Real Strength Napahinto sila nang lumabas si Tammy mula sa kwarto. Seryoso itong nakatingin sa kanila habang tahimik lang sila. Hindi na rin ito mukhang galit at mainit ang ulo. Nakatulong ang pag-iisa niya para makapag-isip nang matino. Dahan-dahang lumapit si Spice sa kaniya. Agad kumunot ang noo ni Tammy dahil akala niya kukulitin na naman siya nito. "Sorry Tammy, ah? Hindi ko talaga sinasadya." "Ayos lang," aniya. "Naiintindihan ko rin naman." "Malapit na kasi talaga ang loob ko kay Gem noon pa lang. Naging mag-bestfriends kami. Walang sikreto, sabihan ng mga problema o kaya naman minsan ay nagkakatampuhan," ani Spice. "Kaya naman nagulat ako nang malaman kong--wala na siya." "Alam ko. Pati naman ako, hindi makapaniwala. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa mga

