, sabihin mo nalang kay ina na kakausapin lang ako ni Nereid, kung sino man siya." Nanginginig na tumango si Freja at agad na tumakbo pababa.
"Kumapit ka ng mahigpit." Seryosong sabi niya pero napakunot ang noo ko dahil naguguluhan sa sinabi niya.
"Bakit-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang umikot ang paningin ko at ilang sandali lang ay wala na kami sa bukid.
Napasuka ako dahil sa sobrang hilo. Hanggang ngayon ay umiikot pa rin ang paningin ko kaya pagkatapos kong sumuka ay na-out of balance ako kaya matutumba na sana ako nang may sumalo sa akin.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking immortal na nasa harapan ko. Sabi ko na nga ba't hindi ito normal na tao base sa kilos at enerhiyang ipinapalabas niya.
"Ano ba iyon-?!" Napatingin ako sa palasyong nasa harapan namin at napaawang ang bibig sa nakita.
Sobrang laki nito!
Ito ba yung paaralang pinag-aaralan ng mga kadugo ng mga goddesses? Napakasosyal!
Gate pa lang ang nakikita ko pero sobrang taas at lawak na nito. Paano pa kaya kung sa loob na, 'di ba?
Hindi ko pa kasi napupuntahan ang palasyong ito. Lagi ko lang itong natatanaw mula sa bukid pero hindi ko binalak na pumunta dito. Ano naman kasing gagawin ko dito, magmakaawang bigyan kami ng pera?
"Anong ginagawa natin dito? Taga dito ba si Nereid? Anong gusto niyang sabihin sa akin? 'Di ba pwedeng siya nalang ang mag-adjust dahil tutulungan ko pa si ina na magluto." Mahabang sabi ko sa lalaking hindi ko alam ang pangalan.
"Quiet." Seryosong sabi niya at lumapit sa gate at kusa itong bumukas. Naamaze ako dahil automatiko itong bumukas pagkatapos maramdaman ang presensya ng lalaki.
Pumasok na yung lalaki kaya sinundan ko na siya.
Naglakad kami sa isang malawak na daanan na may mga puno sa gilid nito. Hindi lang puno, kagubatan. Kagubatan ang nasa gilid ng dinadaanan namin.
Natatakot ako dahil parang naririnig ko yung mga eerie sounds na naririnig ko lang sa horror movie. Ang tanging gumagawa lang ng ingay ay ang mga tuyong dahon na naaapakan namin.
Ilang minuto na rin kaming naglalakad kaya nakaramdam na ako ng pagod nang may makitang isang malaking gate nanaman kaya napaawang ulit ang bibig ko. Mas may kalakihan ito kesa sa gate na dinaanan namin kanina pero pareho itong kulay gold. Literal na gold.
Pwede kaya iyang isangla? Baka 'pag isangla ko iyan, magiging bilyonaryo na ako.
Nang makalapit na kami dito ay iniscan ang buong katawan namin.
"Welcome home, Deimos, Sao." Namangha ako nang magsalita ito at bumukas pero nagtaka ako kung bakit alam niya ang pangalan ko.
"Bakit niya alam ang pangalan ko, Deimos?"
"You will know later." Maikling sagot niya at pumasok na kaya sumunod na ako at mas napamangha sa nakita.
Paraiso. Paraiso ang maitatawag ko sa lugar na ito. Literal na paraiso sa sobrang ganda.
Kaya siguro maraming humihiling na makapasok sa paaralang ito dahil dito.
Pagkapasok namin ay may fountain sa gitna at benches sa gilid at maraming estudyante doon na nakaupo, nagkekwentuhan at nagtatawanan. Paano ko nalaman na estudyante sila dito? Malamang nandito sila. Hindi ka makakapasok dito kung hindi ka estudyante.
Pero hindi naman ako estudyante dito. Bakit pinapasok ako?
Sa gilid naman ng lugar ay grass at maraming nagpipicnic doon. Doon naman sa right side ay may daan doon papunta sa malalaking gusali na sa tingin ko ay mga malls. Diyan ata sila bumibili ng gusto nila para hindi na sila lumabas ng paaralan.
Sa left side naman ay daan papunta sa... Saan iyan patungo? Hindi ko makita dahil may mist na nakaharang dito.
Binalewala ko lang ito at sinunod si Deimos na malayo-layo na sa'kin.
Naglakad ulit kami at pumasok sa isang maliit na gate at pagpasok ay isang napakalaking grass field. Pinapalibutan ito ng maraming gusali. Nakaporma ito na circle at sobrang laki nito. Sa katapat ko naman doon sa hulihan ay may gate din. Doon ata nakatira ang mga estudyante. Ang nakikita ko lang kasi sa loob ng gate ay field lang din dahil sa sobrang layo ko.
