Weak side Kookie Jeon Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Ilang araw na akong natutulog nang wala sa tama. Na-mimiss ko na ang matulog sa higaan ko, tapos sasalubungin ako ni Mama sa tuwing bababa ako. Napabuntong-hininga na lang ako. Kumusta na kaya si Mama? "Daydreaming?" Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang pagsulpot ni Pepper mula sa likod ko. Ngayon na lang niya ulit ako kinausap. Dati naman kasi ay ako ang unang kakausap sa kaniya at sa huli, mag-aasaran lang kaming dalawa. Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa't isa. "Nope. Na-mimiss ko lang si Mama," sabi ko. Hindi naman ako nag-oopen sa kaniya pero kahit 'yon lang ay sinabi ko. Kahit na sabihing close kami kung titingnan, hindi naman namin kilala talaga

