Turn of events Malakas na hangin ang sumalubong kay Kookie pagkalabas na pagkalabas niya ng Cabin. Napatingin din ang iba dahil sa lakas nito at nakita ang isang kakaibang sasakyang panghimpapawid. Hugis pagong ito na kulay berde at sinlaki ng isang eroplano. Wala itong elesi o kahit pakpak man lang para lumipad kaya naman nakapagtataka at lumilipad ito. Ang eroplano nga sa mundo ng tao ay may pakpak, ito pa kayang sasakyang hugis pagong? Napaisip tuloy ang lahat nang nakakita kung anong uri at saan ito gawa. "Skip, ayos lamang ba kayo riyan?! Ipapababa ko na ang aking mga tauhan upang kunin na kayo. Sana ay kasama mo na ang mga pirata na iyan!" sigaw ni Sophia na gamit ang isang mikropono sa loob ng sasakyan. Napapitlag sila lalo na si Skip dahil sa tinuran nito. Napakunot tuloy ang

