Napatingin sina Chanel, Helena at Spice sa kalalabas lang na si Pepper. Pinili ni Chanel na ilugay na lang din ang straight niyang buhok. Light lang ang mga make up nila. "You look stunning!" nakangangang bulalas ni Spice habang sinisipat ang kabuoan ni Pepper. Hindi siya makapaniwalang ganito kaganda ang bully niyang kaklase. "And gorgeous!" bulalas naman ni Chanel habang nagtatatalon. Para siyang nakagawa ng isang masterpiece na sobrang nagustuhan niya. Pepper is perfect! "You look sexy, dear. Tiyak na lalong mahuhulog sa 'yo si Kookie." Namula si Pepper sa sinabi ni Helena. Napahalakhak pa ang dalawa sa gilid dahil sa reaksyon ng dalaga. Agree naman kasi sila. Kulay pula ang gown niya. Kumpara sa kanilang lahat ay siya lang ang may gown na simula itaas hanggang paa ay fitted. Kita

