Natigilan ako habang pabalik-balik pa rin ang tingin sa kanilang dalawa. ‘Ibig sabihin . . . dito rin sila nags-stay?!’ ‘Ano na bang nangyayari sa mundo?!’ “Oh, Cass!” nakangiting bati ni Albus na itinaas pa ang kamay na animo’y kakaway, bahagyang nagpakurap sakin. ‘At kelan kami naging first name basis, aber?’ tanong ko sa sarili. ‘Eh Albus din naman tawag mo sa kanya, hindi ba?’ sagot naman ng utak ko. Nailing ko na lamang ang ulo ko. Masama na ‘tong nangyayari sa utak ko . . . Pasimple akong yumuko at saka ipinikit ang mga mata. Napahawak na lang ako ng sintido at marahang minasahe ‘yon. “Are you okay?” napabaling ulit ako nang magsalita ito. “Y-yes. Of course I am.” Tipid lang akong ngumiti sa kanya. ‘Ang awkward . . .’ “So you’re staying h