Naglakad si Deimos papuntang left side kaya agad akong sumunod. Pumasok kami sa isang building at namangha ulit sa nakita ko. Skwelahan ba talaga ito o palasyo?
Naglakad si Deimos papuntang left at pumasok sa office ata na may nakalagay sa taas ng pinto na 'Headmaster's Office' edi syempre office ito.
Sumunod ako at pumasok at agad naman gininaw dahil may aircon ang office.
"Hi, Haven Sao." Napalingon ako sa lalaking nasa middle 20s ang edad na nakaupo. Opisina niya ata ito. Pero ang bata niya ata para maging Headmaster sa napakalaking skwelahang ito?
"Maupo ka." Tinignan niya naman si Deimos. "Salamat, Deimos. Ika'y makakaalis na." Walang emosyong lumabas lang si Deimos at naging tahimik ang paligid.
"Alam mo na siguro kung bakit ka namin pinapunta dito." Tinitigan ko siya.
"Hindi." Sagot ko kaya napatawa siya ng mahina. "Pakibilisan nalang po. Sabihin niyo na ang dapat niyong sabihin dahil tutulungan ko pa si ina sa karenderya."
"Simula ngayon ay dito ka na titira, Sao." Napakunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang ina na kinalakihan mo ay hindi mo totoong ina, Sao. Isa siyang descendant ng ina mo at siya ang inatasang mag-alaga sa'yo. Ngayon ka lang naibalik dito ay dahil matagal namin kayong hinanap sa buong city at ngayon ka lang namin nakita." Mas napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Sino ba ang ina ko kung hindi nga si ina ang totoong nanay ko?" Tanong ko.
"Luna, The Moon Goddess of Earth." Napatulala ako sa sagot niya.
Malaking biro ito. Kailanman ay hindi ako magiging anak ng isang goddess. Ni hindi niya nga kami tinulungan ni ina nung mga panahong hirap na hirap na kami, e.
"Imposible 'yan. Baka nagkamali lang kayo. Hindi lang ako ang nag-iisang Sao sa buong city kaya paano kayo nakakasiguro na ako nga ang anak ni Luna?" Sabi ko.
"Nararamdaman namin kung sino ang mortal, descendant at anak ng isang goddess, Sao. Siguro napansin mo na kanina na naramdaman mo ang presensya ni Deimos pero hindi ito naramdaman ng kaibigan mo, tama?" Napatango ako. "Ang mga immortal lang ang may kayang maramdaman ang presensya ng isa't-isa. Kung isa ka lang mortal, bakit mo naramdaman ang presensya ni Deimos?" Napaisip din ako.
Tama nga naman siya. Pero bakit si ina alam niya kung nasaan ako palagi? Ah, sabi nga niya, descendant si ina kay Luna.
Pero sobrang imposible kung isipin. Bakit ako pa? E, hindi ko naman ipinangarap mag-aral dito at makisalamuha sa mga immortal na kagaya nila.
Napabuntong-hininga ako at hinilot ang sintido ko.
"Hindi ka rin papapasukin ng ikalawang gate kung madedetect niyang isa kang mortal." Sabi niya. "Mahirap mang paniwalaan pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan, Sao."
"Paano si ina?" Sabi ko.
"Huwag kang mag-alala, babalik na siya sa totoo niyang pamilya ngayong alam niya nang nasa kamay ka na namin." Sagot niya naman. "Welcome to Moon Academy, Haven Sao."
Binigyan niya ako ng pin na may pangalan ko at logo ng academy. Sa baba ng pangalan ko ay may nakalagay na 'O'. Gold din ang pin.
Isasangla ko 'to.
Napatingin ako kay Nereid na napatawa.
"Hindi mo pwedeng isangla iyan kahit na totoong gold iyan." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Paano mo nalaman ang iniisip ko?" Tanong ko.
"May signal waves akong naramdaman galing sa utak mo at alam ko kung paano basahin ang any kinds of waves kaya nalaman ko kung ano ang iniisip mo."
Ang weird. Sobrang weird. Kaya ayaw ko dito, e. Malayo sa realidad na nasanayan ko.
"Your things will be delivered to your dorm. Goodluck to your new journey, Sao." Tinanguan ko lang siya at lumabas na.
Habang papalabas ay tinry kong isuot ang pin na ibinigay sa akin ng head pero nahirapan ako.
"Let's go." Napatingin ako kay Deimos at hinawakan ang kamay ko kaya napapikit nalang ako at nagpigil hininga.
Naramdaman kong umikot ang buong paligid ng ilang segundo bago bumalik ang lahat sa normal.
Nasusuka ako pero hindi natuloy pero sobrang sakit naman ng ulo ko.
Sinamaan ko ng tingin si Deimos pero pumasok lang kaagad siya sa pinto kaya pumasok nalang rin ako.
