Van Nakarating na ako ng hospital at pumunta agad ako sa room ni allysa at nakahiga parin siya at nakapikit ang mata niya kasama niya si tito. "Okay ka lang ba van?"tanong saakin ni tito dahil sa itsura ko. Lumapit agad ako kay allysa at hinawakan ang kamay niya. "Akala ko iiwan mo na ako.."sabi ko at hawak lang ni tito ang balikat ko at pinaupo niya ako sa sofa. "Akala mo mawawala na ang anak ko?"tanong niya saakin at tumango tango ako at tumawa siya ng mahina. "Hindi 'yan mawawala kasi malakas siya hindi ba?"sabi niya na may pinunasan din siya na luha galing sa mata niya. "Opo malakas po siya at alam kong lalaban po siya."sabi ko at tumango tango si kuya at narinig ko ang boses ni allsya na tinatawag ako. "Ally?"lumapit ako sa tabi niya at pilit niyang dinidilat ang mga mata niya

