Episode 8

1412 Words
"Kilala mo?" K-m asked. "Nakikita ko lang sa Ig" he replied without looking at K-m. Alas-onse na at wala parin akong balak bumangon sa kama. Nakapikit lang ako habang namimilipit sa sakin ng puson na kagabi ko pa iniinda. "Nak may naghihintay sa'yo sa baba" mahinang sabi ni mama habang nauupo sa gilid ng aking kama. I didn't respond and act like I'm on a deep sleep. Naramdaman kong umalis na si mama sa kama. Sunod ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. My eyes are still close. Nakakatamad talaga gumalaw ng gumalaw pag first day ng period. Mas gugustuhin ko nalang mahiga at matulog ng maghapon kung pwede lang. Tumunog na naman ang doorknob sa pagbubukas. Nakapikit parin ako. Naupo na naman si mama sa kama. "Babe" mahinang bulong niya sa kanang tainga ko. Gulat akong namulat at bahagyang lumayo pa sa kaniya. "Paano ka napasok dito?" "Uhh dumaan ako sa pinto?" Sagot niya habang nakaturo pa sa pinto. "Gago ka! Anong ginagawa mo dito? Lumabas ka nga. Maabutan ka pa dito ni papa. Malalagot tayong dalawa" sunod-sunod kong sabi at pinaghahampas pa siya ng unan para umalis na siya. Mahirap na baka makita kami dito at baka kung ano pang isipin ni papa. PDA lang kami sa ibang lugar pero dito sa bahay ay hindi pwede. Natatawa naman siya habang sinasangga ang hinahampas kong unan sa kaniya. "Relax! Sabi ng mama mo ay puntahan daw kita dito kasi may pupuntahan sila" malumanay niyang paliwanag habang natatawa parin. I stared at him. Tinitimbang kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. He pulled me closer to him and hugged me tight. "Bryle" mahina kong bulong. Hindi siya sumagot at mas lalong itinago ang mukha sa leeg ko. "Bryle" niyugyog ko na siya this time. "Bryle ano kasi" pilit ko na siyang nilalayo sa akin dahil sobrang nahihiya na talaga ako. "Bryle hindi pa ako naliligo. Pangalawang araw na ngayon" nahihiya kong sabi dahil iyon naman talaga ang totoo. Noong sabado ay nagrevised ako ng research maghapon at ngayon naman pati pagligo ay tinatamad ako. "Kaya pala iba amoy banda dito" mahina niyang sabi at natatawa pa. I glared at him and he just laughed again. "Joke lang. Halika dito, ihuhug kita ulit" "So mabango parin ako?" I asked while smiling widely. "Sge na. Maligo ka muna" aniya at himiwalay sa yakap. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tignan mo. Gusto mo akong maligo" nakanguso kong sabi habang umaalis na sa kama para makaligo. Nasa kwarto ko parin si Bryle kaya nagdala nalang ako ng damit sa cr para dito na makapagbihis. Pagkapasok ko ay mayroon na siyang inaayos na pagkain sa ibabaw ng kama ko. Siguro ay binili niya sa bayan bago dumiretso dito. Sumampa na ako sa gilid ng kama dahil nasa mismong gitna talaga siya nakapwesto habang nakasandal sa headboard. Agad naman niya akong sinubuan ng fries. Sweet. "Dito ka" aniya habang tinatapik-tapik ang space sa gitna mga hita niya. I crawled to him. Agad naman niya akong niyakap. "Masakit parin ba?" Mahina niyang tanong. Tumango nalang ako dahil busy ako sa pagkain. Bigla ko nalang naramdaman ang mainit niyang palad sa puson ko. "Masakit parin?" Tanong niya ulit. Masiyado siyang malapit sa akin. Pati ang pagbulong-bulong niya ay iba ang dating sa akin. Kakatapos ko lang maligo pero deeling ko ay ang init-init. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya. Ang sarap dahil unti-unting nawawala ang sakit. I felt him kissed my temple and slowly combing my hair with his fingers. Ang sarap sa pakiramdam. Sa sobrang sarap ay parang gusto kong matulog ulit. . "I love you so much Anasthasia Melody Marie Cruz" he whispered. Nangingiti lang ako na parang tanga dahil puno ang bunganga ko. Ikinain ko nalang ang kilig kong dulot ni Bryle. Kanina pa walang nagsasalita sa aming dalawa kaya't tinangala ko siya habang may kagat-kagat pang fries. Pagtingala ko ay diretso lang siyang nakatingin sa akin. I stared back at him. Walang sabi-sabi ay inumpisahan niyang kagatin ang dulo ng fries na kagat-kagat ko. Mayroon paring ilang pulgada sa pagitan namin pero amoy na amoy ko na ang mabangong hininga niya. After a seconds ay naramdaman ko na ang labi niya. Hinawakan niga ang magkabila kong pisngi. Napapikit nalang ako sa