"New Omega? KYAAHHHH!" Biglang sumigaw ang isang babae na color sky blue ang mata at may highlight na skyblue ang buhok at lumapit sa'kin.
Omega? Iyan ba ang tawag sa aming mga anak ng goddesses?
"Hi! I'm Margaret but you can call me Marga. Daughter of Cressida, Moon Goddess of Uranus. You?" Pagpakilala niya sa sarili.
"Sao. Haven Sao. Daughter of... Luna, Moon Goddess of Earth." Naiilang pa rin akong sabihin na isa akong anak ng goddess.
"Omg! Anak ni Luna!" Sabi niya at agad namang lumapit ang iba sa amin.
"Ano na kayang mangyayari sa Earth kung magagawa niya na itong kontrolin." Sabi naman ng babaeng color dark blue ang mata at may highlight na color blue sa buhok.
"I'm Aekishea. Daughter of Thalassa, Moon Goddess of Neptune." Pagpakilala nito.
"Sao. Haven Sao." Pagpakilala ko nalang din.
At nagsimula na nga silang mag-introduce, except kay Deimos.
"And he's Deimos. Alam mo naman na siguro kung sino siya, 'di ba?" Tumango ako sa sinabi ni Marga.
"Huwag mo nalang siya pansinin, Sao. Cold talaga 'yan. Masanay kana." Sabi ni Dion, son of Rhea, Moon Goddess of Saturn.
Napaisip ako. Ba't walang Moon Goddess ang Mercury at Venus? Pero naalala ko din na wala palang moon ang Mercury at Venus. Ambobo ko.
Silang lahat ay nagpakilala na sa'kin, except ni Deimos at ang hinala ko ay anak siya ng Moon Goddess ng Mars dahil ang Mars lang naman ang hindi nabanggit kanina sa pag-iintroduce nila.
May moon kaya ang Mars. Dalawa pa nga, e. Ano ngang pangalan no'n? Ah, Phobos at Deimos.
Deimos.
Sa moon pala ng Mars nakuha yung name niya.
"Yung akin kaya? Pero isa lang naman ang moon sa Earth, e at yun ay ang Luna. Kaya pa'no naging Haven Sao ang name ko?" Hindi ko alam na napalakas pala ng konti ang pagkasabi ko kaya narinig ito ni Aekishea.
"Your name is from one of the moon in the Neptune named Sao. Sa pagkakaalam ko ay nanghingi ng permission si Luna kay Thalassa na manghiram sa name ng isa sa mga moons niya para ipangalan ito sa anak niya at ang Sao ang napili niya." Sagot nito.
"Ano ba ang mga pangalan ng mga moons doon sa Neptune? At ilan ang moons doon?"
Hindi naman kasi ako genius na malalaman kung ilan ang moons doon. Mahilig ako sa moons pero palagi kong nakakalimutan kung ilan ang moons ng bawat planeta. Well, except Earth and Mars kasi madali lang naman talaga maalala kung ilan ang moons nito.
"Neptune has 14 moons named as Triton, Thalassa, Nereid, Naiad, Hippocamp, Proteus, Despina, Neso, Larissa, Halimede, Psamathe, Laomedeia, g*****a, and Sao."
Galatea. Yun ba yung isang Goddess ba yun sa Greek Mythology? Ah, basta! Wala naman akong alam diyan sa Greek Mythology na iyan. Ang kilala ko lang si Zeus, na hindi ko alam kung anong god siya.
"Nereid... " Napaisip ako. "Di ba yun yung name ng Headmaster?
"Yes, he's my brother since anak din siya ni Thalassa." Sagot niya kaya napatango nalang din ako. May ganoon pala.
Baka mapagkamalan akong kapatid ni Aekishea ah dahil isa sa mga moons ng Neptune ang name ko. Pero hindi naman ata iyon mangyayari.
Nakakapagod ang araw na ito. Kanina lang ay may nakita akong isang immortal, Omega to be exact. Tapos nahilo pa ako doon sa teleport-teleport na iyon. Tapos kinausap ako ng Headmaster na isa daw akong anak ni Luna. Tapos ngayon ang mga kasama ko na ay mga immortal.
Naninibago ako. Walang-wala ang buhay ko noon sa labas kesa ngayon dito sa loob ng napakalaking skwelahan na ito.
Noon lang ay namumuhay ako ng mapayapa kasama si ina, na hindi ko daw turing na ina, at masayang naninirahan kahit mahirap. Tapos ngayon, nasa isang magarang palasyo na ako na may napakalaking kwarto, maraming mamahaling gamit, at iba pa. Hindi ko na rin kailangang magtrabaho para kumita ng pera.
Miss ko na si ina.
At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
♕︎