sobrang rahan ng halik niya. Para bang sinusuyo ako ng mga halik niya. Tunog lang ng electricfan at halik namin ang maririnig sa buong kwarto. Sa gitna ng pagsagot ko sa mga halik niya bigla siyang tumigil at tumitig sa mga mata ko. "I love you" he said softly. Ang dalawa niyang kamay ay nakahawak parin sa magkabila kong pisngi. "I love you more Bryle" I said. He chuckled and kissed my forehead. We stayed in my room for another hour. Ganun parin ang posisyon namin habang sinusuklay niya ang akin buhok para daw mas mabilis matuyo. Siya na rin ang nagtuloy sa ginagawa kong pagrevise sa research paper. Ngayon ay baliktad na ang posisyon namin. Ako na akong nakasandal sa headboard at siya naman ang nasa gitna ng mga hita ko habang nagre-vise. Yakap-yakap ko siya at paminsan-minsang sinisinghot ang damit niya. Ang bango bango naman ng baby ko. Nasa labas na kami ng bahay sa may gilid ng gate kung saan mayroong maliit na lamesa at apat na upuan. Nasa kanan ko si Bryle habang umiinom kami ng kape kahit na mainit ang panahon. Kanina niya pa ako kinukuhanan ng litrato kaya kanina pa rin ako nagpapacute. "Magbilang ka naman. Baka mukha na akong tanga sa mga kuha mo" natatawa kong reklamo kaya natawa rin siya. " 1, 2, 3, I love you" marahan niyang sabi. Napangiti naman ako habang pinamumulahan ng mukha. Hindi ko naman inexpect iyon! Lumapit siya sa akin at pinakita ang mga pictures na kuha niya. Lahat ay magaganda. Bumagay ang suot kong sleeveless white top sa background kong mga halaman at bulaklak na tanim ni mama. Niyakap niya ang baywang ko. "Galing naman kumuha ng bebe ko" puri ko sa kaniya at mahinang tinapik-tapik ang kanang pisngi niya. Ginawaran ko rin siya ng isang mabilis na halik sa labi. Umabot naman hanggang tainga ang ngiti niya. "That's my favorite" komento niya habang nakatingin sa tinitignan kong picture na kuha niya. Picture ko iyon na kuha niya kanina habang nagpapabebe ako. Nakangiti ako habang nakapikit at ang mukha ay nakapatong sa magkabila kong palad na nakasara. Totoong nagpapabebe ako niyan pero sa litrato ay parang natural lamang na nakangiting ako. Hapon na nang umuwi si Bryle dahil nakipagkwentuhan pa siya kay mama at papa pagkarating nila galing sa kung saan. *** Monday came and everyone is busy doing their booths for upcoming Valentine program. February 14 is Saturday so naisipan ng principal namin na 13 nalang which is sa friday. Taon-taon cini-celebrate ang valentine sa school namin para na rin daw magkaroon ng bonding ang mga teachers at students. Ang lahat ng TVL students ay hinati sa dalawang grupo. Iyon ay ang Beverages at Desserts na kung saan iyon ang ipreprepare namin para itinda sa booth namin. Kaming magbabarkada ay napunta lahat sa dessert section. Thursday ng umaga ay busy na ang lahat sa pagtatapos ng kani-kanilang booth. Kami namang napunta sa dessert ay busy sa pagbebake ng mga cookies at cupcakes na ibebenta para bukas. Kailangan marami ang gagawin namin dahil pwedeng makijoin ang mga outsiders. Meaning, maraming tao ang pupunta. Gabi na nang matapos kami at makauwi. Tapos nang kumain sila mama at papa kaya mag-isa nalang ako kumakain habang kavideo call si Bryle. Gulo-gulo ang buhok niya at tanging kumot ang tumatakip sa kaniyang katawan. Kagigising niya lang daw dahil maaga silang dinismiss kaya maaga siyang umuwi at nakatulog. Nagkwekwentuhan lang kami at pinag-uusapan ang mangyayari bukas. Dahil paniguradong hindi ako makakapag hawak ng phone ay hahanapin nalang daw niya ako pagkarating niya sa school ko dahil isasama niya rin ang mga barkada niya. "8 na pala. Dapat maaga akong matulog para maganda ako bukas" natatawa kong bulalas habang pinapaikot-ikot ang duko ng aking buhok sa kanang daliri ko. "Araw-araw ka namang maganda" nakangiti niyang saad. Mahina akong natawa at mahinhing isinumping ang buhok sa kanang tainga. Natawa naman siya sa ginawa ko. "By the way, hindi ka naman mahihirapan na hanapin ako bukas kasi naka fairy costume kami." napatango siya sa sinabi ko. "Basta pag may nakita kang maganda na mala dyosa, ako na yon" tumatango-tango ko pang dagdag. Tumango-tango rin siya na para bang paniwalang-paniwala sa mga sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD